posible kaya?
Posible Kaya?
by : probinsyana
Posible kayang maging tayo?
Dahil sa una pa lamang
Prinangka mo na agad ako
Maaari bang ako na lang?
Paniniwalaan mo ba 'ko?
Kung palaging akala mo lang
Biro lang ang lahat ng ito?
Seryoso 'ko,'di ito bola.
Kung pepwede lang na akin ka
Hindi na 'ko nalulungkot pa
Subalit 'di ako madamot
Mahal ka nya,kaya sa kanya ka.
Tulad ng sinabi ko sa'yo
Sa aki'y para kang 'sang bisyo
Hinahanap-hanap kung minsan,
Nakakabaliw pag 'di natikaman.
Pero anong magagawa ko....
Masakit para sa akin 'to
Lahat ng ito'y biro lang sa''yo
Sobrang nasasaktan mo na ako.
Hindi kita masisisi
Dahil kasalanan ko rin naman eh!
Hinayaan kong mahulog ako sa'yo
Wala kang kasalanan,ginusto ko 'to.
Sa huling linya ng aking tula,
Sana'y tumigil na rin ang luha
Patuloy kitang mamahalin
Isa ka nang bisyo para sa'kin.
tanx..
salamt sa comment journeyman...mahal na mahal ko talaga sya..and kami na ngayon..i'm happy but not totally..1month contract..its hurt dba?



Wag kasing mabisyo!
Hayaan mong
Kanyang pag-ibig ay yumabong
Sa tamang pagkakataon at panahon.
Wag mong ipilit
Kahit ito sa iyo’y masakit
Kesa sa huli ika’y magkapunit-punit.
Ang pag-ibig man
Pagka hindi totohanan
Makabubuti pang wala na lang.
Lahat ng bisyo
Makakasama sa katawan mo
Kaya habang maaga’y layuan mo.
(Puwera na lang pag ako ang naging bisyo mo, hehehe!)
"Ako'y maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay..."