Pinakamasamang bagay na naimbento ng tao
(WARNING: itong isyu na ito ay Pansariling opinyon KO lamang at INFORMAL WRITING po ito!)
magandang gabi sa lahat ng members.
ang topic ko ay tungkol sa napapanahong isyu at ito ay may kinalaman sa pinakamasamang bagay na naimbento ng tao. laman sa lahat ng balita ngayon ay ang pagkahuli kay Jayson Ivler. Alam naman natin kung anong krimen ang nagawa ni Ivler ay yun ay ang pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ni Pres. Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle Sr. dahil sa away trapiko. Tatlong putok ng baril ang tumapos sa buhay ni Ebarle Jr. na walang kalaban laban sa pangyayaring iyon. agad namang nakapagtago sa alagad ng batas itong si Ivler at may balitang nakalabas na raw ito ng Pinas.
Sa pangyayaring iyon pumasok sa isip ko na ang BARIL ay ang pinakamasamang bagay na nalikha ng tao dahil isa kalabit lang nito ay maaaring bawian ka na ng buhay. Napaka-makapangyarihan talaga ng bagay na ito. kapag mayroon ka nito tiyak na kakatakutan ka talaga. ginawa ang baril noong kasagsagan ng digmaan upang maipagtanggol ang kanilang teritoryo. pero ngayon tila isang palamuti na lamang ito lalo na sa mga kabataan at mayayaman. ilang buhay na ba ang nasawi dahil sa baril na ito? tingin ko milyon milyon na; aksidente man o hindi. ilang buhay pa ba ang mawawala dahil sa imbensyong ito?
sa ngayon pinaparangap ko na maging gun-free ang bawat bansa dito sa mundo para ng sa ganun mabawasan ng malaki ang karahasan na kahit ang mga musmos at inosente ay hindi madadamay. maaaring imposible para sa ilan ang pangarap kong ito pero naniniwala ako na may posibilidad na magkatotoo kung magtutulungan lang ang mga tao na ipagbawal ang paggawa ng baril.
hindi ba't malalakas na baril din ang ginamit ni Ampatuan Jr. at ng kanyang mga alagad para patayin ang mga kamag-anak ni Mangundadatu. pati mga babae na walang laban ay pinagbabaril din. dun pa lang ay makikita natin kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga baril at ang masamang dulot nito. ngayong nalalapit na eleksyon asahan natin na BARIL ang sasandalan ng mga walang kaluluwang pulitiko upang katakutan sila ng kanilang mga kalaban sa pulitika o di kaya'y gamitin sa pagpatay gaya ng ginawa ni Ampatuan Jr.
magsilbi sanang aral kay Ivler at sa iba pang tao na may baril personal man o hindi ang masamang dulot ng BARIL...
QUESTION:
Kayo mga ka-FW, ano para sa inyo ang pinakamasamang bagay na naimbento ng tao?
Walang reply
To Natureboy
Bakit sa lahat ng nagcomment sa iyo ako lang ang walang reply?Ako pa man din unang nagcomment!ibig bang sabihin nun...... walang kwenta ang comment ko!hahaha (nagtampo?? pathetic??)
Wala lang napansin ko lang nung nabalik ako sa page na ito!
Ingat parekoy!
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
pasensya na tol
pasensya na tol, hehehe.
di naman sa ganun, welcome po lahat ng comment syempre. anyway, salamat sa comment mo. tama ka tao ang masama pero ang tinutukoy ko ung imbensyon ng tao na baril na para sa akin ay ang pinakamasamang bagay na nilikha.
nyt2...
Wooooooo!
tumpak!
alam mo bang ako ay takot na mag drive sa manila at heavy congested na kalsada. Naranasan ko na din kasing ma-intimidate at hamunin ng away ng isang taong lasing. Higit pa roon may baril siya. Takot me!!! Kung suntukan lang siguro pwede. Pero baril eh.
salamat sa pagsang-ayon
yan ang isa sa mga naidudulot ng pagdala ng baril. akala mo kung sino na sila hindi baleng makasakit o makapatay sila ng kapwa basta gagawin nila ang gusto nila. kulang sa talim ang mga batas natin dito sa Pinas kaya marami ang mapang-abuso sa paggamit ng baril. kaya alam kung gaano nakakabahala para sa biktimang katulad mo na maka-encounter ng ganyang pangyayari.
tama ka tol, kung suntukan lang ayos na ayos pero kung may baril ang kalaban ibang usapan na yan at talagang dehedo ka jan.
basta ingat na lang po sa pagmamaneho at konting pasensya na lang sa ibang mga irresponsableng motorista.
God bless! 
picture this
parang apoy lang yan. kapag nilamon ng apoy ang buong community andaming ari-arian ang pinipinsala nito, pumapatay ng inosente, sumisira ng kabuhayan, nangwawasak ng pamilya. mas malala pa nga ito sa baril at bala kung tutuusin kasi sa isang iglap lang napakalawak na komunidad ang sasalantain nito.
kung ipagbabawal natin ang paggamit ng apoy paano tayo makakapagluto? kakain ka ba ng hilaw na isda? hindi di ba?
mabuti ang apoy kung gagamitin sa tamang paraan--sa pagluluto, sa pagpapanday at sa iba pang makabuluhang bagay.
ganun din ang baril. ganun din ang pera. ganun din ang kapangyarihan.
imagine kung si Gloria Macapagal Arroyo ang nakakuha ng bato ni Darna? ano na ang mangyayari sa mundo?
hindi masama ang baril. ang tao ang masama.
Kuya
Buti na lang hindi si Gloria ang nakakuha ng bato ni Darna kasi hindi ko maimagine na............ nakasuot si Gloria ng Bra at panty costume. Parang nakakasuka ata yun.heheh
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Hindi rin naman 50-50 ang
Hindi rin naman 50-50 ang hati ng masama at mabuti sa isang bagay.
Ang baril medyo mas masama kesa mabuti. Sa aking kuro-kuro lang.
Lahat ng bagay pwedeng gamitin sa masama o sa mabuti, depende sa intensiyon.
Minsan kahit hindi intensiyon na gamitin sa masama, ay nakakasama pala.
Minsan kahit parang mundane lang na bagay, pwede palang makasama.
Gaya ng paggamit ng bold letters.
Baka hindi kaiga-igayang basahin ang isang mahabang akda kapag nakabold letters ito lahat.
Gaya ng baril, kahit inosenteng bata ang may hawak, pwedeng makasama.
Ingat sa paggamit ng baril at ng bold letters.
sang kubo sa lupang iyo
.
hindi ko makuha ang logic kung paanong makasama ang BOLD LETTERS.
katulad ba ito ng baril na bawal ipasok sa mall at kailangang iwanan mo sa guard?
hindi man kaiga-igayang basahin ang isang akda na naka bold letters, hindi naman siya masama di ba? wala namang batas na nagbabawal na gumamit ng bold letters sa isang akda. samantalang may malinaw na batas tungkol sa pagdadala ng baril sa labas ng bahay o pag-iingat nito sa loob ng bahay.
hindi porke't pangit tingnan o pangit basahin (dahil ng naka bold letters) e masama na. kawawa naman ang mga pangit magsulat kung gayon ang pamantayan.
hindi lahat ng pangit (o di kaiga-igaya) ay masama.
ang point ko lang po ay
ang point ko lang po ay halimbawa kinakausap ka in ALL CAPS, diba ang interpretation doon ay SUMISIGAW KA?
kapag naman po bold ang bloke bloke na post, eh medyo masakit sa mata kaya minsan kahit maganda ang mensahe, ay hindi na nakakarating dito ang mga mambabasa kasi nasusuya na po ang kanilang mata.
hindi lang naman po baril ang nakakamatay, pati mga salita na nababasa at naririnig natin ay maaari ding makapatay, ng damdamin, ng isipan, ng teorya, ng paniniwala, ng katauhan, ng sigla, ng saya.
yun naman ay isang honest first-hand reaction ko sa post na all-bold. nagpapakatotoo lang po. maraming salamat!
isang kubo sa lupang iyo
maraming salamat
maraming salamat rom. ang ginawa kong akda ay tinatawang na INFORMAL WRITING kung saan malaya kang gawin kung ano man ang gusto mo, kung anong istilo ang type mong gamitin tulad ng gawing lahat na bold ang text ng iyong mensahe or kahit i-All Caps ay pwede dito. as long as magada ang hangarin ng iyong mensahe.
ingat po and God bless!
para sa iyo...
salamat sa iyong komento.
kaya ko pinili na i-bold lahat ng mga salita dahil gusto kong iparating ang tibay ng aking mensahe at opinyon sa mga mambabasa dito sa FW. pero kung sa opinyon mo ay nakakasama yun well that's your opinyon. mahirap kasing magsalita/komento in general eh.
tama si rom26factolerin, walang rules tungkol sa pagbold lahat sa paggawa ng isang mensahe lalo na kung ito ay masidhing opinyon lamang. tayo dito ay malayang magpahayag ng damdamin na pwede nating isulat at ito ay tinatawag na INFORMAL WRITING.
yung sinasabi mo ay tinatawag na Formal Writing at ito ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng liham. Since hindi naman liham ang ginawa ko kundi ito'y sariling opinyon lamang.
Salamat at ingat po.
oh. sorry for voicing out
oh.
sorry for voicing out my opinion on your work.
good luck posting more works in all bold font.
i thought i understood ee cummings and his ideas on the relevance, use and misuse of the visual word.
i also thought that since we are using the medium of the computer screen, we might be conscious and may even be affected by some logical conventions brought about by this medium. such as the use of all-caps and all-bold.
again, i will be ever so vigilant and watch where i trod lest i step on the feet of the canons of this website.
sang kubo sa lupang iyo
to: mr. know-everything...
oh really?
i'm pretty sure that you don't even know the definition and difference of FORMAL and INFORMAL WRITING. just admit it!
opinyon must come up with the right thinking. as for your opinyon, it was baseless and lack of information about the kinds of writing. using all bold font is fine as long as you consider your work as informal writing (now you know haha!). there are NO RULES about posting your good literary works here except for putting explicit words and i'm aware of that.
just a little piece of advice, DON'T TRY TO BE "MR. KNOW-EVERYTHING" 
peace yo!
Wooooooo!
additional info para sa Pinakamasamang Bagay...
nga pala di ba malalakas na BARIL din ang ginamit ni Ampatuan Jr. at ng kanyang mga alagad sa pagmasaker sa kanilang bayan?... pati ung mga walang kalaban-laban na mga babae pinagbabaril din. Ganyan kalakas ang kapangyarihan ng baril lalo na sa pampulitika na aspeto at sa paggawa ng masama...
megahnun?
ang pinakamasamang bagay na naimbento ng tao ay ATOMIC o NUCLEAR BOMB. aray hindi ko kayang magbold! ito rin ang pinakamagandang naimbento... araw-araw challenge ang mabuhay sa mundo, kaya mas challenging ang maka-imbento ng bagay na tatapos sa lahat ng ito!
tnx
maraming salamat sa iyong opinyon.
God bless!
Wooooooo!
Pinakamasamang bagay na naimbento ng tao
Kung maari lang na ituring na isang bagay ang 'kasakiman', maaring ito ang isa sa pinakamasamang bagay na naimbento ng tao.
Hindi naman kasi kakailanganin ng dahas kung hindi ito ang nasa isip ng nilalang. Ano pa't ng dahil sa kasakiman, gumagawa ang tao ng mga paraan na maaring makapagbigay sa kanila ng mas na kapangyarihan.
Anong lakas ang mayroon ang baril kung hindi mo ito ipuputok? Anong kapangyarihan meron ang atomika kung hindi mo ito gagamitin.
Hindi mo rin marahil nanaisin na mayroon ka ng mga bagay na tulad ng ganito sa iyong tahanan o sa iyong bansa kung alam mo ang masamang maaring idulot nito sa iyo.
Ni hindi maiisip ng tao na gumawa ng sigarilyo kung alam nilang makapagdudulot ito ng kanser. Hindi gagawa ang tao ng mga bagay na hindi naman esensyal sa pang araw araw na pamumuhay kung hindi dahil sa kasakiman.
Walang makapananakit kung hindi ito ang nasa isipan. Walang gagawa ng masama kung walang dahilan.
Wala po akong maibigay na ispisipikong bagay na maaring magsabi na ito ang pinakamasamang naimbento ng tao--dahil kahit nail cutter lang--kung gusto talagang makapatay ay walang magiging hadlang para hindi magamit sa kasamaan.
Salamat po.
sariling opinyon lamang...
maraming salamat sa comment mo ayie. pero gaya ng sinabi ko ito'y sariling opinyon ko lamang. maaaring may higit pang imbensyon na napakasama dito sa mundo pero ang ganang sa akin lang ang tinutukoy kong masamang naimbento ng tao ay ang BARIL.
yun lang po, salamat ulit...
Wooooooo!
Religion... mas madaming
Religion...
mas madaming napatay kesa sa lahat ng major na digmaang naganap sa kasaysayan ng daigdig..
Sanhi ng diskriminasyon at bulag na pagsunod...
inimbentong relihiyon....
*sang-ayon ako kay jluna na ang digmaang naganap sa kasaysayan ng daigdig na pinakamaraming taong nasawi ay bunga ng INIMBENTONG relihiyon ng tao, pero 'yung RELIHIYON na hindi ang tao ang nagpasimula, kung marami man ang nasawing tao, iyon ay dahilan sa mga taong kasapi sa INIMBENTONG relihiyon....
*Ang mga taong kasapi sa RELIHIYONG Dios ang nagpasimula ay ang siyang biktima ng mga taong nasa INIMBENTONG relihiyon...









Walang masamang bagay!
Nagiging masama ang isang bagay dahil na rin sa kagagawan ng taong gumagamit nito.
Kung walang baril din ang mga pulis hindi rin mahuhuli si Ivler.Kaya sa huli kung sino pa rin ang may hawak ng baril sya ang magsasabi kung para sa masama ito o hindi.
Ingat
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
http://akingkwarto.blogspo