Pauwi't Papasok
Submitted by j luna on December 12, 2011 - 9:49am.
Filipino | Poetry | Global Warming
Ulan ng Disyembre'y
masaklap.
Sumpang kubliha'y
payong lamang.
Paang buro sa sapatos-
sinusuong
naglawang lansangan.
Pagal na katawan-
sabik sa tahanang
walang kanin,
walang ulam.
Maibsan ang hapo,
ipagdaramot
idlip na masalimuot.
Bukas-
paglarga'y pawisan.
Minumura
matinding init ng araw.
j.luna
Death Metal
» login to post comments | 242 reads


