Para sa mga nakatanga na tulad ko (tula)
Minsan kapag walang magawa
At ako ay nakatulala
Ginugupit ko ng sagad ang aking mga kuko
Para lang maramdaman ko
Ang hapdi at sakit tuwing hihipo
Sa aking kapwa tao.
Minsan kapag walang magawa
Pinalilipas ko ang pananghalian
Upang maramdaman ang hapdi ng tiyan
At paano pagtaksilan ng sikmurang kumakalam
Tulad ng mga batang wala ni kanin at ulam.
Minsan kapag walang magawa
Naglalakad ako ng pagka haba haba
Upang maranasan ko ang pagod at hirap
Ng mga magsasakang nagpoprotesta
Sa kahabaan ng Mendiola.
Minsan kapag walang magawa
Naglalakad ako ng walang sapin sa paa
Upang maramdaman ko ang hinaing ng lupa
At madama ang pighati
Ng mga taong dinuhagi.
Minsan kapag walang magawa
Lumalabas ako ng walang payong
Sa hagupit ng ulan at hapdi ng araw
Upang makiisa sa mga nilalang
Na walang dingding at bubungan
Ni kapirasong masisilungan
Minsan kapag walang magawa
Naglalakad ako ng nakapikit
Upang maranasan ang dilim ng paligid
At masagot ang maraming bakit
Ng hustisyang may piring sa mata at bibig na pinid
Minsan kapag walang magawa
At ako ay nakatunganga
Nagbabasa ako ng libro ng pabaligtad
Maramdaman lang ang tunay na paghahangad
Ng mga taong pinagkaitan
Ng paaralan at karunungan.
Minsan kapag sadyang walang magawa
Ako ay napapatunganga sa kabuhungang
Aking nakikita likha ng mga taong walang
ang hirap ng may writer's block hayyy...
thanks aireen
kulang na kulang kasi itong tula ko, walang gaanong lalim at init di gaya ng satisfaction ko sa mga naunang gawa ko, pasensya na nagpapagpag lang ng kinakalawang na utak hehe...
hindi talaga ako poet, mas gusto kong magkwento pero walang masamang sumubok.
salamat aireen sa pagbasa
tayo nang tumunganga! hehe...
huli man daw at magaling...
Bok, ito ang isang halimbawa ng tula na palagay ko mas epektibo kung babasahin nang malakas at ia-adress sa harap ng malawak na audience.
Gayunman, kaiba sa mga karaniwang tulang naghahangad maglatag ng opinyon sa mga ngangayuning usapin, naging birtud ng trabaho ito ang masining na paglalahad ng galit buhat sa pagmamasid ng isang taong nag-iisip (i.e. "Thinking man's anger").
maganda naman po ang tula....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
di ko man lang naisip na gawa ito ng isang na-writer's block...
Sana makagawa din ako ng tula kapag na-writer's block ako...
Godbless po..
jons
may...
...writers block ka pa sa lagay na to ha?
sulat lang!
may nanghahamon talaga ng away o gulo noh? wag mo na lang pansinin.
hahaha!
sayang ang effort.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
.
hehe...ganyan talaga kapag hindi nakakaintindi bro, ang akin lang sinasagot ko hindi lang para maintindihan nya kundi para maliwanagan din ang isyu. medyo nakakainis pero ganyan talaga e. siya lang naman mag-isa kumukwestiyon tapos ang mga kwestyon pa niya nakakatawa. experimental daw wahahaha! alam ng lahat na ang Sibol ay di experimental siya lang ang nag-iisip nun e.
hahaha!
...oo nga eh. tapos ngayon may koleksyon pa siya ng da best in da west. hahahaha!
anak ng tinapa eh noh. sige, kaw na munang bahala sa kanya. hahaha!
tagni!
musta mo ako kay ate teena.
hanggang sa muli!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
Panalo
Dapat isali yan sa guiness para sa pinakamaraming typographical error na nalimbag na libro sa kasaysayan...
At may blurb si Mao
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
mahilig rin akong tumunganga
...
at ito ang pinakamaykuwentang paraan ng pagtungangang nakita ko.
napakaganda ng tula.
wow writer's block.....
kua rom, masaya pala ang pagtunganga.. kung ganito ang ginagawa..
ako rin ngaun eh. di makasulat.. excited sa recording hehehehe.....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
ayos!
akala ko nung una, tula ito tungkol sa isang inlove. yun pala hindi. tula ito tungkol sa taong mulat sa tunay na pangyayari sa kapaligiran. magmula sa gutom, kawalan ng hustisya, hirap, mga problema ng simpleng tao.
maganda 'to kuya =) keep it up!
partida.. may wb pa yan ah.. hehehe
ang lupet ng writer's block mo kuya
may writer's block ka ba talaga??? hehehe... ako 3 days na talagang naiiga ang utak ko... kung kelan kailangang magsulat eh saka ako tinakbuhan ng utak ko. ano ba yan! sana ganyan din ako pag may writer's block!
keep it up kuya...
Ingatski,
melay
...
sana maranasan ko din ang klase ng writers block na naranasan nyo sir, nakagawa padin kasi kayo ng magandang tula. ako kasi pag writer's block, writer's block talaga, tameme ako, LOL
inggit ako sa writer's block nyo.
gusto ko yung idea na ginugupit ng sagad ang kuko, ganda.
Natuto tuloy akong ma appreciate ang minsan ay pagtulala ko at pagtanga sa kawalan.
sana maka shake hands ko kayo balang araw sir.
A sorta fairytale with you...
sinta..
salamat sinta sa pag appreciate. tsaka wag na lang Sir, di ata ako komportable dun Kuya na lang oks na kuya naman ako ng lahat dito e kahit yung mas matanda sa akin kuya ang tawag sa akin hehe...
ikaw nga dyan e tuwang-tuwa ang wife ko sa mga gawa mo pinagmamalaki niya sa akin pagkabasa niya ng mga short story mo gandang ganda siya. totoo naman oks mga gawa mo maangas at malambing kumbinasyong kakaiba na nagpapalutang sa karakter na gumaganap sa mundo ng istorya mo.
salamat muli...
ako....
minsan kapag walang magawa..
nangungulangot ako at ipapahid sa taong nasa harapan..
haha!
ganda rom..... ;)
kelan ulit ang get togeder natin..? weeee!! :D
.
sus si fhe di alam ang nangyayari hehe eto o punta ka rito ha at wag ka mawawala http://www.filipinowriter.com/filipino-writers-grand-grand-grand-eb
You got the beat men!!!!
ang galing mo rom i like that poem feeling ko nga nararamdaman ko yung sakit habang binabasa ko. Ang galing thanks for sharing that!!!!!
Ganda
"Isang hapong ako'y walang magawa
Naisipang maghalungkat ng mga tula
At Natagpuan itong gawa ni Kuya
na sadyang Napaka ganda naman talaga. "
Ganda nito Mang ROm... Ang lalim, digs ko!!
aling ilyang
salamat aling Ilyang hehe... tagal na nito wala na nga akong kopya nito e
na corrupt kasi yung external hard drive ko.
hirap ako gumawa ng tula kasi masyado akong emotionally attached kapag tula ang ginagawa ko. parang nanganganak ng kambal ba. kaya nga konti lang ang tula ko dito. basahin mo din yung tula kong may drowing "my room" ang title tsaka yung binasa ko sa powerbooks poetry reading night. ano nga bang title nun?..."ano nga ba ang gagawin ko ngayong wala ka na?" ayun hehe...
salamat sa pagbasa.
sir!hey!
ganito po pala ang may mga writer's block?
nakakagawa ng magagandang tula.......sana magkaroon din ako.
Yofuku tsukerinasai..
Ito ay isang
Ito ay isang realidad.
Nang tumunganga si Archimedes nabuo yung Archimedes Principles,
Nang tumunganga si Decartes nabuo yung Geometry
Nang tumunganga si Van Goh nabuo yung kanyang mga obra-maestra
Nang tumunganga si Hitler natalo ang Germany
Nang tumunganga si Gloria naubos ang pera ng bayan
hehehe.... Pa-effect kasi
hehehe....
Pa-effect kasi si Bulilit na may ginagawa, pera sa totoo lang patungatunga lang naman sa labas ng bansa, nag-iisip kung paano dadagdagan yung kanyang yaman, akalain mo 200% ang nadagdag nang siya ay simulang manungkulan.
Salamat!
Papasok na ako sa trabaho, mahirap tumunganga kapag walang laman ang pitaka. Ang hapdi sa bituka. Naospital na kasi dahil sa katutunganga, yan tuloy kinagat ako ng lintik na lamok.
Hehehehe...
Ingat.
masarap pagmasdan ang mga
masarap pagmasdan ang mga nakatunganga,
enjoy
lalo na si Ninoy
habang hawak-hawak mo ang kanyang larawan
sa limandaan
hehe...
Hmmm...
Bagay basahin ang tula niyo nang nakamegaphone sa mga natutulog na opisyal ng gobyerno
na minsan kahit wala silang magawa
ay kumikita pa rin ng limpak-limpak na salapi
mula sa mga taong walang magawa
kundi magdusa't magbilang ng patak ng luha
Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos
astig!
wow!...ang tunay na manunulat,iba pala pag na-writers block..nakakagawa pa ng tula.
astig..thumbs up!
keep it up kuya rom.
baguhan po ako dito
"dont get too carried away"
welkam maryann!!!
wag kang pipikit...
salamat!!
...salamat ate luca,este kuya luca,ay ate nlang..ikaw ang unang-unang nagwelkam sakin dito.maraming salamat sayo!.di na ako ma-out of place.hehe
....pumasok ako sa mundo ng mga manunulat,wala lang.. naingganyo ako sa inyong taga- fw.magagaling kasi kayong manunulat.hilig ko rin kasi ang pagsusulat.ginagawa ko lang libangan pag walang ginagawa.
Isa po ang inyong mga akda sa aking sinusubaybayan...galing!!!gawa pa po kayo!
"a genius is someone who shoots at something else, no one can see...and HITS it."






















writer's block ba yan kuya
writer's block ba yan kuya rom..??
ayan nga't nakalikha ka ng bagong tula...
Minsan kapag walang magawa
Ako'y sumisigaw
Upang madama din anong pakiramdam
Ng mga taong kayang ipaglaban
Kanilang mga karapatan.
haist!
Masarap din minsan ang pkiramdam ng pagka-tulala..
cheers kuya rom!
aireen