Pen Name
“Si Andrew . . . isang walang kwentang anak, lakawatsero, at higit sa lahat, walang utak....” ‘Yan, ‘yan ang madalas nilang sabihin tungkol sa akin.
Actually, wala naman talaga akong pakialam sa mga sinasaabi ng mga magulang ko. Tatalsik lang ang tulili ko kung mag-e-effort pa akong pakinggan ang mga sinasabi nila. Hah, magsawa sila. Pero ayos lang. Basta ba binibigyan nila ako ng pera panggala tsaka hangga’t may sports car ako, solb-solb na. ‘Yon lang naman ang kaligayahan ko dito sa mundo. Minsan gumagawa din ako ng mga kalokohan well, hindi para pansinin kundi para inisin sila pero ni minsan sa talang buhay ko hindi ko naranasang mag-yosi, lumaklak ng alak o kaya naman e mag-drugs. Kung magpapakalulong ako sa bisyo, sila ba ang magiging drug adik? Kanilang baga ba ang mabubulok? Atay ba nila ang masisira? Hindi di ba? Kaya hindi ko ‘yon ginagawa dahil sa bandang huli ako ang talo. (Mabuhay ako! Palakpakan!)
Hay, pasukan na naman. Dating gawi. As usual gigising ng maaga, pupunta sa school tapos mapapanis ang laway sa walang kwentang lecture ng professor. Tulad na lamang ni Maam Kantutay- isang matandang ginang na nag-asawa sa edad na tatlumpu’t siyam. Malapit na sa menopausal period kumbaga. Sa buong lecture ay iku-kwento niya ang tungkol sa hobby ng kanyang mga anak. Pakialam ko ba sa hobby nila. Sumunod ay ang tungkol sa pagtaas ng presyo sa market hanggang sa napunta sa kanyang asawang una at huli niyang naging boyfriend. Sus, ano naman kayang relate n’on sa Calculus? Nag-init na ang pwet ko sa desk pero wala naman akong natutunan.
“Ms. Cruz kindly answer the problem on the board,” sabi ni Maam Kantutay na wala naming ibang ginawa kundi magsulat ng problem na hindi niya i-di-nis-cuss at ipasagot sa mga kawawang estudyanteng katulad ko. Ah, si Jaime nga pala. Isa siya sa mga matatalinong tao dito sa school. Napaka-eccentric na tao tapos lagi pang naka-ungkot sa tabi. Nagmumukhang inosente sa lahat ng oras kaya napapag-tripan nina Gilbert na siyang leader ng isang notorious na barkada.
Tahimik na naglalakad itong si Jaime nang biglang takidin ni Gilbert. Syempre nagulat ang lahat dahil nagsungaba siya. Matapos n’on ay tahimik lang siyang tumayo at maluha-luhang nag-walk out. Nakakalungkot isipin pero wala man lang sumunod sa kanya. Wala kasi siyang gano’ng ka-close. Paano naman kasi, lalapit ka pa lang sa kanya at tangkain pa lang siyang kausapin, lalayo na agad. Napakailap.’Yon siguro ang isa sa mga rason kung bakit siya gustung-gustong pagkatuwaan ng barkada ni Gilbert.
Natapos na rin sa wakas ang klase. Syempre pinuntahan ko na ang pinakamamahal kong si Ferrari. Ipa-pa-car wash ko siya mamaya kapag may nakita akong shop dito.
Malapit na ako n’on sa tulay na madalang lang kung daanan ng sasakyan nang may makita akong babaeng akmang tatalon. Mukhang pamilyar ang bulto ng babaeng 'to. Inilapit ko ng konti si Ferrari at pinakatitigan ko siyang mabuti. Hindi nga ako nagkamali. Ang nagsisintir na si Jaime nga ang nakita kong mukhang wala sa sarili.
Pinaharurot ko si Ferrari palapit sa kanya at rumaragasang bumaba ako. Hinila ko ang braso niya pababa.
“Sira ka ba? Ano ba ‘yang naisipan mo’t tatalon ka dyan? May sapi ka ba? baka naman naka-drugs? Sabihin mo nga!” Kinabahan talaga ako ng todo sa nakita ko. First time ko kasing makakita ng taong balak mag-suicide.
“’Wag mo nga akong pakelaman!”
“Sira ka rin ano?” Hindi ako makapaniwalang ‘yon lang ang balak niyang gawin sa buhay niya.
“Hindi mo kasi naiintindihan, wala ka kasing alam!” ani nito na nasa mataas na tono.
“Alam mo, kapag pinabayaan kitang tumalon dito magkakagulo, at syempre kapag natagpuan ‘yang bangkay mo, pupunta ang mga pulis. Tapos susunod na ‘yong ambulance. Tapos meron pang SOCO para malaman kung foul play ‘yang pagkamatay mo. Tapos susunod ‘yong relatives mo. Tapos may mga makiki-usyoso pa. Sisikip ang tulay. Tapos magkakaron ng traffic. At ayokong maipit sa traffic mamaya.” Buong litanya ko.
“Pabayaan mo na ako,” aniya.
“Bakit ba atat na atat kang tumalon? Ano bang meron sa tulay na ‘yan ha? Yayaman ka ba kung dyan ka magpapakamatay? Kung gusto mong gawin ‘yan d’on ka sa bahay niyo. Maglaslas ka ng pulso o kaya uminom ka ng isang boteng shampoo. Tapos ang masaklap na buhay mo dito sa mundo.” Suhestyon ko habang nakapangalumbaba.
“Wala talaga akong kwenta,” hinaing nito. Mukhang ang kailangan lang nito e kausap. Siguro kailangan lang nito ng konting payo ng mga henyong tulad ko.
Dahil ba sa nangyari kanina? Ang babaw mo,” opinion ko na siya naman pinabulaanan niya.
“Hindi ako gano’n kababaw! Masmalalim pa d’on!” protesta nito.
“Ahhh, alam ko na. Kasi siguro wala kang boobs, tapos wala pang balakang at walang kurba ang katawan kaya mukha kang posting gumagalaw? Tsk, tsk. Malala nga ‘yan.”
“Wala na akong kwenta,” buntong hininga nito.
“Mas wala naman akong kwenta,” sabi ko na totoo naman.
Tumawa lang 'to ng pagak. “Ako ba eh niloloko mo? Sa yaman mong ‘yan? Kung tutuusin eh na sa’yo na lahat.”
Tumango lang ako. “Well, parang gano’n na nga.”
Biglang napatawa si Jaime na para bang nakalimutan na ang kanyang suicide attempt.
Binatukan lang niya ako at saka sinabing, “Sira ka talaga.”
Simula n’on naging malapit na kami ni Jaime. Kabatak kumbaga. Ngayon ko lang nalaman na masarap din naman pala siyang kasama. ‘Yon nga lang, kailangan mong irespeto ang mga bagay na gusto at ayaw niyang sabihin. Ako na rin ang nagsilbing kakampi niya sa tuwing inaapi siya nina Gilbert. Kaya ngayon, hindi na siya ginugulo ng mga walang kwentang boggaloids na ‘yon. Sa totoo lang, siya ang kauna-unahang babaeng kinaibigan ko.
“Andrew samahan mo naman ako, may pupuntahan tayo!” yakag niya sa akin na mukhang excited na excited.
“Ha? Eh sa'n naman tayo pupunta?” taking tanong ko.
“Basta, secret na ‘yon, hehe.”
Sinamahan ko siya at napadpad kami sa isang talampas o ‘yong kalimitang tinatawag na bangin. Malawak 'to. May matanda at malaking puno ng oak tree na nakatayo sa gitna nito. Umakyat kami sa malaking sanga ng puno at saka umupo. Kitang-kita sa ibaba ang iba’t-ibang puno.
“Ganda ‘no?” buong pagmamalaki nito.
“Oo nga, maganda. Ayos ‘to. Libre-tambay,” biro ko.
“Secret place ko ‘to,” pagtatapat niya. "Dapat lahat ng araw sa buhay mo sinusulit. Dito ko ginagawa 'yon."
“Ang weird mo talaga. Pero okay ka,” sabi ko habang abala sa pagmamasid ng tanawin. Masyado kasi akong nag-e-enjoy.
“Alam mo bang gusto kong maging writer?” tanong nito.
Saka pa lang nabaling ang atensyon ko sa kanya. “Ha? Hindi. Wala ka namang sinasabi di ba?”
Tumingin siya sa kawalan at saka panandaliang pumikit habang ninanamnam ang nalalanghap na sariwang hangin. “Gusto kong maging writer. Gusto kong gumawa ng 100 novels dito sa sanga ng puno’ng ‘to tapos pinapanood ko ‘yong sunset. Ikaw pa lang ang nakakaalam n’on ha. Ikaw? Gusto mo bang maging writer?” biglang tanong nito habang matamang nakatitig sa akin.
“Ako? Writer? Hahaha! Ayoko nga. Wala namang kwenta ‘yang pagsusulat na ‘yan.” Walang malay na sabi ko.
Biglang natahimik si Jaime.
“Oy, n’ong problema? Natahimik ka ata,” pansin ko.
Naging seryoso ang anyo ng kanyang mukha. “Alam mo, sana hindi ko na lang sinabi sa’yo. Tutal, wala naman palang kwenta.” Saka siya dire-diretsong umalis. Ni hindi na nga ako pinagka-abalahang lingunin. “Dyan ka na.”
“Oy, sandali lang naman!” Pero hindi na talaga siya lumingon.
Dumating ang ilang araw. Mukhang wala na talaga siyang balak kausapin ako. Ni hindi nga ako tinatapunan ng kahit katiting man lang na tingin. Nakaka-miss din pala siya.Dati-rati madalas akong maglakwatsa pero n’ong nakasama ko siya, hindi ko na ginagawa ‘yon. Naisip kong malakas din pala ang hatak niya sa akin. Ano ba talagang sinabi ko sa kanya? Ba’t hindi na niya ako pinapansin? Wala naman akong sinabi sa kanya. Sinabi ko lang naman na walang kwenta maging writer. Masama ba ‘yon?
Ilang lingo na ang lumipas pero gano’n pa rin ang sitwasyon. Hindi na talaga ‘to maganda. Hindi na rin ‘to basta-bastang tampo. Inabangan ko siya sa pintuan ng classroom. Tamang-tama paparating na siya.
Lumapit ako sa kanya at saka ko siya kinausap. Lalayasan niya sana ako nang bigla akong humarang sa daraanan niya. Pakapalan na ‘to ng mukha.
“May tampo ka ba sa akin? Ano bang ginawa ko?”
“Masmabuti pang ‘wag mo na lang akong kausapin. Kahit ilang beses kong ipaintindi, hindi mo rin naman maiintindihan,” makahulugan niyang litanya at saka na siya umalis.
Nagulat ako sa sinabi niya. Mukhang sobrang laki na ng galit niya sa akin.
Bumalik ulit ako sa dati kong gawi. Maglakwatsa, maglakwatsa, at maglakwatsa ulit. Tutal, ang tingin naman ng lahat sakin eh ganito. Hindi marunong makaintindi dahil wala akong ibang alam gawin sa buhay kundi magliwaliw. At dahil d’on lahat ng credit card at ATM card ko nilimas ni Dad. Whoooh, ‘pag sinuswerte ka nga naman.
Naisipan kong pumanta ng mga oras na ‘yon sa mall tutal wala naman akong gagawin. Napatingin ako sa isang bookstore at hindi sinasadyang nakita sa glass window si Jaime. Hawak-hawak niya ang isang hard-bounded fiction book. Napansin kong tinitigan niya lang 'to nang matagal tapos ibinalik din sa shelf at saka umalis. Mukhang gustung-gusto niya naman pero iniwan niya. Nagpunta ako sa bookstore at tiningnan ang librong hawak niya kanina. Kaya naman pala, sobrang mahal ng libro. Gusto ko sanang bilhin para peace offering kaya lang nataon namang limas lahat ng pera ko.
Ilang araw din akong nag-ipon para lang mabili lang libro na ‘yon. Mabuti na nga lang at maraming stock ng gano’ng klase. Atat na atat na akong ibagay ‘to sa kanya. Ni hindi nga ako mapakali ka-ka-praktis ng mga linya ko kapag ibinigay ko na ‘to.
Sa wakas at dumating din ang araw na pinakahihintay ko. Ibibigay ko na ‘to kay Jaime. Hindi siya dumating hanggang sa katapus-tapusan ng klase. Sayang naman. Pero siguro masmaganda kung pupunta na lang ako sa kanila.
Mabuti na lang dahil hindi ako naligaw. Minsan na kasi akong nakapunta sa kanila. Teka . . . mukhang madami atang tao sa kanila. Bah, Birthday nga pala niya ngayon. Nakalimutan ko. Ang daya naman. Ang dami-daming tao tapos ako ni hindi man lang nag-abalang imbitahin. Pero sige, ayos lang. Tutal malaki talaga ‘yong tampo niya sa akin. Tamang-tama dahil parang birthday present na rin ‘to. Sana lang talaga hindi na siya nagtatampo sa akin.
Pumasok ako sa gate. Natigilan ako nang makita ang isang kabaong na may litrato ni Jaime. Hindi ako nakaimik. Ni isang salita wala akong maisip. Nawala ako sa aking sarili nang mga sandaling ‘yon. Pero hindi. Ano bang klaseng joke ‘to? Hindi ‘to magandang biro. Napaka-corny. Anak ng patis. Hindi talaga nakakatuwa!
“Bakit parang ang lulungkot ng mga mukha niyo? This is a party remember? We should celebrate!” sabi ko. Litung-lito ako.Ayokong mag-isip. Ayoko talagang mag-isip. Ayoko, dahil alam ko . . . alam kong . . . pero ayoko . . . hindi pwede ‘to . . . hindi . . .
Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ng Mommy ni Jaime. Masuyong idinantay niya ang kanyang maiinit na mga palad sa aking balikat.
“Hijo, napadalaw ka.,” ani nito na bakas ang ilang araw na paakapuyat at pagkatamlay dahil sa pagkalamlam ng mga mata nito, pamumutla, at pangangayayat.
Ngumiti ako na tila walang nakita. Pinilit kong maging normal. Baka hallucination lang ang lahat. “Maam, nasaan po ba si Jaime? Kasi po ibibigay ko po sana ‘tong libro eh. Sigurado matutuwa siya dito. Nasa’n po ba siya? Ang dami po kasing tao dito – “ sunud-sunod na luha ang umagos mula sa aking mga mata. “Makikipag-ayos po sana ako ngayon kasi may tampo siya sa akin,” patuloy pa ring umaagos ang mga luha sa aking pisngi habang nakangiti ako na waring pinipilit pa ring baguhin sa isipan ang sitwasyon.
Hindi na napigilan pa ng ginang ang lumuha. “Hijo, tanggapin mo nang wala na siya . . . ayaw niya sanang malaman mo ‘to pero andito ka na. Wala na siyang magagawa.” Saglit siyang at saka muling nagsalita habang ako ay tulala at hindi pa rin makapaniwala. “Gastric cancer hijo. Matagal na siyang lumalaban sa sakit niya. Hanggang sa huling sandali pinilit niyang lumaban pero hanggang dito lang talaga ang kaya ng buhay niya.”
Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinasabi. Patuloy pa ring umaalulong sa aking isipan ang nangyari. Pilit sumisiksik sa isipan ko ang bagay na ‘yon na ayaw kong tanggapin. Nabitawan ko na lang ang libro dahil sa sobrang emosyong nararamdaman ko ngayon. Unti-unting naninikip ang dibdib ko. Ni hindi ako makapagsalita. Dahan-dahan akong lumapit kay Jaime.
“Bakit kahit kelan napakadaya mo? Hindi mo man lang ako hinintay, This is not fair!” lumuluha akong umalis ng lugar dahil hindi ko na talaga makontrol ang aking emosyon. Sobra-sobra na.
Hindi ko siya dinalaw hanggang sa mga huling sandali niya. Ayoko siyang makitang gano’n. Ilang beses na rin akong tinawagan ng Mommy niya pero tumanggi akog pumunta. Madalas kong sabihin na sa ibang araw na lang pero ang totoo, ayoko talagang pumunta.
N’ong araw na matapos na siyang ihatid sa huling hantungan ay saka ako nagpunta. Wala ng tao ng panahon na ‘yon. Ako na lang at si Jaime.
“Kahit kelan ang daya mo. Nga pala, eto ‘yong ibibigay ko sanang libro sa’yo. Sayang nga lang kasi hindi mo na mababasa, eto o.” Saka ko inilagay sa kanang lapida ang libro. “Sana lang hindi ka makalimot sa akin.” Naramdaman ko na lamang ang isang mainit na hangin kasabay ng unti-unting paghawi ng mga pahina ng libro. Napangiti ako .
Hanggang sa muli Jaime
Ten years after . . .
Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang mangyari ang dagok na ‘yon sa aking buhay. Hindi ko rin naman masasabing dagok ‘yon dahil si Jaime ang nagturo sa akin kung paano sulitin ang bawat hibla ng buhay ko. Siya ang nagparamdam sa akin kung ga’no ako kaswerte dahil may pagkakataon pa akong gawin ang mga bagay na gusto ko.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Narito lang siya . . . sa puso ko. At kahit anong mangyari, hindi na ‘yon maalis. Siguro, parang hangin. Kahit hindi ko nakikita, nararamdaman ko naman.
Naging sikat akong manunulat. At ngayon, nandito ako sa sanga ng oak tree. Nagsusulat ng ika-isandaang kwento habang hinihintay ang paglubog ng araw gamit ang pen name na . . . JAIME.
Si Eloisa Marie Hernandez ay isang ordinaryong estudyante na pakalat-kalat sa tabi-tabi. 18 years old at nursing student ng Lyceum St. Cabrini pero suma-side line bilang freelance novelist ng new day publisher. Ang kanyang co-writer ay si Melanie Quilla. Dalawa sila sa pinakabatang manunulat ng nasabing pulication kaya medyo marami pang sablay. Mahirap ang buhay ngayon kaya kelangang kumita. Nakakahiya man aminin pero si Eloisa ang tipo ng taong hindi mahilig sa Literature subject, Writing in the Discipline at kung anu-ano pang English. (Kadalasan siyang inaantok). Pero mahilig lang talaga siyang magsulat sa paraang alam niyang magiging malaya siyang ipahayag ang nais niyang marinig at makita ng mga magbabasa. Kung mahilig kayo sa anime, just kol mi eyn ayl bi der...
parang kwentong pocket
parang kwentong pocket books... yung nag eenjoy ka sa umpisa pero pagnatapos mo eh parang wala lang...
bagamat mganda ang pagkaareglo ng kwento, nakakatuwa kaya lang sanay lumalim pa ang dahilan ng pagbabago ng takbo sa istorya...
pero ok sya.. nalibang ako ng ilang minuto at di ko mabitiwan ang kwento...
peace! 
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...
How?
eloisa, student pa rin ako, at frustrated na sa paghahanap ng masasaydlayn na trabaho. ano banag dapat kung gawin upang makahanap ng trabaho bilang freelance writer?
pen name "da mas matyur wan"
Ang pinsan kong ito ay nagkakalat na naman! Pero infairness nag-mature na ang kwento ng pen name ha... para sa kaalaman ng lahat, nabasa ko ang unang draft nito... mejo childish pa at kulang sa emotion. but eloi cute, did it well after the final edit...
Insan, I'm proud of you... May our working relationship last...
lalake o babae
maganda kwento mo 'day, at madrama. makaiiyak kung maaayos. di ko lang ma-gets kung lalake ba o babae yung jaime at ikaw, dahil sa gitna nang tatalon siya e wala siyang boobs, tapos babae siya nang kaibigan mo na pero nang mamatay na ay hijo na...ano ba talaga kuya?
kuya?
Haha, si Jaime ay babae as in (dyeimi) hindi po "hayme" . Fiction 'yon and nasa first point of view po 'yong story. Nakasulat sa first paragraph ng story 'yong bida. Andrew is a masculine name.
And 'yong pagiging "bading' ni Jaime, kung mapapansin ninyo, during the class tinawag si Jaime ng teacher niya, and tinawag siyang Miss Cruz. Hindi po tumatawag ng Miss ang mga prof kung bading ang estudyante. Sa walang boobs naman po, hindi po literal ang pagkakasabi ni Andrew, "flat chested" po ang ibig sabihin no'n.
Sa dulo ng kwento, si Andrew ang pumalit sa pagiging writer ni Jaime. Jaime po ang pangalan niya sa mga nobelang kanyang nililikha (auhtor). Minsan po iniiba ng mga writer ang pangalan nila. Nagkataon lang po napangalan ng babae ang pen name ni Andrew.
Wuuu, 'yon lang po. Subukan ko pong i-retouch ang akong istorya.
Amen...
....
babae po ako. Fiction po 'yong story kaya hindi po ako 'yong si Andrew hehe...
pen pen da name
naman!di pa naman kalabuan ang mga mata ko. natural, babae ka (at magandang tsinita ha?). yung 'ikaw' dun e bilang nagkwento ng first person at di ikaw as writer ng kwento. medyo nalito lang ako sa takbo ng istorya kasi nagpalit ng time setting, flashback baga na nakahugpong.
eniwey, kung ako ikaw sisimulan ko in medias res, sa burol, at bibigyan ko ng first flashback, then flashback uli mula sa unang flashback, tapos saka ko itutuloy mula sa burol, at end ko sa present, yung writer ka na. medyo hahaba nga lang ng konti.
good luck!
just keep up the good work
just keep up your good work and inspired everyone...
gudluck!
WOW!!!
Hi ate... astegen po ung kwento nyo!! nkakatawa at nkkaiyak talaga sya! This is amazing tlaga...
hehe.. at xempre..!!! nakakainspire... grabeh.. naalala ko ang mga kaibigan ko sa kwento nyu.. Keep up the good work.. Godbless.. "PEN NAME" IS A SIMPLE STORY BUT VERY INSPIRATIONAL STORY.. ^_^ 










INSPIRING!
Ang ganda!! inaakit ang dugong manunulat sa bawat isa. hahanap din ako ng oak tree ko.Ü nakakalungkot pero nagbibigay inspirasyon.
mcleri