Paumanhin…

pAt Lang's picture

“Sorry”. Bakit ang daling itype, isulat o basahin ang salita na ‘yan? Bakit minsan, sinasabi na lang basta-basta kahit di galing sa puso? Bakit minsan, di kayang sambitin sa harap ng taong nagawan ng kasalanan? Bakit minsan, malalaman mo lang na huli na ang lahat para sabihin ‘yon? Bakit minsan, ang hirap-hirap sabihin e “sorry” lang naman ‘yan? At bakit ako, ang tagal-tagal bago ko sabihin yan?

Sadyang may ibang tao na “ma-pride”. Kayang magtiis para hindi mapahiya. Gusto iba muna ang mauna o kaya wag na lang kasi nakakahiya. Siguro ganun talaga.

Sana, hindi na lang nakagawa ng kasalanan. Para hindi na humingi ng kapatawaran. Para wala ng alalahanin pa. Kung kausapin man o hindi na. Kung patawarin man o hindi na.

“Sorry”. Ano pa magagawa ng sorry kung nagawa na ang kasalanan? hindi na mababawi ang lahat sa nakaraan. Natapos na. Nagkamali ka na. Di na mababalik yon.

Bakit nga ba hirap na hirap ang ibang tao na sabihin ang salitang yon? Kasi nakapambababa sa katauhan nila yon. Minsan, pakiramdam nila na pagsinabi nila yon, pinapakita nila na talo na sila. Isa silang talunan.

Minsan, sinasabi ring talo ka kasi di ka nag’sorry’.

Minsan, nakakatakot sabihin ang ‘sorry’. Di kasi alam kung ano na ang mangyayari kapag sinabi mo yon sa nagawan ng kasalanan. Di rin alam kung talagang napatawad ka nga o naawa lang o kaya labas sa ilong lang. Para masabi na, “ang bait-bait mo!”.

Lahat ng tao nakakagawa ng kasalanan. Pero hindi lahat nagsosorry.

Di naman kasi maiiwasan na makagawa ng kasalanan di ba? Minsan naglalakad ka lang at nakabunggo, “Ay! Sorry po”. At maririnig mo pa, “Di kasi natingin sa dinaraanan!”. Kaya minsan parang ayaw mo na magsorry. E pag nakapatay ka? Sapat na ba ang sorry mo para patawarin ka? Sasabihin pa, “di na kaya ng sorry mo na maibalik ang buhay nya! Kahit ang buhay mo di sapat para sa kapatawaran namin na naulila nya!”. (drama)

Di madali sabihin ang “sorry”. Totoo yon! Kasi ang tagal-tagal bago ko sabihin yon. At alam mo ba kung ano napala ko matapos kong lunukin ang ‘pride’ ko para lang magsorry sa kanya? Wala. Kahit sinabi nya na matagal na nya kong napatawad, hindi nya ko kinakausap. Kaya, para san pa di ba?

 

 

<ito'y aking opinyon lamang>


Similar entries