PEKLAT
Sino ba ang may gustong magkapeklat? Inaamin ko, padalus-dalos ako kung maglakad. Hindi tuloy maiwasang ako’y madapa at masugatan. Nag-uumapaw kasi ang aking kaligayahan sa tuwing ako ay naglalakad. Minsan pati mga bato sa aking dinaraanan ay hindi ko na namamalayan. Mahapdi at masakit pala talaga ang pakiramdam kapag nasusugatan. Nagnana din ito kung kaya’t pinilit kong gamutin at patuyuin ngunit ‘di naglaon ay nasilayan ko naman ay isang malaking peklat. Naging peklat na nga ang dati'y sariwa kong sugat.
Alam ko mahirap alisin ang peklat..ang bakas ng malalim kong sugat. Pero babae lang ako, nagmamahal. At kung sakaling magmahal akong muli, at masaktan, tatanggapin ko ito. Ang mas mahalaga sa akin ay ang kaligayang naramdaman ko sa bawat hakbang ko. Ang peklat kong ito ang siyang magpapatatag sa aking muling paglakad. Patuloy pa rin akong magmamahal tandaan mo ‘yan.. kahit dumami pa ang aking peklat.
tapang..
Pwede mo ring iwasang masaktan o magkaroon pa ng maraming peklat. Pagkat magkapunit-punit ka man sa sugat kung wala kang respeto sa sarili mo ay balewala ang mga peklat na dinanas mo, hindi ka pinalakas nito.
Ang sa tingin kong mahalaga ay respeto sa sarili, hindi pa ito ang wakas mo hindi porke may peklat ka na ay handa ka na ulit tumanggap nito. Pasasaan din maglalaho ang lahat ng peklat mo sa tamang oras at tamang tao na tatanggap sayo ng buong ikaw. Ipararamdam nya sayong buong-buo ka pa at walang peklat. At sa oras na dumating sayo iyon paka-ingatan mo ng husto dahil bihira sa lalaki iyon.
komento para sa peklat
minsan narin akong nadapa at nagkasugat nagka peklat ng tulad ng sayo at bumango bitbit ang mga karanasang natutunan sa masamang pagkakadapa na nagdulot ngpeklat na tinatamasa ko ngayon. ngunit hindi tulad mo na may lakas ng loob na ibigay parin ang pagmamahal na akalain mo kasing sariwa ng unang pag ibig. dahil doon akin ikaw hinahangaan.swerte ang taong mamahalin mo.




wow 'te
positive. kahanga hanga ang lakas ng loob mo =) sana lahat katulad mo.
good evening!