PInoy, bakit ka mahihiya?

rahneejoyce's picture
Pilipinas ang ating bayan
sa lupaing ito tayo ay isinilang
kayumanggi man ang ating kulay
Dulot nito sa atin ay kagandahang 
tunay
Sa kalinga ng inang bayan, lumaki tayo 
na may magandang asal
pagpapakumbaba at paggalang, balewala 
ang pinanggalingan sapagkat tayo ay 
lahing may pagmamahal
 
Tayo ay naaayon sa likha ng Diyos
Ano ang dapat ikahiya?
Isang bayan na pinamumugaran ng isang 
lahing Pilipino
lahat ay namamangha sa taglay nating 
talino at talento
ang bayan mang ito ay salat sa yaman 
ng mundo
pagpapala ng Diyos, sa atin ay husto
kung ang kalangitan ay nasa panig 
nating mga pilipino
mayroon bang dahilan upang manginig 
tayo sa takot at magsitakbo?
 
kutyain man tayo ng ibang tao
tatayo parin tayo at lalakad ng 
diretso at taas noo
sapagkat walang sino man ang nakaaalam 
ng pambihirang katangian ng pilipino
kundi ang dios, ikaw, at ako
Ngunit kung iyong itutungo ang ulo
para mo na rin kinitlan ng buhay ang 
inang bayan mo
sino pa ba ang mag bubuhat sa sarili 
nating bangko 
kung hindi rin tayong mga pilipino?
Iaasa pa ba natin sa ibang nasyon ang 
pag aahon sa bayan na ito?
Kung abala ang iba sa pagtataguyod ng 
kanilang lahi
bakit hindi rin tayo?
Ngunit kung ikaw man ay walang 
pagmamahal para sa inang bayan mo
Mas makabubuti pang lisanin mo na ang 
lupaing ito at kay kamatayan ay 
makipag areglo.
Sapagkat wala nang mas hihigit pa sa 
kalinga at pagmamahal ng isang tunay 
na ina, at sino pa ang kukupkop sayo?
At kung iyong ikinahihiya ang lahing 
kinabibilangan
tumalikod ka at huwag pipigilan ang 
iba sa pagpapakita ng kanilang 
pagmamahal para sa inang bayan
sapagkat sa kanila nakasalalay ang 
ating kinabukasan
at ikaw ay makahahadlang lamang.

bobosijuan's picture

kung pinoy ka sigaw na...

kung pinoy ka sigaw na... SIGE!!!

kun maganda ka sigaw na... SIGE!!! <im not cool>

ayus... 

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

Dahil ayaw na tayong

Dahil ayaw na tayong tulungan ng world bank. Alam kasi nila na nanakawin lang ng mga pulitiko ang pera.

Dahil sa Wowowee na nagpapa-bobo sa pag-asa ng bayan.

Dahil sa mga pulitikong dating artista at nag-pulitika dahil walang magawa sa buhay.

Dahil sa MMDA na harap-harapang humihingi ng lagay.

At dahil sa grade 5 level na reading and comprehension skills ng mga public school teacher natin.

 

bobosijuan's picture

ganyan ang pilipinas, ganyan

ganyan ang pilipinas, ganyan ang tao...

ganyan ang mundo...

panalangin ko lang mawasak na ang mundo...

dun nila maiisip na wala naman talaga ang mga bagay sa mundo...

na kahit akong panay type about sa kagaguhan ng tao ay maglalaho din...

kahit ikaw na nasa taas ko...

wala lang tayong lahat...

kaya bago ako mawala...

PAK YU... 

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

love's picture

  pati na akong nasa ibaba

 

pati na akong nasa ibaba mo, lahat tayo mawawala.

PAKYUT MO! hehe..

rahneejoyce's picture

bitter?

hindi ka naman bitter nyan sa buhay mo XD

Amos Tarana's picture

hello rahneejoyce, welcome

hello rahneejoyce,

welcome sa fw!

salamat sa pagbabahagi ng iyong mga naiisip.  sana'y patuloy ka pang magsulat ng mga akdang may temang katulad nito.

bilang mungkahi, subukan mo rin kayang magsulat ng tula (o blog) na ang pamagat o tinatalakay ay tungkol sa Pinoy, BAKIT KA NAHIHIYA? asteeg 'di ba?

parang ikaw, asteeg!

salamat ulit at mabuhay po kayo!

- amos tarana Cool

----------------  

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only thing that ever has.”