Paraiso sa Tunay na Buhay
Nais ko ng masayang tahanan
mga ngiti at tawanang di mapapantayan
ng anumang bagay na inaalok
ng mga huwad na kaibigan.
Nais ko ng mabuting buhay
puno ng pag-asa at kulay
mithiing tunay at walang lumbay
sa aking mahal na laging kaagapay.
Doon kung saan sagana,
walang sakit, kamatayan o pagdurusa
ang mga pilay ay lulukso na parang usa
at ang mga bulag ay didilat nga ang mga mata
sa paraisong pinapangarap ng bawat isa.
Doon walang balakyot at patutot
walang taong hangal at baluktot
at kung sa mga mababangis na hayop
ay walang panganib at takot.
Doon kung saan ang paligid ay maganda
walang alinlangan at pangamba
walang digmaan, salot o sakuna
walang magugutom at sisilain ng aba.
Ito ang buhay sa lupa...
ang buhay na hindi sana narumihan
ng kahambugan at kasakiman.
Ng pusong mapandaya at lapastangan.
Ng mga taong nababahagi ng kanilang
prinsipiyo at simulain
Ng paniniwala at adhikain,
Subalit dumaraing at nagdurusang magkakasama.
Tila baga wala ng pag-asa
ang buhay sa mundong ito.
Sa mundo ng mga ilusyon at imahinasyon.
Ngunit ang totoo,
ang sistemang ito ay lilipas din.
At hindi na magtatagal ang isa na sagabal,
sa mga taong nagpapagal...
At sa mga taong nagtatamo ng tunay na karunungan.


