Pinakbetter Than Wala
Pinakbetter Than Wala
Shet!
Pinakbet
Na naman
Ang ulam namin kagabi
Pwede namang fried chicken
O kaya’y adobo
Sinigang na baboy
O kaya’y menudo
Pwede ring kare-kare
O kaya’y crispy pata
Hinabos na hipon
O kaya’y afritada
Pwede ring lumpiang shanghai
O kaya’y mechado
Masarap na chopsuey
O kaya’y embutido
“Punyeta!
Kung ayaw mo ng ulam
E di wag kang kumain!”
Bulahaw ni Mamá
Pinakbet
Ang ulam
Namin
Kapag walang pera
01 June 2005
ika-walong tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.
ang tulang ito ay para sa mga maaarteng kumain at para rin sa mga marunongmag-appreciate ng luto ng kanilang mga ina, lalo na sa oras ng kagipitan.
Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:
Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai


