PARA SAIYO AKING INA

rose's picture

"PARA SAYO AKING INA"

 Ito ay aking liham para sa aking pinakamamahal na ina. 

 Mula sinapupunan siyam na buwan mo kaming inalagaan, hanggang kami'y iyong ipinanganak. Sanggol pa lang kami halos ayaw mo kami makagat ng kahit anong insekto, mula ng Nagkaisip, nag-aral nandiyan ka sa tabi namin.

Ginawa mo ang lahat ng bagay para kami'y mabuhay ng maayos at lumaki ng may takot sa diyos. Inaruga mo kami ng higit pa sa buhay mo, ayaw mo kami masasaktan o magugutom man lang. kinakaya mo lahat ng bagay para sa amin at para sa iyong kabiyak, tinalikuran mo ang lahat ng marangyang bagay para sa amin, hindi ka sumuko sa lahat ng pagsubok na dumating sayo, kapag nahihirapan ka ay umiiyak kana lamang at nagdarasal ka. 

kahit kailan hindi ka naging maramot sa amin at sa iyong kabiyak, kahit wala ka na basta maibigay mo lahat para sa amin, iniisip mo lagi ay mga bagay na makakapag pasaya sa amin, wala akong narinig sayo na kahit anong hinaing na kahit alam ko at nararamdaman ko ang hirap na iyong nararanasan.

 Para sa akin ikaw ay isang ulirang ina, matatag, may paninindigan at may takot sa diyos. Na kahit hanggang ngayun na alam kong ikaw nahihirapan ay nandiyan ka pa rin, nananatiling nagpapa-alipin at nag-aalaga sa kanya, pasenya kana ina kung minsan ay masyado siyang perpekto, kung puro sakit ang binibigay niya sayo. 

Kung kaya ko lang akuin ang mga bagay na nagpapahirap sayo, ang mga masasakit na salita na naririnig mo, ay aakuin ko. O aking ina sana ay maging mas matatag ka ngayun, alam ko na kaya mo ang lahat ng pag subok na dumarating sayo, alam ko na minsan ay napapagod kana sa yong buhay pero kinakaya mo pa rin para sa amin.

 Napakabait mo, kahit simpleng bagay na binibigay ko at ginagawa ko para sayo ay pinasasalamatan mo ng buong puso mo. Kahit ilang beses na paulit ulit na nagkamali ang iyong mga anak at iyong kabiyak ay nandiyan ka pa rin para sa kanila, inaaruga at binibigyan ng importansya hindi ka nagtatanim ng kahit anong galit sa puso mo . 

Sana maging katulad rin kita balang araw  aking  ina, na kapag dumating ang panahon na ako'y mag-aasawa na. Sana'y maging matatag din ako, sana'y magawa ko rin ang mga sakripisyo na katulad ng mga ginawa mo. Sana'y magawa ko rin para sa magiging anak at pamilya ko, sana kayanin ko rin ang lahat ng hirap at pagsubok na darating sa akin. 

 Mahal na Mahal kita o aking ina, hangad ko na ibigay ang mga bagay na makakapag pasaya sayo hanggat kapiling ka namin, kung minsan ay nakakagawa at nakakapag sabi ako sayo ng mga bagay na ikinakasakit ng iyong kalooban ay inihihingi  ko ng tawad.

Utang namin sayo ang buhay namin, kaya kami narito ay dahil sa pag-aaruga mo. Kung Alam Mo Lang Kung Gaano Kita Kamahal! 

ADVANCE HAPPY MOTHER'S DAY SA LAHAT NG MGA INA AT MAGIGING INA NA!


jonsdmur's picture

Napakaganda ng nilalaman ng

Napakaganda ng nilalaman ng sulat na ito...

Mabuhay lahat ng Nanay......

God bless to all!

Jonsdmur