"AHON" Poetry Night para sa mga biktima ni Ondoy

para sa mga dadalo--mangyari po lamang na magdala kayo ng anumang tulong na maaari nating ipunin at ibahagi sa mga
nasalanta. kung hindi man, ang pagdalo ninyo at panonood ay isa nang malaking tulong.
kita-kita tayo doon mula ika-6 hanggang ika-9 ng gabi Oct. 6, 2009
at kung sakaling maging maganda ang kinalabasan ng kauna-unahang collaboration na ito
maaaring maging regular ito kasama tayo.
HUWAG LANG TAYO SULAT NG SULAT--TUMULONG DIN TAYO!
Ah, ayos naman pala. Anong
Ah, ayos naman pala. Anong baranggay kayo, sir? Si Cesar Perez pa rin ba mayor ng elbi?
Kaninang umaga, narinig ko sa balita na maliban sa Cabuyao, Sta. Rosa, at Calamba, may mga area din, halimbawa sa Sta. Cruz, Laguna, na lagpas-tao ang baha. Tapos may ilang mga bahayan within perimeter ng Pansol na nakatirik direkta sa ibabaw ng bukal, eh nung bumulwak 'yong mga bukal nung Sabado, sira-sira raw kahit mga sahig na baldosa't semento nitong mga bahay na ito.
yung water district ng
yung water district ng calamba sa pansol di naman daw naano, tumaas lang ang tubig pero hindi naman gaanong nasalanta ang mga taga roon. ang matindi yung school sa pansol papuntang Halang lampas-tao daw ang baha dun. sa bayan naman ng Bay maraming nalubog din, sa Bayog, mayondon, tsaka sa Sta. Fe e San antonio kami malapit na sa amin yung baha pero sa awa naman ng diyos hindi umabot sa amin.
maraming estudyante ngayon dito naka istasyon sa Vega nangangalap ng donation pati yung sa UP rural High School naggagala sila may dala-dalang CB humihingi ng tulong para sa mga nasalanta.
Tumira ako one time malapit
Tumira ako one time malapit sa palengke, bandang elbi crossing, 'pag bumabaha doon, matagal bago humupa ang tubig.
Ano na ba usong pang-CB ngayon? kahon pa rin ng Zesto? haha.
haha! nung panahon naman
haha! nung panahon naman ng Pinatubo, galante mag-abot ng abuloy ung mga pasahero during bus hopping
Siyanga pala, sir. hindi
Siyanga pala, sir. hindi talaga ako makakapag-commit sa yugtong ito. Pihong magpapatuloy pa hanggang next week (lalo kung tutuloy ang pananalasa ni Pepeng) itong ginagawa naming pagparito't pagparoon sa Cainta para sa pag-aayuda sa magulang, kapatid, at mga pamangkin ng misis ko na hanggang ngayon ay ipit pa rin ng sirkunstansiya doon.
Rom, medyo makitid at makasarili man, pero daig mo pa ang nasalanta kapag nakaaway mo ang mga biyenan, hehe.
kuya maaari bang magsumite
kuya maaari bang magsumite nag tula? kahit malayo ako
gusto ko sumuporta sa proyekto .
musta na sila anne? any news?
" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"
sige sani, kapag naka buo
sige sani, kapag naka buo tayo ng line-up i aasign ko yung tula na isusubmit mo kung kanino babagay na reader tapos i-video ko naman para mapanood mo.
walang balita pa kay anne ang huling tex niya sabi nya "prayers are much appreciated" daw kasi nga dun na daw sila nakikituloy sa lola nya wala daw talaga siyang nailigtas na gamit.
si Hanan Nori member din ng FW ay taga marikina, madalas kaming nag YM nun bago bumagyo--ngayon wala nang balita sa kanya. kilala nyo ba sya?
si hanan? taga marikina
si hanan? taga marikina din.. naku po....
sige kuya balitaan mo ako. sa fb mo ako imsg ha..
handa na ako ng tula...
salamat sa gawaing ito...
" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"
Okay ito, Rom. Di pa nga
Okay ito, Rom. Di pa nga pala ko nakapag-reply kay Axel sa FB msg niya dahil busy pagkatapos ng Ondoy. Kayo na ang bahalang mag-organize ha. Thanks. :)
si axel nga ang unang nag
si axel nga ang unang nag email sa akin tungkol dito pati sa bigkas pilipinas kung makaka lista ng tamang dami ng tutula susulong ito sa Oct. 6 so far si Paul Roquia pa lang ang nagpapahayag ng pagsali.
salamat Noid
Gusto ko sanang sumali
Gusto ko sanang sumali kaso hindi kaya ng skedyul ko. Nag-organize din ako dito sa Muntinlupa ng TULONG-ABOT-KAYA para sa nasalanta ni Ondoy. Ilang araw na rin kaming abala sa pamimigay ng mga relief goods dito sa amin, kasi hanggang ngayon ay hanggang leeg parin yung tubig sa ilang barangay ditto.
Pero magandang adhikain yan. Para naman hindi puro sulat at salita lang ang mga miyembro ng FW. Dyan natin maipapakita na seryoso tayo sa pagtulong sa kapwa natin Pilipino.
Mabuhay ang mga magtataguyod ng poetry night!
"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"
sana nga matuloy ang meeting
sana nga matuloy ang meeting bukas e kaso bukas ang dating ng bagong bagyo e.
ok lang bro, kasama naman kayo in spirit e. iba-iba ang paraan ng pagtulong natin hanggat kaya
ehem
ayos 'to kapatid, kung puede ko sanang iemail ang sarili ko para makadalo gagawin ko...sayang nga lang at malayo ako. abala rin kami ng pangagalap ng donasyon dito para maipadala sa pinas.
kung maiibigan mo ang 'nasaan ang bahaghari?' [ko] ay isali mo na lang din. pacopy paste na lang ng kopya ng tula sa note sa fb o kaya iyong nasa blog ko.
kung makakaluwag ako sa mga susunod na araw ay gagawa pa ako para ihabol sa pagtitipon ninyo diyan.
maging matagumpay sana ang lahat at mabuhay kayo!
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/
salamat kapatid, isasama ko
salamat kapatid, isasama ko yung tula mo sa mga bibigkasin, mag-iipon lamang tayo ng mga bibigkas pa. kung matutuloy ang miting mamaya at aatras ang paparating na bagong bagyo malamang itutuloy natin itong event na ito, kung hindi sa ibang araw na lang kung saan ligtas ang lahat.
salamat muli sa suporta!
ehem
anong oras po kaya magstart ang poem reading. papapuntahin ko ang ilang mga katropa para naman madami ang dumating at umorder hehehe.
mungkahi lang po sana kung magagawan ng parang ad o paanyaya. para maipost sa FB at maiemail na rin sa iba.
salamat.
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/
may poster po na pinapakalat
may poster po na pinapakalat bilang imbitasyon pakikuha na lang po sa link na ito: http://s309.photobucket.com/albums/kk364/morpheus26/?action=view¤t=ahoncopy.jpg
salamat po sa suporta at pagpapakalat ng impormasyon sa mga kakilala.
magandang ideya at tulong po ang maipakalat ang event na ito sa email para daluhan at makakalap ng ilang donasyon at suporta para sa mga nasalanta.
sa kasalukuyan narito po ang listahan ng mga taga FW na nag commit na bibigkas ng tula sa Oct. 6
1. Paul Roquia
2. Patrick Orquia
3. Kislap Alitaptap
4. Rom Factolerin
nag iimbita pa po ng mga iba pang interesadong dadalo at bibigkas ng tula
salamat!
gusto ko sumali
God knows kuya, I want to participate pero tatapatin ko na kayo, medyo gipit din kasi kami sa pera ngayon kaya wala akong pamasahe. may konting finance prob din dito sa bahay.(pinambili ng bigas kanina ung ipon ko). if ever kuya, gusto kong magpasa rin ng tula kung makakagawa ako before the event. kahit sa ganon man ay makatulong ako sa project.
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
naintindihan ko yun Melay
naintindihan ko yun Melay talagang ganyan lahat kasi tayo naapektuhan one way or the other.
anuman ang maitutulong kahit na sa papaanong paraan appreciated yun.
mag-ipon pa tayo ng makakadalo bago mag Oct. 6
salamat!
kuya rom
kuya,gagawa ako ng tula. submit ko sa email mo mamayang hapon.. okay lang ba? hindi kasi ako siguradong makakapunta.... kahit ipabasa nyo na lang sa iba. at least makapag-contribute ako.
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
oi, gusto kong sumali dito!
oi, gusto kong sumali dito! kaso medyo alanganin, may pasok ako early morning kinabukasan nito... pwede ba nating gawing saturday yung event para baka mas maraming makadalo?
ilang tula ang pwedeng basahin?
I'd love to turn you on...
hindi na ata pwedeng i-reset
hindi na ata pwedeng i-reset yung date kasi yan ang slot na ibinigay ng conspiracy bar para sa KM64 at FW people yung ibang day may schedule na tutugtog o bibigkas ng tula.
kahit ilang tula pwede
ok, sige. sana makapunta
ok, sige. sana makapunta ako.
napagawa tuloy ako ng impromptu na tula, hehe. :D
I'd love to turn you on...
salamat patrick, isama na
salamat patrick, isama na kita sa lista ng mga bibigkas.
tex tex tayo bago dumating ang event
eto number ko 09178881369
salamat!
ok, sige. saan nga pala yung
ok, sige.
saan nga pala yung conspiracy bar? may fog of war kasi sa akin yung mga lugar na lagpas ng philcoa e. ehehehe, promdi...
I'd love to turn you on...
CONSPIRACY BAR (CONPIRACY
CONSPIRACY BAR
(CONPIRACY GARDEN CAFE, INCORPORATED)
59 Visayas Avenue Quezon City Metro Manila
Phone: +63(2)4532170
once pa lang ako nakakapunta dyan e pero sa performance date mismo
mag tex tex tayo para magkaalaman ng exact direction
di ko alam kung
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
paano ako makakatulong.. di ako makakapunta saka di ako magaling sa tula para ibahagi... siguro prayer na lang para sa itatagumpay ng proyekto....
Sana maging okay ang lahat.. at walang bagyo sa araw ng events.....
jonsdmur
tumulong po tayo maikalat
tumulong po tayo maikalat ang poster na nasa itaas sa FaceBook o sa email o kung saan mang social media site na pwedeng ibahagi salamat!
@Jonsdmur--bro pwede ka tumulong ikalat ang poster na nasa itaas para marami makadalo
Tutulong ako...
Nai-post ko na po sa aking Facebook account ang poster ng "Ahon".
Nais ko pong tumulong pero hindi po ako makatutungo sa Conspiracy Bar sa araw na iyon. Anuman po ang aking maibabahagi ay ipaalam nyo po lamang.
Maraming maraming salamat po.
****
Mimosa pudica, sensitibong nilalang,
Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.
Baka...
Gagawa po ako ng tula para maisama sa compilation. Maraming salamat po sa initiative ninyong ito at kahit papaano'y maipaparamdam natin sa mga kababayang nasalanta ang ating pagdamay at pagtulong...
****
Mimosa pudica, sensitibong nilalang,
Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.
maganda ito..
Napakaganda ng goal ng event na ito, nawa ay maging successful ito. Ako man ay nagnanais na magbigay tulong pero meron din kaming sariling program dito sa Jeddah-Saudi Arabia para sa mga nasalanta ni Ondoy at doon na mamaya ay ibibigay na namin ang aming tulong.
Nais ko rin sanang mag-alay ng tula kung matatapos ko pero mukhang maraming di makakapunta sa event na ito at iilan lamang ang magbabasa. Kung matatapos ko ay send ko sa'yo at okay lang sa akin kung walang magbabasa basta ang mahalaga sa akin ay nakapag-alay ako. Patuloy pa rin kami ng pamilya kong nag-aalay ng panalangin sa mga kababayan natin diyan.
Panalangin din namin ang tagumpay ng programang ito. Tulong na rin pala ako sa pagkalat ng poster na ito.
=== Nahalungkat niyo na ba?
kuya rom, tingnan mo kung
kuya rom,
tingnan mo kung maaari ang tula kong "trahedya"
http://www.filipinowriter.com/trahedya
i repos tko lang po ang poster nyo sa fb ha.
" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"
salamat sani, i compile ko
salamat sani, i compile ko ang mga tula nyo. si melay nagbigay na din ng tula nya e. i post ko na lang ang video dito sa FW para mapanood nyo.
salamat uli
God bless Kuya Rom "
God bless Kuya Rom
" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"
kung hindi ngayon, kailan?
... kapag nawala ako sa buhay mo, sisiguraduhin kong hindi ka makapag-MOVE ON! Ever!
Sana po magkita-kita tayo doon bukas... isa itong pagkakataon na may banal na adhikaing makatulong sa kapwa...
rom, pinost ko na rin ito sa ALIWAN AVENUE... at HOPEFULLY makarating ang inyong lingkod!
kitakits bukas, woowoot! :D
kitakits bukas, woowoot! :D
sana makasulat pa ako ng isa pang tula by tomorrow, hehe. Ü
I'd love to turn you on...
kita-kits tayo bukas may
kita-kits tayo bukas may acoustic band daw na baback-up sa atin tapos may konting talk mula kay Rep. Satur Ocampo ng Bayan Muna na ka-tie up natin sa event na ito. sila kasi ang magdadala ng mga relief goods na makakalap papunta sa mga nasalanta.
officially magsisimula ang event ng 6pm pero kung konti pa tao baka mag-antay pa konti bago mag start.
ngayon pa lang salamat sa suporta ng mga taga FW at ni Dino.
parang ayoko ko yata ng may
parang ayoko ko yata ng may background music pa, hehe. baka lalo akong nerbyusin. :D
I'd love to turn you on...
kaya mo yan
There is always a first time - teka first time mo nga ba? Ako kasi ay di ko rin ito palalampasin. Kahit mamatay siguro ako sa kaba dito ay susubukan ko pa rin hahaha! Isa na rin ito siguro sa pangarap ko.
Meron din akong alay na tula, nawa ay mabasa rin sa Ahon.
Papadala ko na sa'yo Kuya Rom at post ko na rin dito.
=== Nahalungkat niyo na ba?
heto na
Heto na yung tulang alay ko:
Sa Ngitngit ng Iyong Galit ang title at nakapost na dito http://www.filipinowriter.com/sa-ngitngit-ng-iyong-galit.
Maraming salamat kung ito'y mababasa bukas kung hindi maraming salamat pa rin. Ingat kayong lahat.
=== Nahalungkat niyo na ba?
good luck po
good luck po sa lahat ng dadalo. Sorry at hindi ako makakapunta kahit gustung-gusto ko. Imposible na rin kasi dahil may sakit ako ngayon. basta, pagpray ko kayong lahat!
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
success, yey! :D post ko
success, yey! :D
post ko maya-maya yung tulang binigkas ko. binasa ko rin pala yung tula nila sani (aka talulot) at noel ablon. sana ay nabigyan ko ng justice ang mga tula nila, hehe. (paki-check na lang yung video, kung nakunan ni kuya rom).
ibang level ang mga performance nila kislap alitaptap, kuya rom, at paul roquia. sana naging kasing intense yung pagbasa ko tulad nila, hehe.
anyway, mamya na lang uli. tulog muna ako. super antok na ako e, may shift pa ako mamya 5am (dito na ako sa opis matutulog omaygahd!(salamat sa pagpapa-angkas sa auto ni sir noid hanggang philcoa)).
sige po! :D
I'd love to turn you on...















Sir, isang marubdob na
Sir, isang marubdob na pagpupugay sa makabuluhang undertaking na ito!
Kumusta rin kayo? Pagkakaalam ko'y maraming bahagi rin ng Laguna ang binaha.