PIKIT MATA

Amos Tarana's picture
| |

PIKIT MATA

Mga mata mo'y ipikit

upang huwag makita

ang aking paglayo

Mga mata mo'y ipikit

upang huwag makita

bigat sa aking puso

Mga mata ko'y ipipikit

upang huwag makita

ang pagtawid ng dagat

Mga mata ko'y ipipikit

upang huwag makita

ang paglipad sa kalawakan

Mga mata ko'y ipipikit

upang huwag makita

na sa iyo at sa bansa'y

...papalayo. Cry

Agosto 2008

Qatar Airways

Amos Tarana

nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa aking mga tula na napapaloob sa koleksyong may pansamantalang pamagat na:

ANG MAHABANG DAAN PAUWI

ang lahat ng tula sa koleksyong ito ay nagsasalamin ng mga saloobin at karanasan ng mga kababayan natin sa ibayong dagat...lalo na yaong mga nasa gitnang silangan. Cool


Rhea Stone's picture

!

 

Kuya,

Sino nga ba ang may gusto ng salitang 'Paalam'? Maging si Snoopy nga na isang gawa-gawang tauhan sa isang comic strip ay ayaw din ng paalam:

 

Why can't we get all the people together in the world that we really like and then just stay together? I guess that wouldn't work. Someone would leave. Someone always leaves and then we have to say good-bye. I hate good-byes. I know what I need. I need more hellos.

 

Ngunit katulad din ng kaniyang sinabi ay may pagkakataon talaga na kailangan ng isa na umalis. Sabi nila, kailangan din daw po ng 'goodbye' upang masabi ulit ang salitang 'welcome back'.

 

Naku, naalala ko tuloy noong nauna akong umalis papunta dito at naiwan ang Nanay ko sa Pilipinas, pagkatapos ko pong sabihin ang salitang 'paalam' ay hindi na po ako lumingon pa ulit, baka po kasi kapag lumingon ako ay bumalik ako at hindi na umalis pa.

 

Masarap pong ipamahagi ang inyong tula sa mga kababayan natin dito, alam kong naramdaman din nila ang naramdaman ng may-akda sa tula.

 

 

Amos Tarana's picture

 salamat sa pagbabasa

Cry salamat sa pagbabasa kapatid, 

isinulat ko ito habang nagpapainit pa ng motor ang eroplanong nagdala sa akin sa gitnang silangan...tinitignan ko ang mga kababayan natin sa loob ng eroplano... tahimik sila/kami, hindi nag-uusap-usap, patingin-tingin lang sa labas ng bintana na wari bang may sinisimot ang mga mata sa labas ng eroplano. 

nginingitian ko sila pero hindi sila nakikipag-usap sa akin.  siguro akala nila hindi ako pinoy.  madalas kasi akong mapagkamalang indiano. lalo na ngayon. kainis.

kaya ang ginawa ko na lang ay dinama ang nararamdaman ng bawat isa. iyong damang dama talaga. huhuhuhu at isinilang nga ang akdang ito bago pa man pumahimpapawid ang qatar airways.

pagdating ko sa qatar, akala ko nasa pinas pa rin ako.  kasi ba naman, kahit saan ako tumingin eh pinoy pa rin ang nakikita ko...kay hiwaga!

at lalo pang nadagdagan ang hiwaga nang sumayad ang tsinelas ko sa dubai.

akala ko noon, kawawa ang naiwan sa pinas.  iyon pala ay mas kawawa ang umaalis. 

malalaman nyo kung bakit...sa mga susunod kong tula.

-amos

Alexander Dagrit's picture

  Tema:  Ang Filipino

 

Tema: 

Ang Filipino diaspora o paglipana ng mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig upang may maipantaguyod sa mga mahal sa buhay na naiwan sa lupang tinubuan.

Ito ay isang temang sana'y makangatngat sa mga namamayani sa ating bansa: Gawan naman sana nila ng paraan na mabago na ang takbo kung saan ang mga pamilyang Pilipino ay kailangan pang magkahiwa-hiwalay upang makamit lamang ang magandang bukas.

Napakamakabuluhan ng tula mong ito. 

 

 

The Best and the Worst In FW

 

Amos Tarana's picture

salamat sa mensahe mo alex,

salamat sa mensahe mo alex, nakakalungkot ngang isipin na ang sumpang kapalit ng pagnanasang guminhawa ay ang pagkakawatak-watak ng mga pamilya.

ang masaklap pa ay mas hinihikayat ng ating pamahalaan ang ganitong kalakaran.

sabi nga ng mga tao dito: what to do? Embarassed

jonsdmur's picture

Masakit talaga ang paglisan....

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

pero sa kasalukuyan nakahanda na akong lisananin ang isang lugar na napalapit na sa akin.....

Paminsan minsan maganda rin ang lumilisan... para maganda rin ang pagbabalik..... ma-mimiss mo ang lugar na pinanggalingan mo...... at higit sa lahat yong taong pansamantala mong iiwanan....

salamat s aiyong tula....

jons

Lyds78's picture

Ang buhay ay isa ring paglalakbay

kahit hindi tayo umaalis ng lugar, lagi't- laging may bahagi ng pagkatao tayong iniiwan habang tayo ay nagkakaisip.  Pero ang paglisan naman na iyon ay isa na namang panibagong simula para sa atin, panibagong paga-adjust at panibagong mga karanasang papanday sa ating pagkatao.

sa lahat ng umaalis, pinakamabigat na pabaon ang luhaCry

napadaan lang...

Amos Tarana's picture

tama ka lyds, lalo na kung

tama ka lyds, lalo na kung hindi bukal sa kalooban ang pag-alis.  kailangan lang dahil sa sobrang kagipitan.  sana dumating din ang araw na ang mga kababayan natin ay pupunta ng ibang bansa hindi dahil sa kawalang trabaho sa atin...kundi dahil sa gusto lang mamasyal, gustong magpakadalubhasa sa isang larangan, at magshopping o kaya'y trip lang makatikim ng  magkape...asteeeg 'di ba?

salamat sa pagdaan...at mabuhay ka!

- amos Cool  

 

----------------  

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only thing that ever has.”