Pera lang yan..
pera lang yan..
tatlong salitang kadalasan nating naririnig o nababasa.lalo na pag ang usapan o problema ay tungkol sa kwarta.
pera lang yan..
nawalan ka ng salapi. nahold-up. nadukutan. nahulog sa butas na bulsa. nilipad habang umaandar ang dyip.
pera lang yan..
tama nga naman. pera lang yan. nawawala. nagagstos. nauubos. pera na gawa sa espesyal na papel. ginagamit pambili ng mga pangangailangan.
pera lang yan?
sa panahon ngayon lahat na yata ng presyo ay tumataas. ano pa nga ba ang mavbibili mo sa halagang isand daang piso? gano kalayo ang mararating mo sa halagang ito? may pamasahe ka pa kaya pag balik?
pera lang yan!?
nararapat pa bang marinig o sabihin ang tatlong salitang ito? mag isip tayo ng mabuti.
sinasabing hindi dapat pinapatakbo ng pera ang buhay ng tao. hindi dapat msyadong iniintindi ang pera. wag problemahin. wag pag isipan ng malalim. sa panahon ngayon kalokohan na kung ganyan ang ating iisipin.
pasintabi lamang po sa inyong paniniwala, nawa'y bigyan nyo ng pagkakataong pagnilayan ang aking opinyon.
oo tama naman ang mga sinasabing tungkol sa pera. hindi dapat umiikot ang ating mundo a pera lamang. ngunit, maiaalis ba sa bawat isa na isipin na ang pera ngayo'y lubhang napakahalaga.
nagugutom ka gusto mong kumain. pera.
gusto mo ng bagong damit na uso na hindi galing sa hingi. pano ka magkakaroon? bibili. pera.
madilim sa gabi kailangan ng ilaw. bibili ka ng bumbilya. pera. papaganahin ito ng kuryente na kada bwan ay may bill. pera.
tubig na inumin, panghugas ng pinagkainan, pampaligo, panlaba. pera.
kung ikaw ay may anak na dalawang taon pababa, kailangan ng gatas. pera.
eh hindi pa marunong dumumi sa banyo, kailangan mo naman ng diaper o lampin. pera.
pupunta ka sa iyong pinag tratrabahuhan. malayo. hindi pwedeng lakarin. kailangan sumakay ng pampublikong sasakyan. hindi po ito libre. magbabayad ka ng pamasahe. pera.
mga benepisyong kailangan natin. mga huhulugan na magagamit natin sa ating pagtanda. pera.
at marami pang gamit ng pera. iilan palamang ang mga yan. marami pang hindi nababanggit. masasabi ba natin ngayon na hindi naman dapat pinoproblema ang pera? kung nag iisa ka sa buhay at may ibang aasahan, oo siguro hindi mo proproblemahin.
pero aminin man natin o hindi. mahalaga na sa ngayon ang pera sa buhay ng tao. marami ng nagbuwis ng buhay dahil dito. maraming pamilya ang nagkawatak watak. marami ng buhay ang nasira. marami ng maria clara ang dumungis. isang katotohanang masakit tanggapin. at hindi pwedeng itanggi. oo pera lang yan. pera rin ang kailangan sa araw araw.
ang patay nga ginagastusan ng malaking halaga ng salapi ang buhay pa kaya...
pera lang yan?
pera lang yan!



ang pera may tao, ang tao walang pera
pera lang iyan, hindi katumbas ng buhay, kaligayahan at kapayapaan
pera lang iyan, hindi makakabili ng kaibigan, asawa, pagmamahal
pera lang iyan, kumukupas, napupunit, tinatangay ng tubig o hangin
pero ang tao, bakit nagpapaalipin sa pera?
iyun siguro ang sagot sa tanong mo, walang pasubaling mahalaga ang pera kasi ginawa siya ng tao para magsilbi sa interes niya
pinapaikot kasi ng kasakiman ang buong mundo kaya binibilog ng pera ang ulo ng bawat tao.
napadaan lang...