Pass Muna Ako

Ailem23's picture
| | | |

Pass muna sa pangungulit mo

Pagkat kailangan ng bantayan ang puso

Baka muli ay bigla itong mahulog

Hindi na naman ako makakatulog

 

Pass muna sa pag-intindi sa’yo

Sa bawat salita mo’y nabubuhay ako

Sa pag-asang mapansin mong andito ako

Maling pag-asa na baka mamahalin mo

 

Pass muna sa masasayang sandali

Kailangan ang puso’y isaradong muli

Upang hindi na ito tuluyang mayanig

Ng dahil sa iyong malambing na ngiti

 

Pass muna akong maging masaya

Dahil ayoko rin namang pilitin ka

Tinuturuan ko na ang sariling umunawa

Na sa pagitan natin walang mapapala

 

Pass muna sa pag-iisip na mahal kita

Nasabi ko na noon dapat ngayon ay hindi na

Ngunit kahit isang hakbang di ko magagawa

Kung parating pagbibigyan na ika’y makasama.

melay

wala lang


Jjerald69's picture

maayos ang pagkakagawa.... :)

may tugma ang tula mo at wastong gamit ng salita....

 

 

 

-this is what i am, no can ever dictate my personilty-

Ailem23's picture

hello Jjerald

 Salamat po... hindi ko po forte ang tula pero awa ni Lord, nakakabuo din naman... Thank you po sa paggbabasa.

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

www.internetserye.com 

ann melanie estrella-dolorito's picture

gulat ako

search ko name ko sa google at nakita ko sa filipinowriter.com. Bumungad sakin ang tula mo... nagulat ako MELAY ang writer, then i asked my self KELAN KO TO SINULAT? hahaha.. sau pala toh.. pasensiya na MELAY DIN NAME ko...

nice poem