Pira-pirasong Laruan
Submitted by Yuco on January 4, 2011 - 1:51am.
Filipino | Miscellaneous Literature | poem

Pira-pirasong Laruan
Kapag lumuwa na ang asul mong mata,
Doon mo lang nanaisin na ako'y makita.
Kapag putol na ang mahahaba mong hita,
Doon mo lang nanaising maglakad na ako ang kasama.
Kapag paralisado na ang lahat
Doon mo lang nanaising sa aki'y umakap
Kapag natunaw na ang mapupula mong mga labi
Doon mo lang nanaising humalik sa aking tabi.
Kapag tumigil na ang pagtibok ng puso mo,
Doon mo lang sisimulang mahalin ako.
Sadyang ganito kalupit ang katotohanan,
Hihintayin nalang maubos baterya sa katawan.
YUCO
Salamat sa mga bumasa sa aking tula, at kay "Google" para sa nahalukay na picture.
» login to post comments | 535 reads
mahusay
Submitted by emopencil on January 8, 2011 - 6:24pm.
Mahusay ka.
Nagustuhan ko ang munti mong tula.
» login to post comments




Iba pala yung dating pag may
Iba pala yung dating pag may kasamang pichur no? Nakita ko po kasi yung post sa blog nyo. :)
"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."
http://tuwatula.blogspot.com/