PORNOGRAPHY BARGAIN SA BANGKETA?!
Gaano na ba kalawak ang isipan ng tao? Maging ang mga bagay na kamunduhan ay ikinakalat sa lahat ng panig ng mundo? Lalong tumindi ang pag-usbong ng "Pornography" ng malikha ang Internet. Kahit sino maaaring makapanuod at makakita. Hindi na kailangan ang pagre-rate ng MTRCB sa mga "palabas", di na rin mahalaga kung pang rated-B o pang general patronage. I-type lang ang ilang letra sa internet presto! See all you can!
Minsan nga nang pumunta ako sa palengke katapat ng elementary school. Kabi-kabila ang bentahan ng pirated cd at dvd. At lantarang binebenta ang mga porno videos sa bangketa! At take note, “bargain” lahat. Kung makapagtinda parang sibuyas lang na sampum piso isang tumpok kung ibenta . At ang masaklap pa, mga bata ang pinatitinda. Halos makita na ng mga inosenteng bata ang buong kabuuan ng Human’s Anatomy at nakaprint din kung anong ginagawang mga taong gumgawa ng "milagro". Nakakalungkot isipin na ang mga batang nakakakita nito ay tila isang katuwaan para sa kanila. Imbes tuloy na mamulat sila sa mga magagandang katangian namumulat na agad sila sa mga makamundong imahinasyon. Nasaan ang mga magulang ng mga batang ito? Na dapat sana’y gagabay at sasaway sa kanila? At mga nakatatanda na magsasabi sana ng mga dapat at di-dapat nilang gawin? Nasaan na kaya ang mga taong naturingan na may malawak na pang-unawa kesa sa mga paslit? At dahil sa lawak ng pag-iisip hindi na napansin ang mga inosenteng bata na makakakita nito na imbes na ang iniisip nila ay nauukol sa pag-aaral, paglalaro kasama ng mga kaibigang bata at kung anong pangarap nila paglaki. Hindi sila dapat madamay sa masasamang pag-iisip.
Nakakalungkot din ang katotohanan na balewala na lang ito sa mga tao. Ang katwiran nila makabago na ang panahon ngayon dapat maki-uso ka. Hindi lahat ng uso ay dapat sundin. Kung ang uso ay karumal-dumal na sa paningin ng lipunan lalo na sa paningin ng Diyos. Nawawalan na ng halaga ang moralidad ng tao kapag nakasisira na ito sa lahat. At ang pornography ay walang magandang naidudulot sa mga tao lalo na sa mga mata ng bata. Sinisira nito ang pag-iisip ng kahit sino literally and figuratively.


