PORMULA NG PELIKULANG PILIPINO (Part 2)

spike_west's picture

Sa pagpapatuloy ng Pormula ng Pelikulang Pilipino.

Mukhang may bumabasa naman pala ng mga review ko eh, so lulubos lubusin ko na!!

HORROR

Okay sa tagal ko ng nanood ng horror na pelikula, di ko alam kung bakit hindi man lang ako matakot sa mga kwento doon. Umabot na ang Shake, Rattle and Roll ng sampung pelikula, ni isa episode walang nakatakot sa akin (pwera lang pala yung ref na ngangain ng tao, kasi naman eh 7 taon lang ako nun) Hindi ako na Shake , at hindi ako na rattle pero nag-roll ako, nagroll ako kakatawa.hahahahah.Heto ang ilan sa mga palasak na at pwedeng hagisan ng bulok na kamatis na may amag pa ,ang sumusunod:

Zombie na nakataas ang kamay.

Bakit nga ba ang mga zombie nakataas ang kamay, di ba sila nangangawit? Aba, nagpipiyesta na nga yung mga uod sa mga singit nila at kilikili eh nakataas pa rin ang kamay. Tapos bakit yung damit butas butas, eh alam ko mas mauuna pang mabulok ang ilong mo kesa sa damit mo eh (pero yung may silicone implant eh eh intact pa naman)

KRus ang mabisang panlaban

Natatandaan ko noon yung dalawang patpat na gawing krus, aba eh ngarag na ang mga kalaban o di kaya  yung dalawang daliri lang na pinaglapat aba naginginig na sa takot ang mga aswang at malign. Astig!! Eh paano naman nalaman ng mga aswang at maligno na krus yun, eh tingin ko ekis (X) yun eh. Sabagay kanya kanya ng trip yan, eh trip ng mga aswang matakot sa ganun eh walang pakialamanan

Kawawang matanda.

Sa dami ng napanood kong pelikulang horror, aba iyon at iyon din ang aswang.Yung matandang payat na mahaba ang buhok na puti. Aba ilang pelikula na ang  namatay na sya, abat hanggang ngayon buhay pa yung aswang na yun.Naku marami namang matanda sa Pilipinas, eh hanap naman ng ibang cast kaya tuloy pag nakita ko yung matanda na yun sa pelikula alam ko sya na yung aswang.

Naku marami pa yan, nandyan na ang multong galit sa pulbos, ang mananaggal na kumukulo pa ang bituka (siguro naimpatso), Mga nagliliparang gamit at gumagalaw na kama (kasi nga nagdadabog yung multo, may attitude problem/sumpong  kasi.At kung sino ang bida asahan mo na sya lang ang matitira kasi lahat nakain na ng aswang (wala pang namamatay na bida).

ST O BOLD FILMS

Ang walang katorya toryang pelikula, aba naghubad lang si nene at si boy aba kwento na pala yun. At ang pamagat o title na pamatay tulad ng talong, petchay o pinya at pwede na rin ang lahat ng gulay sa bahay kubo. Kung pwede bang gawin title ang mga maseselang bahagi ng katawan natin eh tyak maguunahan ang mga producer nyan. Pero heto ang ilan sa pormula pa

Laging may wet scene

Kung hindi naliligo sa ilog sa dagat naman, at hindi ko alam kung bakit maliligo sila nakakamison sila, pang beach attire ba yun. E bakit yung mga kaklase kong babae noong college naligo kami sa beach, eh hindi naman nakakamison, ang suot suot eh yung basketball short ng kuya nila o nung tatay nila. Eh sabagay bold nga pala yun, eh bakit hindi na lang bathing suit o kaya panti’t bra, eh noon pa yang kamison na yan eh.

Konti ang Dialogue (kung may dialogue man puro ungol)

Sabagay eh bold films nga eh, pero hindi ba pwedeng lagyan man lang ng medyo mabigat bigat na istorya. Yung tipong may kwento naman kung bakit nila gagawin yung ANO (alam nyo na yun). Eh kumbaga nagkatitigan lang gagawin nay un, nagkadikit lang aba gagawin uli yun. Puro aksyon hahahah!! Kumbaga parang palabas ni Michael V sa Bubble gang yung “SUMBONG SUMBONG KAY BONGGANG BONGGANG BONGBONG” na may tagline na “Dito ka na magsumbong diretso pa ang AKSYON”. Nice!!Puro aksyon eh walang istorya.

Konti lang ang masasabi ko sa BOLD FILMS (kasikonti lang din ang Dialogue dun) kasi nga alam na rin natin!Eh yun lang naman ang tinatangkilik nila eh!! Pero nung mga panahon kasi nila ISmael Bernal at Celso Ad Castillo eh may sense talaga. Hindi puro bilad lang ng katawan o kaya ungol, may istorya at may kwento.

INDIE FILMS

Eh sa panahon ngayon mukhang natatabunan na nga mga independent films ang mainstream. Maraming mga indie films ngayon ang talaga namang malaman at makabuluhan at sila ngayun ang hot cake. Teka bakit nga ba hot cake ang tawag pag mabenta, eh di na man uso ang hot cake sa Pilipinas. Okay baguhin natin, ang indie films ngayon ang parang NFA RICE.Pero syempre may mga pormula din yan heto ang obserbasyon ko

Sex

Halos lahat ng indie films ngayon laging may kinalaman sa SEX, eh parang ito ang pambenta nila sa manonood. Halos kapareho ng ST o Bold anng kaibahan lang ay may magandang istorya ang nakapaloob dito. Pero kasi minsan puro ganun na lang ang pormula. Iilan lang na indie films ang hindi sumsaklaw sa sex,kaya minsan iniisip ko na mukhang maeel talaga ang mga Pilipino.Kaya nga sandamakmak ang pabrika ngayon…….pabrika ng bata.

Parang mga kwento ni Lola Basyang

Karamihan sa indie films ngayon laging may narrator, kumbaga kinukwento nila ang buhay nila. Kaya minsan nakakatamad o nakakantok din kasi nga para kang binbasahan ng Fairy tale bago matulog. Yung iba pati yung expresyon aba pasalasay na rin, hindi ba natural halatang binasa lang tulad nga “Aray , o kaya yung eh o kaya yung ah”

Parang Bitoy’s Funniest Video lang

Yung ibang indie films talagang sobrang amateur, yung tipong nagkandaduling duling na ang mata mo kasi magalaw ang camera. O di kaya makikita mong may kumakaway sa likod ng bida o di kaya naka peace sign o kaya ubod ng ingay halos di mo na marinig ang dialogue ng character kasi nga parang video lang sa kasal o binyag. (kulang sa budget eh)

Laging sa skwater ang setting

Eh halos karamihan sa napanood ko puro sa skwater ang setting, alam kong simbulo yun ng maralitang tagalungsod, pero meron din naman maralitang taga probinsya.Hindi ba pwedeng dun na lang. Saka hindi ba pwedeng mayayaman ang bida, pero sabagay dun kasi maraming kwento eh. Yun nga lang karamihan sa mga indie films ngayon ay tungkol sa kapangitan ng Pilipinas, wala ba yung kagandahan ng Pilipinas naman. Eh maganda naman ang bansa natin ah!! Kaya kung minsan di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot  pag may nanalong indie films na tungkol sa kapangitan ng Pilipinas sa international film festival, matutuwa ka ba kasi narerecognize ang creativity ng pinoy o malulungkot ka kasi ibinabandera natin ang kabulukan o kapangitan ng Pilipinas sa ibang bansa. Ewan di ko laam.

Syempre hindi naman pwede na kritisismo lang ang gagawin ko pero magbibigay ako ng mga pelikulang naging swak sa panlasa ko;

1.       Himala (napanood ko ito noong Mahal na Araw)

Paglalarawan ng kulturang Pilipino, paggising sa kamalayan natin tungkol sa panloloko at pagiging bukas sa katotohanan na nasa ating mga kamay ang ating Kapalaran.

2.       Kubrador (dahil tyuhin ko kubrador din)

Pagbibigay ng mukha sa kahirapan ng Pilipinas. Makatotohanang paglalarawan ng bawat buhay ng mga Pilipino,

3.       Anak (parang kwento ng tyahin ko)

Paglalarawan ng buhay OFW, OFW din ako kaya malapit sa akin ang istoryang ito. At halos lahat ng kamag-anak ko ay mga OFW din. At  nagawang ipakita ng pelikula ang buhay ng isang OFW, ina at asawa, pagsasakripisyo at pagpupunyagi

4.       Tinimbang ka Ngunit Kulang (malnourished kasi)

Nakapagandang kwento na sumasalamin sa mapanghusgahang mga mata ng tao. Pagaalipusta at paghahamak ng isang taong may problema sa pag-iisip na gustong mamuhay ng normal din.Bagamat sad ending subalit ang ending ang tumatak sa isip ko, hanggang ngayon naiisip ko sino kaya ang mas tunay na baliw?

5.       Minsan may isang Gamo gamo (My brother is not a pig……. Hindi sya baboy damo , sabi yan ni Nora Aunor pero teka diba wild boar ang twag dun,naku ewan ko ba kay Ate Guy)

Ang kagandahan sa pelikulang ito, paglalarawan ng mga pansasamantala sa kapangyarihan. Pagpapakita ng mga nangyayari noong Panahon ng Batas Militar (kahit hindi ito tuwiran). Harassment o pagsikil sa ating demokrasya.

 

Teka hindi ako Noranians hehehehhe!! Nagkataon lang na magagandang pelikula ang naibigay sa kanya. Halos di pa ako isinisilang nung pinalabas ang iba dyan, pero noong napanood ko yan, humanga ako sa istorya at sa pagkakagawa ng Pelikula. Ibang Klase,wala akong masabi. Sa Panahon ng mga independent films mukhang nagbabago na rin ang Pelikulang Pilipino, medyo hindi na budget ang labanan ng pelikula kundi istorya na. Sana magtuloy tuloy pa ang pagunlad ng Pelikulang Pilipino. Alam kong darating din ang araw na magiging kasing galing natin ang Pelikulang banyaga, hindi man tayo pwedeng maipagsabayan sa special effects at budget dadaanan na lang natin sa creativity natin at istorya.

Basta Mabuhay ang PELIKULANG PILIPINO


Ailem23's picture

Pelikulang Pinoy

mahilig ako sa horror pero natatawa ako sa shake rattle & roll. tanda ko pa nung bata ako, takot na takot si ate nung pinapanood namin iyong shake rattle & roll samantalang ako eh nakatingin lang sa screen  ng aming tv at napapaisip ng , "ganyan ba talaga mukha ng aswang o multo?"

Pero kung hindi nasimulan ng pelikulang iyon ang trend, walang kasunod na magagandang horror-suspense Tagalog movies. katulad ng Huwag kang Lilingon, Feng Shui, Sukob, Ouija, and the latest, Kulam. 

In fairness, malaki din ang ikinaganda ng movie industry ngayon. May mga pelikulang hindi basta pelikula lang kundi pelikulang de kalidad... tulad ng Magnifico, Milan, Caregiver, at marami pa.

nag-enjoy akong basahin itong blog na ito... mahilig kasi ako sa movies Tagalog man o English...

ingatski,

melay 

melay, ung naalala ko lang

melay,

ung naalala ko lang sa shake rattle and roll iyong isang part na napunta siya sa isang baryo, inimbita siya ng kaibigan niya dahil piyesta. it turned out na barrio pala iyon ng mga aswang at sya ang handa. kaso di sya naging handa, instead iyong kaibigan niya. hmmm

natakot ako dun (bata pa ako eh ehehehe)

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

spike_west's picture

ahahaha! Ako din!

Si Manilyn Reynes ang bida doon,  si Ana Roces at si Rex Cortes (tyuhin ni Anne............. Anne Cortes, hahahaha) ang aswang dun kasama pa sila Vangie Labalan. (akalain mo naalala ko pa yun)  Nantatandaan ko pa yan kasi nga natakot din ako dyan. 9 years old ata ako nun. Kaya nga natakot din ako ng konti na mamiyesta, kasi baka ako ang pagpiyestahan hahahahah!!

At Melay, mukhang lahat nng Shake Ratte and Roll na pelikula pinanood mo na ah!!Ayos ah!!

Ingat

Spike

si manilyn reynes nga!!

hehehe, tama ka spike. tandang tanda mo pa.

me naalala lang ako iyong halimaw sa banga? maganda naman ang storyline nun.. siguro dahil may sangkap siyang kasaysayan. sana pag gagawa ng pelikula na horror, magresearch din para di lang nakakatakot-informative pa.... 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Rom's picture

konting dagdag

 

may dagdag ako bro, isang typical na eksena lagi yung babastusin ang bidang seksing babae ng mga goons tapos darating si bidang lalaki sisitahin ang mga goons tapos susuntukin ang bida kaso masasalag tapos bakbakan na sampu laban sa isa. syempre talo ang sampu na naglalakihang katawang maton laban sa patpating stud.

tapos nito eksena na sa kama hehe...

eto pa isa, kapag malapit ng ipalabas ang pelikula mag po promote ang leading actor/actress sa eat bulaga o wowowee ang laging dialogue: "panoorin nyo ang pelikula namin sobrang pinag hirapan po namin ito at sobrang ganda po, sobrang nagka inlaban po kami dito kaya sobra pong mag eenjoy kayo sa panonood" *note: sobra ang paggamit sa salitang sobra 

tapos nun susundan ng video interview ng mga lumalabas sa premiere night kapansin-pansing puro baklang nagtitilian ang mga lumalabas galing sa loob ng sinehan.

 

kakatuwa pero kakainis. salamat sa pag share mo 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

relax see a movie.

spike!

heheh, natatawa ako sa pangwakas mo, di ka nga noranian pero, iyong nabanggit mo naman eh obra niya talga. di bale me isang vilma ka naman ung anak. hehehe

maganda nga ang tinimbang ka ngunit kulang-- maganda din ang ganito kami noon, ganito kami ngayon, ang agila at ang insiang.

meron pang isa na movie ni ate vi- iyong may linyang-" Para kang isang karinderiang bukas sa lahat ng gusto kumain" alam mo ba toh? (karnal ba itoh?)

iba kasi ang pelikula noong panahon nna lino brocka, ishmael bernal and eddie romero.. 

(tama na napaghahalata na ako... heheheh)

napansin ko lang, bentang benta sa indie film ang mga pink movies....

sana mas malawak pa ang mga tema nila......

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

spike_west's picture

The Best Directors

Ibang klase katlinuhan ang meron sila. Si Lino Brocka sikat sya hindilang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. alam nilang napakagaling na direktor yan. Di ko pa nga napapanood yung "JAGUAR" eh na gawa nya. Hanap ako ng kopya nun!

Ganito kami noon, paano kami ngayon , yun ba yung kay Christopher de Leon (sarat pa ilong nun dun eh) hahaha!! Okay din yun!! Unang pelikula nya yun eh!!Di ko gaanong naapreciate yun eh, pero okay din naman

Salamat
Spike

gusto ko iyong mga lumang pelikula......

yup spike, iba nga sila. meron naman din siguro sa lawak ng arkipelago ng pilipinas na susunod sa kanya.

kay Sir boyet nga un. me punto siya dun..  di ko lang alam kung  batanggenyo o sa laguna. maganda ang mensahe nun.... dapat panoorin iyon ulit--paralelismo iyon ng kung anu tayo sa nakaraan bilang pilipino at kung ano ang dapat nating tahakin bilang isang bansa. mjo di lahad ang mensahe dahil medyo comedy.. pero panoorin mo lalo na ung ending....

unang pelikula ni christpher iyong tinimbang ka ngunit kulang- unang pelikula niya na nakakuha siya agad ng best actor award.

 

(napaghahalata na ako... frustrated film director kasi hehehe)

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

spike_west's picture

Oo nga nakalimutan ko yun

Naklimutan ko yung isang yun!!

At heto pa gagawa pa ng mga walang kakwenta kwentanfg chismis para lang kumita ang pelikula. eh dapat yung istorya ng pelikula ang pinag-uusapan mukhang personal na buhay ng artista ang mas pinag-uusapan! Meron pang mga ganitong mga issue:

Joyce Jimenez,nagpakita ng Hiyas sa Pelikula (teka dyamante ba yun?)

Albert Martinez, pinasilip ang nota (Singer na ba sya ngayon???)

Joyce Jimenez at Albert Martinez sarap na sarap sa mainit na eksena (Teka sinigang ba yun na mainit, aba masarap nga yun!!)

Marami pa yan bro!

Thanks bro

Spike

hectorolympus's picture

insertion at dagdag

edi nagkabakbakan na nga yung bida at yung mga goons na nambastos sa leading lady.

katapos non, syempre naman, me sugat na matatamo si bida.  kadalasan yun, galos sa mukha (kailangan talaga na sa mukha ang galos).

 so uuwi sila sa bahay (lagi rin na sila lang dalawa sa bahay).  gagamutin ni leading lady ang sugat sa mukha ng bida.  syempre, kahit sobrang tapang ni bida, aaray at aaray sya sa konting dampi ng bulak sa sugat nya.

pagkatapos nun, magkakatitigan sila......

 tsaka pa lang hahantong sa eksena sa kama.

 http://hotcofi.blogspot.com

antoneli's picture

pormulang may melamine

heto pa ang dagdag ko...sa horror movies, sobrang bagal ng pacing ng pelikula kaya nakakahinga ka pa. Dapat tuloy-tuloy ang suspense o may build-up. Ang Sukob na huli kong napanood na horror ay gumamit na nito. Kaya lang pampasira roon ang acting ng isa sa bidang babae na parang pilit lang at sobrang OA. 'Yun ang horror.
Heto pa ang isa, ang storyline laging hindi kumplikado na nahulaan mo na o may ideya ka na sa ending nito kahit wala ka pa sa climax ng kuwento. Sa playlist ko ng mga paborito kong kuwento nangunguna ang kay Stephen King, maganda rin ang Beneath, APT., siyempre ang classic na Halloween, Friday the 13th at marami pang iba. Kaunti pa lang ang horror movie natin na talagang maganda kaya halos wala akong mabanggit maliban sa Patayin Sa Sindak Si Barbara(orig. & remake)at Sukob. Idagdag mo na ang Sigaw na pinagbidahan ni Iza Calzado.
Hindi puwedeng idahilang kaya wala tayong magandang horror ay dahil magastos itong gawin. Ang Pet Sematary 1 ni Stephen King ay di masyadong gumamit ng props pero nakakatakot. Gayundin ang Halloween at Beneath.
Hindi kailangang gayahin ang magarbong Thirteen Ghosts para makagawa ng pelikulang horror na talagang nakakatakot.

I agree!

Directors need not to have all those special effects just to scare their audiences. It's all in the formula that they depend on. The problem is, a lot of Filipino Directors are afraid to risk their budgets for an experimental film, which only limits them to the old formula, to which audiences have developed immunity.

I say immunity because it doesn't really affect them as much. The same formulas are repeated over and over, without the courage to mix it with other patterns to make a distinct and revolutionary film. And in a way, it is understandable too because of the idea that people don't want to think or be challenged because they are too exhausted with their own life. But, C'mon! The point of watching movies to gain education! At least, to form a common grounds for people to relate to and learn from. Like reading a novel only through motion pictures! 

Scary stories -- real ones contain true values that one can apply to his/her life. Cause, what are scary stories really about? It's about our own fears, guilt, spiritual ignorance, and weaknesses.

But few directors understands that. They think it's all for shows but it really isn't. And don't you dare tell me Japanese culture is different from the Philippines! If anything, Catholic influences are much to blame -- and the B-Movie types from the States that overused the method of scare or panggugulat

Philippines, judging from their tales of ghosts and monsters, was a violent group of tribes with macabre tales! And we're losing them because of all this adoration towards western influences! 

 

And here I am ranting like a lunatic. I'll stop here. 

 

 

 

 

 

 

 

spike_west's picture

Kakatuwa naman yungAvatar mo?

Thanks for your comment Pmel!! Gustong gusto ko ang mga Japanese Films na horror/suspense ang tema. SIla ang nagbigay ng bagong trend sa paggawa ng mga suspense/horror films. At nakiuso narin ang mga pinoy dyan (ang Feng shui, sigaw at sukob). Hindi sila kalimitang gumagamit ng special effects o kaya mga costume o prosthetics na nakakatakot. Kundiang ginagawa nila ay tipong unti unting pananakot o suspense. Yung tipong halos di ka na makahinga kasi palapit na yung multo.Saka laging may misteryo kaya kailangang panoorin mo talaga,  yun nga lang gugulatin ka na lang sa ilang mga eksena. Sa huli matutuwa ka kasi may dahilan ang mga multyong yun kung bakit sila nanankot. Nakakatakot na maganda pa ang istorya

Sa lahat ng pelikula ng Hapon ang "the Eye"at  "the ring", ang talagang nagpatakot sa akin. Hahahaha! Naparanoid ako nun!heheheh!

Salamat Pmel

Ingat

Spike

Rom's picture

o sige tanungan naman

 

 ano ang pinaka nakakatakot na horror na napanood mo? foreign man o local.

para sa akin yung Silence of the Lambs at Excorcist pa rin ilang ulit ko itong pinapanood sayang lang nawala yung original DVD ko nun... 

 

 

www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Ibang klase ngayun

Maganda nga yun kay Hannibal Lecter (yung prequel din nun maganda)

Sa akin yung "The Eye" (hindi yung Hollywood adaptation, yung orig) saka yung Saw 1 and 2, Wrong Turn din bro ayos yun.

Exorcist (yung bang kay Linda Blair), classic yun eh, yung "the exorcism of Emily Rose", ayos din yun true to life yun. Kung papaanong science and religion pinag clash.ayos yun

 

Rom's picture

Hostel 1 and 2

 

 yung wrong turn 1 and 2 maganda nga. pero mas hayop yung Hostel 1 and 2 ni Quentin Tarantino bro, mas nakakatakot kasi ang pelikula kapag alam mong pwedeng mangyari sa tunay na buhay di gaya ng mga zombie at aswang alam naman nating utot lang ng isipan yun pero nung mapanood ko ang Hostel 1 and 2 nakakapangilabot. matanda na ako pero natatakot pa din ako na pwedeng mangyari yun sa tunay na buhay.

 

 

www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Quentin. the best yun

Hanga ako dun, lalo na yung Kill Bill na ginawa nya. yung bang Hostel na sinasabi mo eh yung kay Bruce Willis, na puro pala mga halimaw at bampira ang nandun. Yung Dracula 2000 maganda rin, yung bang bampirang hindi na takot sa Krus saka sa sinag ng araw. Blade 1 and 2 maganda rin action na horror pa!!

Yung Hostel hahanapin ko yan. Yung SAW maganda yun kasi para maturuan ang ibang tao kung paano pahalagahan ang buhay (dapat mapanood ni YOLAK yun, hehehe, joke lang) saka yung Phone Booth bro maganda yung kay Colin Ferrel saka kay Keifer. Ganda nun iyun konti lang ang production nun, yun lang ang setting eh-PHONE BOOTH Lang 

Look forward nga ako sa pelikula ni Quentin, huli ko syang nakita sa Alias pa eh

Rom's picture

ay hindi

 

 pinaghalo mo yung PULP FICTION at FROM DUSK TILL DAWN. oo parehong Quentin tarantino yun pero magkaiba ang istorya. yung may bampira yun yung from dusk till dawn si George Clooney bida dun tsaka si Quentin mismo sa Pulp naman nandun din sya kasama si John Travolta Bruce Willis at isang black man na sikat din (forgot the name, basta si Samuel jackson ata e) 

Fan ako ni Quentin Tarantino. Hanapin ko nga yang phone booth. may kopya ako ng Hostel 1 and 2 gusto mo? send ko syo kaya lang malaking file ata e pwede sa yousendit.com yun hehe

ops may konti ako collection ng mga good movies pwede ako mag share kung gusto nyo hehe... 

 

www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Whahaha oo nga naalala ko na!!

Oo nga naalala ko na, napagsama ko nga (Quentin din kasi yun eh) di ko pa kasi napapanood yung Hostel pero parang naalala ko na yung preview nya. Yun ba yung sa isang Motel tapos may serial killer.Sige puntahan ko yung site na yan.

Bro di ako mapapahiya sa Phone Booth, ganda yan. Yung the Hunting din mganda (kay benefio del toro saka kay Tommy Lee Jones) ang galing din. The talented Mr. Ripley (kay Matt Damon saka kay Jude Law) ang galing, most recommended ko!! Saka yung Catch Me if you can, true to life story at ang ganda.

Bro share mo ha!! Panaoorin mo rin yung

Rom's picture

ay mali bro

 wag ka pupunta sa yousendit.com FTP site yun File Transfer Protocol meaning kung may gusto ka ipadala mamalaki files (tulad ng mga movies) dun mo padaanin. Cge hahanapin ko yang mga recommended mo.

maiba naman. napaiyak ka na ba sa panonood ng animation? ibang klase ito GRAVE OF THE FIREFLIES ni Hayao Miyazaki grabe. dramatic na animation ang ganda ng pagkakgawa. sa animation ako nagtatrabaho kaya kita ko kung gaano kagaling ginawa ito pati istorya. tungkol sa gyera at kung paano naapektuhan ang 2 magkapatid lalo na nung namatay nanay at tatay nila silang magkapatid lang sa gitna ng giyerang hapon. 

send ko sa email mo yung movies na HOSTEL ha try natin kung makakaya sa yousendit.com i compress ko lang para di mabigat. 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Whahahha!

Sorry di ko alam yun, sige nga please pakisend naman oh!!

Oo nga nakita ko nga magaling ka sa graphics design astig ah!! Di ko pa napanood yang Grave of the Fireflies, kasi puro hollywood animation na napanood ko, naruto lang ang napanood ko hehehe!! Teka pakisend na rin bro (sobra na ata yun ah, hehehe) Huling napanood ko na animation ay yung Hortons.... yung kay Dr. Seus

Teka bro meron akong indie film na napanood nun (di pa gaanong uso ang indie nun) "the slipper or the shoe ata ang title nun"from singapore ang ganda bro, medyo alam ko swak din sa iyo yun hayaan mo hahanapin ko yun.

Nanonood langkasi ako sa tambayan.com eh (alam mo ba yun) dami magagandang movies dun!

Teka kasapi ka ba ng gumagawa ng animated film na TULDOK?mukhang okay din yun eh!!

Salamat bro, aantayin ko yun

Spike

Rom's picture

uy kilala mo tuldok?

kilala mo tuldok animation?  si Jeff capili kilala ko dun direktor ng tuldok

may project sila ngayon maganda tungkol sa Filipino folklore. naaward kasi ng NCCA kay Jeff yung grant e kaya may pondo na na pang produce. hopefully makakasama ako sa mga animators na gagawa. Low budget pero labor of love din basta makagawa lang ng makabuluhan kasi sa tagal ko sa animation (16 years) puro foreign animation movie lang nagagawa ko e. time na din mag produce ng talagang atin.

cge send ko sa email mo ha tingnan ko kung makakaya 

 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

Yup

I look forward to that movie as well. Medyo alam kong maganda yun kasi nga halos lahat ng animators dun ay hindi naman nagpapabayad parang kontribusyon nila yun sa ating sining.

Wow don't tell me kasama kasa mga animators ng Disney at Pixar? Teka ano na ba ang nagawa mong animation?Kakabilib ka naman!

Rom's picture

di naman

isa ako sa mga pioneer ng Fil-Cartoons Hanna-Barbera at PASI Philippine Animation Studio Inc. sad to say nagsara na ang Fil-Cartoons na mismanage tapos napunta mga animators sa ToonCity mga disney series ang ginagawa. yung mga napapanood nyo sa Cartoon Network at Disney Channel dito gawa yun. pansinin nyo ang credits sa ending mga pangalang pinoy mostly.

may mga kasama ako na pinalad sa US nasa Pixar na finding nemo, prince of egypt, anastasia etc..etc dami na nila nagawa.

dito naman kami gumawa ng Flintstones, Captain Planet, Addams Family, Yogi bear, Scooby Doo, Lilo and Stitch at marami pang ibang series. kahit yung X-men animation dito din gawa e nakagawa ako nun.

sayang nga lang kung may local producer na willing mag shed out ng pondo para mabuhay ang animation ok sana.

Urduja? sus kung alam nyo lang ang anomalya sa likod ng production nun nakakahiya! maganda sanang simula yun ng pagbuhay sa piinoy animation kaso inuna nila pera e, sayang... 

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

spike_west's picture

ANg Galing naman

Ayos yun bro ah!! Mukhang bihasang bihasa ka talaga. Yung ibang Urduja  2D yun, kasi yung pixar mga 3d animation na yun eh!!Sana makagawa tayo na 3D na!Sabagy mahirap yun saka magastos, hindi makukuha sa drawing drawing lang!

You're the man, bro!! Keep it up, sana nga lang lalo pang makilala ang galing Pilipino pagdating sa animation.

GALING

spike_west's picture

Miss antoneli

Mahilig ka ba sa Stephen King.....alam  mo maganda yun pagbinabasa mo, kaso pag sinalin na sa pelikula, mabubuwisit ka lang eh. Ilang movies na ang napanood ko na hango sa aklat ni Stephen King, eh nainis lang ako, para lang akong nanonood ng "the Twilight Zone" , kaya simula nun di na ako nanonood ng pelikula hango sa aklat ni Stephen King.

Sa Sukob ba, eh di ko nga alam kung matatakot ba ako o matatawa pagnakikita kong natatakot si Kris (aquino) eh kasi naman pati yung reaksyon nya scripted.hahahah!!

Maganda yung "Wrong Turn"(ganda nito!), yung texas chainsaw massacre(yung latest), tapos yung SAW (1,2,3) ang galing ng nakaisip, Final Destination (1 saka yung 2, yung 3 panget eh).Yung thirteen Ghost ang ganda din nun!

Teka alam mo ba yung indie film na "the slipper" ang ganda nun ibang klase (from singapore ata yun, political ang tema nun)

Salamat

Spike

antoneli's picture

Spike, ate na lang ako...

mahilig ako kay Stephen King at nabasa ko na rin ang ilang aklat niya. Pero disagree ako na hindi maganda ang film adaptation kasi kasama rin siya sa pagbuo noon. Anyway, I respect your opinion na mas gusto mong faithful ang pelikula sa laman ng aklat.
O di ba nga nakakatawa naman talaga ang bidang babae natin sa Sukob.
Maganda nga raw ang Wrong Turn at nakalimutan kong banggitin ang mga Hapon. Magtatampo ang lolo kong Hapon(SLN). The Ring at The Grudge naman ang pinakanakakatakot sa 'kin. Saka The Locker 1 & 2. Iba naman ang kilabot na hatid sa akin ng Tomie series. Kaya ayaw ko nang manood kasi senseless para sa 'kin ang pagpatay niya rito. Di rin maintidihan kung saan siya galing.
Gusto ko rin ang Shutter Thai version. At fan din ako ni Quentin Tarantino. Kahit na mas madalas ay si Robert Rodriguez na barkada niya ang pinanonood ko. Di ako masyado sa gore e. Mas trip ko ang multo tulad ng sa Wind Chill at demonyo tulad ng sa Emily Rose at Exorcist. Ang Halloween ay di tulad ng mga slasher ngayon na sobra ang dugo, violence at reyalismo.
Pero kagabi lang ay napanood ko ang Resurrection na pinagbidahan ni Christopher Lambert. Di naman nasayang ang oras ko sa kahindik-hindik na kuwentong ito.
Noong Sabado Ghost Ship naman sa direksyon din ng gumawa ng Thirteen Ghosts ang pinanood ko. Naku, 'katakot din.
Yung The Slipper e di ko napanood pero hahanapin ko kung makakita ako.
Gusto ko mang manghingi ng download ng mga movies na wala ako na napag-usapan ninyo ni Rom ay di puwede kasi di kaya ng kapasidad ng windows ko.
Marami pa sana akong sasabihin pero nangungulit na ag asawa kong manood na raw kami ng Ghouls. Umaga, tanghali at gabi ang horror movie namin dito. He he he, joooooke!
Horror lang kasi ang gusto ng kasama ko, korni raw kasi ang ibang genre kaya sign off muna 'ko at baka kung ano pa ang masabi ko. Babay!

spike_west's picture

Hehehe

E siguro di lang magaling yung direktor kaya hindi nabigyan ng justice para sa akin yung mga film adaptation ng mga sinulat ni Stephen King

Gusto ko ring makapunta sa film festival ng mga indie films natin dyan sa atin. Yun nga lang karamihan nga medyo pink movies nga, pero kasi mabenta, kasi yung trend eh kaso puro ganun na lang eh. Yung "SERBIS" ni Brilliante Mendoza mukhang kahit medyo sex yung topic maganda ang istorya, at pinapakita ang mga mukha ng kultura at pamilyang Pilipino. Yung Foster Child din medyo touching ang istorya

Halloween H20, para kasing Scream lang, although nakakasuspense nga, yung "I still know what you did last summer"(part 2 ito) maganda yun kasi nag-iisip ka kung sino ang killer kaya maganda, and the least person na maiisip mo sya pala yung killer.

Ghost Ship napanood ko na rin yun alam kong dahil yun sa Treasure chest kaya isinumpa. Yung the Talented Mr. Ripley ang ganda nun. Devil"s Advocate the best yung kay keanu reeves. kaya nga ayaw ko ng maging lawyer, hehehe

Puro pala kayo horro, yung "the eye" japanese version ang ganda nun. Wish Master medyo nakakatakot din yun saka yung Pathology, ayos yun kakadiri!hehehe

Sige ingat lagi ate anatoneli

heheheh

Spike

antoneli's picture

Pakiabangan ang grupong katorse...mga scriptwriters na

Mga kaklase ko sa scriptwriting. Gumagawa sila ng mga pelikulang pang-festival.Yung recent fest sa Megamall na KATORSE sila 'yun. Napanood ko na 'yung isa, Ambulansiya. Nanalo na rin ito ng special award sa Quisumbing Escandor Film Fest for Health. Short film pero may impact. Grabe! Na-invite na rin sa Pusan Korea ito.
'Yung ibang gawa nila isinali sa CCP filmmaking contest.

Btw, di ako puro horror lang. Ang asawa ko, oo. Pero dahil nanonood din ako n'un,nakikisakay na rin. Lahat paborito ko. E.T, Ratatouille, King Kong (lalo na 'yung remake kahit mahaba), sa Filipino gusto ko ang mga pelikula siyempreng may screenplay ni Ricky Lee. Napanood ko rin ang Mga Munting Tinig. Gusto ko rin ang Kasal,Kasali, Kasalo at ang sequel nito. Siyempre si Lino Brocka at Ishmael Bernal at si Clodualdo Del Mundo na sumulat ng Maynila sa Mga Kuko...Sa foreign art films nariyan ang Y Tu Mama Tambien, medyo racy ng kaunti pero iba ang pag-tackle sa dalawang kabataang nakadiskubre ng kanilang mga sarili. Ang Magnolia at Amor es Perros or Love is a Bitch. Itong tatlong pelikula'y napanood ko noong nag-aaral pa lamang magsulat ng iskrip. Ngayon, nag-aaral pa rin!
Gusto ko rin ng Van Helsing at lahat ng pelikulang galing sa Marvel,DC at Dark Horse tulad ng X-Men series, Batman, Superman at Hellboy.

Ang dami ko pang gusto kaya lang hindi na kasya rito he he.

'Nga pala ito na ba ang last review mo o may kasunod pa?

Ingat ka rin, saan ka man naroon ngayon.

Babay uli

ate mae ann

and your mother too

hehehe, maganda nga subliminal message ng Y tu mama tambien.  

mga audrey hepburn movies maganda rin--(Sabrina, Roman Hoiday, My Fair Lady, Breakfast at Tiffany's, etc.)

teka parang walang me gusto sa mga musical? (oliver, pinaiyak ako nito, westside, Hairspray! hmmm)

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

antoneli's picture

Gusto ko rin ng musicals...

West Side Story, The Sound of Music, Grease, etc. Napanood ko na rin ang Roman Holiday, Breakfast At Tiffany's at Sabrina (new version) at Three Coins in the Fountain.
At fan na fan ako ng mga lumang Filipino films. Carmen Rosales at Rogelio dela Rosa ang favorite love team ko sa kanila.
Romantic films na kapapanood ko lang a month ago ay Music & Lyrics, Mamma Mia & 27 Dresses.
Mahilig din ako sa comedy. May mental block lang ngayon kaya walang maisip. Napanood ko na rin ang buong Harry Potter Series at nakapagbasa ng Prisoner of Azkaban at the Goblet of Fire.

Haay, nakakaadik ang pelikula at aklat. Kaya among the 5 senses mata ang pinakapaborito ko, sunod na ang pandama dahil sa pagsusulat tapos ang panlasa dahil mahilig akong kumain.

movie addict

hahaa na-inlove ako sa mama mia at sa 27 dresses!!!!

napanood mo na din ba ang gone with the wind at casablanca at for all eternity

saka iyong a love affair to remember (na-feature sa sleepless in seattle)

ay ate loves ko din talaga ang mga old movies tama ka- ganda nga ng tambalang rogelio dela rosa at carmen rosales.. dagdag mo pa sina tita duran at pancho magalona...... at si luis gonzales at gloria romero! at ang walang kupas na NIDA BLANCA (+) at NESTOR DE VILLA (+) .

ayan napaghahalata na..... (ipinanganak ata ako noong unang panahon kahit parang 26 pa lang ako ngayon) 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

antoneli's picture

ahead of your time ka lang he he

oo napanood ko na ang Gone With The Wind, medyo mahaba. Love Affair, napanood na pero 'yung version with Warren Beatty. Sleepless in Seattle panonoorin ko pa lang. Serendipity, oo.
Age is a state of mind naman di ba Sis. Kung 16 ka pa lang tapos feeling mo your life is over e di matanda ka na.
Btw nagreply ako sa iyo sa tanong mo kung anong site 'yung alimbukad. Nabasa mo na ba?

yup yup

salamat po ate!!! i'll treasure that! 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

antoneli's picture

anytime...talulot!

basta kaya ng panahon ko saka at kaya ko, time and talent 'ika nga, 'ala nga lang treasure he he

Rom's picture

Hi Antoneli

 if i remember right si Edgar Reyes ang sumulat ng Maynila sa mga kuko ng liwanag...my favorite film

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

antoneli's picture

Ay oo nga...salamat sa puna Rom

Pero si Clodualdo del Mundo ang gumawa ng screenplay nito hindi ba?

Rom's picture

siya nga

 

 si Clodualdo nga. umatend na rin ako ng workshop ni Ricky Lee, kaso di napili. pero nung magkatabi kami sa isang restaurant sa Malate di ako nakapagpigil humingi ako ng authograph, binigay niya email address niya at nakipag usap hehe... may kopya ako ng libro niya Moral at Brutal na may sign niya---> treasure!

 

 

www.blah-blahblogs.com

antoneli's picture

Oo nga, isang kasamba-samba rin si Sir Ricky

anong ibig mong sabihing di napili? Para sa ABS-CBN ba? Kasi kami may screening and interviews tapos nang nakapasa, saka pa lang nag-workshop ng libre.

Rom's picture

 not for ABS-CBN yun, it's

 not for ABS-CBN yun, it's way back 2000 pa ata sa Mowelfund dami namin nag apply tapos narrow down to 10 lang ata yung pinili. ok lang good experience naman para sa akin yung elimination na yun for the workshop

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

noid's picture

Cell groups?

Sinilip ko yung resume ko at 1999 ako nag-workshop kay Ricky pero sa cell group ng facilitators naming Jojo Nones and Dode Cruz. Sa Mowelfund rin kami nung time na yun nag-apply. Magkasabay yata kaming nag-apply ni antoneli at sila yung nakasama sa main group under Ricky. (Tama bang sabay tayo Mae Ann?) Wala ba cell groups nung time niyo, rom?

Rom's picture

sa Mowelfund

 

 meron kami cel groups nun natatandaan ko under ako ng grupo ni RJ nun (forgot his surname na) basta si RJ writer na noon sa TV parang sa Maalaala mo kaya siya connected. Tapos nag branch out na lang ako sa Animagination ng Mowelfund kasama ko sina Roxlee, Ricky Orellana, Fruto Corre, Raymond Red tsaka Alcazaren Brothers mga magagaling na filmaker na sila ngayon, naiwan ako hehe...

 

 

www.blah-blahblogs.com

yolak69's picture

Mowelfund???

bat parang mas maganda training dun? mga bigatin pa kasama nyo ah, ako awa ng Dyos napasama sa 1st(and actually the last) comedy writer's workshop ng ABS under Direk Joey and Direk Ipe Pelino, unfortunately sa 25 3 nalang ata may trabaho ngayon sa DOS.

Mahal ba training sa Mowelfund?

Rom's picture

di naman kamahalan

 

actually nakakalibre ako sa training dun lalo na sa animagination kasi exchange deal e magtuturo ako ng isang segment sa traditional animation in return naman makakaatend ako ng workshops. kasi di na ata masigla ang industriya ng pelikula kaya parang ganun na din ang Mowelfund. alala ko pa nakasama ko sa workshop si tetchie agbayani hehe...

sana may makuha tayo pa workshop ng writing sa mga member ng Filipinowriter.com (napaisip ako tuloy hmmm...) kontakin kaya natin si Ricky Lee baka mapakiusapan... 

 ano sa palagay nyo?

 

www.blah-blahblogs.com

antoneli's picture

ilista muna natin kung sino ang mga interesadong mag-scriptwrite

baka kasi hindi lahat ay gusto nito. Kilala ba ninyo ni Yolak, Rom si Ogie Sugatan. Mowelfund din galing 'yun at naging kaklase ko sa Katorse ni Ricky Lee. Hanggang ngayon gumagawa pa rin ng indie. Premyado nang filmmaker.

antoneli's picture

baka ibang mae ann 'yun, dino...

kasi 2002 lang ako nag-apply at hindi sa Mowelfund. Ginawa ang screening at interviews sa isang bahay cum office sa may likod lang ng SM North EDSA. Saka lahat kaming nakapasa ay si Sir Ricky mismo ang nag-workshop. Nahati kami sa Sat. and Sun. groups. Tapos noong 2003, grumadweyt kami. Simula Feb. 2002, mga ilang buwan ding abala si Sir Ricky sa workshop namin mula umaga hanggang dapithapon. At doon ito ginanap sa mismong bahay niya sa Xavierville.
Sa pagkakaalam ko kami ang huling batch na tinuruan niya nang libre.

noid's picture

A ibang Mae Ann ka pala. :)

A ibang Mae Ann ka pala. :) What do you do ba, if you don't mind me asking? :)

antoneli's picture

i don't mind at all...sa customer service ako

ng isang call center catering to local clients. Matagal ko nang hilig ang pagsusulat. Nguni't pinili ko ang mag-Psychology kaysa sa MassCom dahil marami akong tanong noon na akala ko'y masasagot ng kursong iyon.
Bata pa lang din ay mahilig na akong magbasa at manood ng mga pelikula sa TV, betamax man o sine. Nguni't nakapagsulat lang akong muli nang solo parent na ako. Doon ako nakapag-workshop kay Ricky Lee, sumali sa palihan ng LIRA at naging mananakbo (long distance).

Ailem23's picture

makiki-comment ulit

parang ang sarap talagang pag-usapan ang pelikula...

para kay mr. rom, sir, ako nung napanood ko iyong Exorcist, kinilabutan din ako... marami pang ibang horror films na maganda na korean at japanese.. masarap panoorin kahit hirap intindihin kasi natural pag-arte ng mga gumaganap..

Sa usapin ng shake, rattle and roll.... oo kuya spike, napanood ko siya lahat kasi noong high school ako eh palaging may movie na pinapalabas pag hapon sa ABS...madalas ung shake rattle and roll.. tsaka  mahilig talaga akong manood ng horror... 

antoneli's picture

Hi melanie...

mukha ngang mahilig kang manood ng horror pero totoo ba ang mga kuwento mong nakakakita ka ng multo tulad na lang noong nagpa-autograph ka sa paborito mong romance novelist sa isang mall sa Batangas na kung saan may nakita ka kamong multo at tila ikaw lang ang nakakita?
Binasa ko kasi ang kuwento mo at kinilabutan ako kasi parang totoo. Kung sakali ngayon pa lang ako makakakilala ng taong may third eye.