Patay Ako Sa Daddy Mo [part 1]
part 1
"Rolly... your such a pathetic guy! Hahahah!!!", boses ng isang lalaki, kinaka-usap ako. "Until now, you are still a silly virgin! Kelan ka ba makaka-score, pag fifty years old ka na?! Hahahah!"
Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses na iyon, subalit napakadilim at tahimik ang paligid. Tila naglalakad lamang ako sa kawalan ngunit wala naman akong patutunguhan, dahan-dahan at nangangapa.
"Hahahahahahah! Hindi mo ako makikita Rolly, dahil you are such a loser. Hahahahah!", pangungutya pa nito.
Dahil doon ay lubos akong naasar... minabuti ko ang paghahanap sa kanya... tumakbo ako ng tumakbo sa kadiliman... hanggang makita ko ang anyo ng isang lalaki mula sa kalayuan. Agad ko itong pinuntahan, nananabik akong makita kung sino ang lalaking iyon, gusto ko siyang sapakin.
Bigla na lamang akong napahinto nang mapansin ko kung sino ang lalaking iyon... hindi ako maaaring magkamali... ang lalaking iyon, ay walang iba kundi ako!
"I am sick and tired of being you, Rolly. Gusto ko na ng ibang buhay, dahil isa kang talunan, isa kang talunan!!!", sinabi ng taong iyon, na hindi ko masabi kung kakambal ko ba o repleksyon.
"Hindi! Hindi ako talunan!!!", bigla ko na lang naisigaw.
At nagising ako mula sa isang panaginip...
What's with the Girls and C.R.?
'Panaginip lang pala.', nasabi ko, matapos bumangon sa kama at nagtungo sa banyo upang maligo.
Subalit nakasarado ang comfort room, may tao sa loob. Si ate.
"Ate bilisan mo dyan, male-late na ako sa klase ko.", pangangatok ko.
"Mag-intay ka Rolly, sinabi ko naman sayong agahan mo ang gising mo, para hindi tayo mag-aagawan sa C.R. Alam mo namang ginagamit ko rin 'to every morning!", pasigaw na nasabi sa akin ni ate.
"Ok lang sana ang oras natin, kung hindi ka lang sana isang oras kung gumagamit ng banyo!", sagot ko.
"Huwag mo akong pakelaman ha. Sino ba ang nagbabayad sa rent dito sa apartment?! At sino ba ang nag-papaaral sayo ha?!", galit nang sagot ni ate.
Sabagay, may punto nga siya doon... siya ang nagbabayad ng rent, at siya rin ang nagpapaaral sa akin. Kung wala siya marahil isa nalang akong istambay sa probinsya namin.
Kaya I moved back, at kinuha ko nalang ang aking mga gamit sa school. Quarter to nine na. Fifteen minutes na lang at klase na namin... tinangay ko ang isang egg sandwich sa lamesa. At habang subo ko iyon ay nagwika ako, "Sige ate, alis na ako..."
Binuksan ko ang pinto palabas, at sumibat na, hindi manlang naligo.
And there I was, nakarating sa school at 9:20am, late pa rin... bwisit na heavy traffic!
Nag-aaral ako sa may bandang Makati, isa siyang eleven-story building, matatagpuan sa baybayin ng south super highway. College student ako, 21 years old, at tulad nga ng nasa panaginip ko, I am still a virgin.
Ang pagiging isang virgin, when you reach the age of 21 is a big deal, lalong lalo na kung nag-aaral ka sa aming campus.
"Musta na Rolly? Naka score ka na ba?", tila pang-aasar saking pagbati ni Jed, ang friend ko na saksakan ng pilyo when it comes to girls.
Ngumiti na lang ako, at sabay kaming nagpunta sa harap ng elevator. Nasa third floor pa ang classroom ko, at mas magiging mabilis kung gagamit ako ng elevator.
"Sa itsura at amoy mo, e mukha ngang hindi ka nyan makaka-score. Tsong 21 ka na... you better act and look like a 21 year old man.", tila payo sa akin ni Jed, sabay tapik sa aking balikat. "Ito, gamitin mo muna tong perfume ko, Drakkar yan, trip na trip yan ng mga babae. It will make you more sexually attractive." Kinuha ko iyon, at nagbuhos ng kaunti sa aking leeg. Mabango.
Sandali pa at bumukas na ang elevator, pumasok na kaming dalawa. I pressed the 3rd button, samantalang si Jed ay nineth floor.
"Sabi ko naman sayo kausapin mo na ang GF mo, ask her na mag-make love na kayo, diba four months na kayong mag-on?"
"Ibahin mo si Niki. Hindi sya cheap na girl.", naisagot ko agad.
"Then you better look for someone na pwede mong pag-praktisan."
Sasara na sana ang elevator nang biglang may mapansin kaming isang girl na nagmamadaling humabol para makisakay.
Pumasok ang babae, si Danica pala, kilala siya sa school bilang girl na "mahilig".
Biglang bumulong sa akin si Jed. 'Tol iiwan na kita dito with Danica, now is your chance.'
Lumabas si Jed sa elevator at sumara na ito, naiwan kaming dalawa. SI Danica at ako. Tahimik.
"A, anong floor ka?", naitanong ko kay Danica.
"Fifth floor.", nakangiti niyang sagot.
I pressed fifth, and she said 'thank you.'.
Saglit pa at umandar na paitaas ang elevator, tahimik pa rin, hanggang mapansin ko ang bigat ng tingin sa akin ni Danica. Nilingon ko siya. At laking gulat ko ng bigla niya akong dambahin ng halik.
'NOW IS YOUR CHANCE!', paulit-ulit na naririnig ko sa aking isipan, habang nakikisabay na rin ako sa mga halik sa akin ni Danica. Bumaba ang halik niya sa aking leeg, tila nasasarapan siya sa Drakkar na inilagay ko.
"Wait!", nasabi ko nalang nang makita kong malapit na kami sa third floor.
Bumukas ang elevator, bigla siyang umayos ng pagkakatayo, nabitin ako.
"Ituloy na natin sa taas, Rolly.", malambing na wika ni Danica pagkatapos ay pinindot niya ang close button.
Sumara ang elevator, at patuloy niya akong hinalikan.
Bumukas muli ito, nang makarating kami sa fifth floor, that time she draged me out, at tila gusto niyang ituloy namin ang aming ginagawa.
"Halika, dito tayo...", wika nito habang hila-hila ang kaliwa kong kamay papunta sa C.R.
Wala naman akong magawa, this is it, kelangan ko na sigurong gawin to... para mawala na ang mga bad dreams ko, about being a virgin.
'Dito tayo.', binulong ko sabay itinuro ko ang Boys' C.R.
'Ayaw ko jan, gusto ko sa Ladies restroom tayo.', hindi niya pag-sang-ayon sa akin.
Ano bang meron sa mga babae at C.R.? Gusto pa ni Danica ay sa banyo kami ng mga babae... hay! Pero pinagbigyan ko na rin, baka mawala pa ang tyansa kong makawala sa brotherhood of virgins e.
Pumasok nga kami sa Girls C.R. Sakto, dahil walang tao. Hinila niya ako paloob sa isa sa mga cubicle... then she started to kiss me again, and again, and again.
Habang mabilis na kumikilos ang mga kamay nya upang tanggalin ang aking sinturon, at hubuan ako.
Saglit lang at tumalsik na nga sa floor ang aking pantalon... that time, bumaba na muli ang kiss ni Danica sa akin, pababa ng pababa, hanggang naka-luhod na siya sa aking harapan. She was about pull down my underware, nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo, may mga babaeng pumasok!
Shit!
Huli ka Balbon
Agad tumayo si Danica. Ako naman ay mabilis na pinulot ang aking pantalon sa floor, takot na masilip iyon mula sa butas below the cubicle.
"Napaka-hirap naman ng quiz natin...", wika ng isang babae.
"Oo nga e, si Mr. Guzman talaga, parang ayaw na may papasa sa estudyante niya.", sagot naman ng isa pang babae. Samantalang kami namang dalawa ni Danica, ay patuloy pa rin na nananahimik sa loob ng cubicle. Kinakabahan na baka kami mahuli...
"Ikaw Niki, bakit nananahimik ka dyan?", tanong uli ng isang babae.
"Ah wala, nahilo lang ako sa quiz natin.", sagot ng isa na parang pamilyar sa akin ang boses... Oo! kilala ko kung sino ang babaeng nagsalita na iyon, pamilyar siya sa akin. Si Niki, ang girlfriend ko! PATAY!
"O sino yang tatawagan mo?", tanong ng isa sa mga kaibigan ni Niki sa kanya.
"Si Rolly. Nag-aalala kasi ako sa kanya, hindi siya nakapag-quiz, tatanungin ko lang kung bakit hindi siya naka-pasok.", sagot ni Niki. Pagkatapos ay narinig kong pumipindot siya sa cellphone niya.
Mabilis kong naisip na sa oras na tawagan niya ako ay mag-riring ang cellphone ko, at malalaman niyang nandoon lang ako sa cubicle, kasama si Danica! Kaya agad kong kinapa ang aking pantalon upang kunin ang cellphone at patayin. Subalit sa pagmamadali ko ay nahulog ang cellphone sa floor, at sakto, bigla itong nagring...
~I'm the King of the World!!!~--- tunog ng ring tone ko, na madaling nakilala ni Niki...
Ramdam kong lumapit si Niki sa cubicle na pinagtataguan namin ni Danica.
"Rolly, are you there. Rolly?", tawag sa akin ni Niki.
Pagkatapos ay pinilot niya ang cellphone ko na nahulog... ilang segundo pa ay namukhaan nya agad na akin nga iyon.
Kaya BANG!!! parang kabayong sinipa ni Niki ang pinto ng cubicle, at doon nga ay bumungad kaming dalawa ni Danica. Ako na naka brief nalang at si Danica na wala ng pang-itaas kundi bra.
"Niki let me explain...", namumutla kong nasabi sa kanya.
"You are such an asshole Rolly!!!", galit na galit na winika ni Niki sa akin, sabay, pinagsasampal niya ako.
Mabilis akong lumabas sa Girls Restroom, tumakbo ako.
And then narinig kong tinawag ako ni Niki, "Wait Rolly, here's your phone!"
Napalingon ako, oo nga pala yung cellphone ko! Just to witness na ibinato niya sa aking mukha ang cellphone ko, sapul! Ansakit! Hindi ko nasalo ang cellphone ko, sa halip, matapos akong tamaan sa mukha ay malakas na bumagsak sa floor at nawasak. Patay ako kay ate! Siya ang bumili ng cellphone na iyon!!!
The Boy Who Cry Wolf
Agad kong nilisan ang aming school, isinumpa ko si Jed... kung hindi dahil sa pag-uudyok nya sa akin, hindi sana mangyayari ang mga kamalasang nangyari ngayon.
Una, nakipagbreak na ako sa GF ko. Pangalawa, hanggang ngayon virgin pa rin ako. At pangatlo, nasira ang mamahalin kong cellphone.
Ano ang gagawin kong excuse kay ate? Malalagot ako doon. Alangan namang ikwento ko sa kanya ang buong pangyayari kumbakit nasira ang phone ko, e di lalo akong patay!
So habang nagbabyahe ako papunta sa apartment namin, naka-isip ako ng paraan...
Why not magpanggap ako na na-hold-up, sa ganoong paraan, hindi ako ang masisisi.
At nagyari nga ang plano ko.
"Ate! Na-hold-up ako!!!", pagsisinungaling ko kay ate.
"What?! Saan?", pagkagulat ni ate.
"Jan lang banda, sa kabilang kanto..."
"Ano!? Natatandaan mo pa ba ang mukha nung nanghold-up sayo?", tanong niya.
"Oo. Malaki siyang lalaki, maraming balbas---"
"Naku, mabuti pa pumunta tayo sa mga Police, ipa-blatter natin siya.", pagyayaya sa akin ni ate. Kaya nagtungo nga kami sa Headquarter ng mga pulis.
"So, ma-ididiscribe mo ba sa amin ang itsura niya...", tanong ng isang pulis, habang ang katabi niyang pulis ay may hawak na sketch pad at lapis.
"Opo. Malaki siyang lalaki. Makapal ang balbas niya, medyo singkitin ang kanyang mata, at may nunal siya sa kaliwang pisngi...", paglalahad ko habang patuloy na nagdro-drawing ang isa, walang ideya na nagsisinungaling lang ako...
"Sandali... mukhang nakita ko na ang sinasabi mong lalaki...", nagulat ako nang sabihin ito nang pulis na nasa harapan namin... nakita niya ang lalaking kathang-isip ko lang???
Tumuro ang lalaki sa bandang likuran namin ni ate.
Dahan-dahan ko iyong nilingon, at natulala ako ng makita ko ang isang malaking lalaki, may makapal na balbas, medyo singkit ang mga mata at may bilugang nunal sa kaliwang pisngi... siyang-siya ang nilalarawan ko.
"Siya ba ang tinutukoy mo?", naitanong sa akin ng pulis.
Sumagot na lang ako ng 'Oo', habang nananatiling gulat sa nakita.
Lumapit ang pulis sa lalaking iyon... at nagwika "Ano ba ang kaso ng isang ito.", tinutukoy ang lalaking balbas sarado.
"Ah yan ba, suspect sa isang murder case...", sagot ng isang pulis.
"Dagdagan nyo pa yan ng kaso, na holdaper.", wika ng pulis na kausap namin kanina.
"Hindi ako holdaper!", taimtim na wika ng malaking lalaki, sa paraan ng kanyang malaking boses.
"Nandito ang mga nabiktima mo...", nasabi ng pulis, sabay itinuro kami. Lumingon sa akin ang lalaking iyon, nakakatakot ang kanyang mga titig... tila kilala niya ako sa paraan ng kanyang pagmamasid sa aking mukha.
"Hindi ko sila ninakawan!", wika muli ng balbas saradong lalaki.
"Pero iba ang sinasabi nila, ikaw raw ay isang holdaper!", naaasar ng nasabi ng pulis. "Hala, ikulong na yan!"
"Intayin mo lang akong makalabas dito at mananagot ka sa akin!!! Mananagot ka sa akin Rolly!", naisigaw ng malaking lalaki na iyon, at talagang biglang bumilis ang kabog sa dibdib ko, paano niya nalaman ang aking pangalan? Paano?
At paano nga kung makalabas siya sa kulungan, at gantihan niya ako, paano?
Bwisit talaga si Jed... dahil sa kanya, ngayon tuloy natataya na ang buhay ko sa panganib...
Ikinulong na ang lalaking inakusahan kong holdaper kahit hindi, para lamang hindi ako ang masisi. At pagkatapos ay umuwi na kami ni ate sa bahay.
"Mabuti na lamang at nahuli ka agad ang holdaper na iyon. Mabuti ang ginawa nating desisyon na magsumbong sa pulis...", tuwang-tuwa na sinabi ni ate.
Kung alam lang niya na hindi talaga iyon ang dahilan kung bakit nawala ang cellphone ko...
[itutuloy...]
mga tanong sa susunod na episode:
1. Sino si Carmen?
2. Ano ang papel ng malaking lalaki sa buhay ni Carmen?
3. Bakit naka-posas si Rolly?
4. Paano mawawala ang virginity ni Rolly?
5. Maghihigati kaya ang malaking lalaki kay Rolly?



