pinitik tinipa...

dyeppri's picture

                                  pinitik tinipa ang bawat letra

                            pinalaya ang malayang kaisipan

pinatakbo ang emahinasyon

namahinga sandali sa bakanteng kama

                     nahimlay sandali ngunit di mapalagay

                        pinitik tinipa muli ang bawat letra...

pinitik-tinipa ang nahihimlay na diwa

pinalaya ang damdaming umaapaw

                            kapahingahan ang naramdaman

                          nahimlay ang pagod na katauhan

 

pinitik tinipa patungo sa kabilang dako...


rose's picture

Ang cute! masyadong makahulugan!

Magaling kuya, masyadong malalim ang pagkakasulat!

 

Pwede din kaya ako mag sulat ng sinungkit, binilog at pinitik! sege iisipin ko muna kung ano pwede maging topic!

KEEP IT UP! GOD BLESS!

Cool 

 

eloisa marie hernandez's picture

Tunay 'yon

Ganyan nga po nararamdaman ko everytime na tumitipa ako sa keyboard. Kelangan talaga gisingin ang utak para makasulat ng tama at naa-ayon sa iyong gusto. Nakadepende sa emosyon ang bawat nagagawa ng isang manunulat.

Wow!

http://manlalakbay88.blogspot.com

parang gets ko na ibig mong sabihin. Sa unang pagsusulat natin ay nanggagaling sa ating malayang kaisipan. Sulat lang ng sulat kung anong nais na lumabas mula sa isip. Syempre matapos mailahad lahat tila may kulang pa na nangangailangan ng emosyon. Isinasaalang-alang natin ang ating nararamdaman at ng ibang tao. Kelangan may dating na para bang nakikipag-usap ka ng personal at harapan sa isang tao. Kelangan idaan muna sa matinding pagpapanday ng damdamin bago masabing ayos na ang isang entry. Tama ba dyeppri? ^_^

dyeppri's picture

salamat(ulit) dayo...

Wala namang mali sa hinuha mo sa tulang ito dahil ang modernong tula ay maraming pakahulugan (madalas kahit ang owtor ay hindi niya maintindihan ang nilalaman ng sariling akda) at dumedepende lamang ito sa babasa. Parang abstract painting 'yan ngunit salita nga lamang ang ginagamit ng modernong makata. Tnx 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."