patak
Submitted by alierose on October 3, 2010 - 9:58pm.
nararamdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan
tulad ng panahon ika'y lumisan
umiihip si hanging habagat
habang ikaw ay patungo sa sinasabi mong tamang daan
pinagmamasdan ang butil na dumadampi sa uhaw na lupa
kinaiingitan ng pag-ibig na tigang
lumalakas na parang bagyo
ngunit patuloy pa rin sa paghihintay
hanggang dito na lang ba ang buhay pag-ibig kong ito?
nagdadalamhati tulad sa pagbuhos ng ulan
» alierose's blog | login to post comments | 360 reads


