Prologue ng Experiment ni Luca

Luca's picture
| |

Prologue:

Alam mo, ngayong na-convince ko na ang sarili kong magsulat ng nobela, na-realize kong sobrang dali palang mahulog sa trap ng isang Tagalog Romance.

Oo, hindi cool magbasa ng Tagalog Romance. The only thing worse than that is probably to write one. No offense sa mga taong nagsusulat ng Tagalog Romance. Alam naman nating may niche para diyan (sa tabi ng counter sa Mercury). O hindi sa akin galing ang reference na 'yan. Galing siya sa kaibigan kong writer talaga. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako sobrang naniniwala sa kanya. After all, malamang sa malamang ay sa Mercury din naman ang kahihinatnan ng sinusulat kong ito, so who am I to judge?

Fine, ang kuwentong ito ay tungkol din sa pag-ibig--no, actually, tungkol siya sa romance. At sinulat ko siya mostly sa Tagalog, so technically, Tagalog Romance nga siya. (O, nakita mo na ba kung gaano kadali mahulog sa trap ng Tagalog Romance?) Pero bear with me, kasi di gaya ng isang Tagalog Romance, hindi kathang-isip 'to. Siyempre, ang mga pangalan, lugar at iba pang details ay pinalitan, para na rin sa kapakanan ng mga taong involved na may social life na ayaw humantong ang buhay nila sa mga pahina ng booklet sa may counter ng Mercury. At para na rin masabi na kahit papano, meron namang naging creative input ang nagsulat nito.

Bukod sa pagiging romantic, ang bida ng kuwento natin ay bakla. (Yes, meron siyang gano'ng twist.) Kung bakla ka, I'm sorry pero wala masyadong sex sa librong ito. (Tawagin mo na'kong judgmental, pero aminin natin, marami naman talagang GayLit na puno ng sex, may niche din 'yun.) Kung straight ka naman, I'm sure makakarelate ka pa rin dito, kasi kung hindi, hindi mo naman 'to babasahin. Kung hindi ka pa rin convinced then i-consider mo 'to:

Alam mo bang sa isang survey ng mga Filipino movie-goers (hindi included ang mga bumibili ng pirated na DVD), natagpuan na 36.2% ng mga nanood ng pelikulang A Very Special Love ay either homosexual or nagkaroon ng homosexual experience at some point prior to seeing the movie.

Shocking?!

'Wag kang mag-alala, inimbento ko lang 'yun. Pero effective di'ba? Kung ang mga bakla kinikilig manood ng heterosexual na love story, 'wag kang umarte. Talu-talo na tayong lahat.

Nevertheless, gusto kong maging sensitive sa feelings mo. Ngayon pa lang, gusto ko nang sabihing may mga mababasa ka dito na parang hindi naman nangyayari sa totoong buhay. Pero promise, ganung-ganon talaga ang pagkakakwento sa'kin ng friend ko. Kung may idi-dispute ka, go! Hindi kita pipigilan. Sinubukan ko na 'yon pero hindi nagwork. Pinaninindigan talaga ng friend ko na totoo ang mga nangyari kaya nag-give up na 'ko.

Gaya ng sabi ko kanina, ang kuwentong ito ay hindi tungkol sa pag-ibig. PERO, ang kuwentong ito ay tungkol sa Romance. Ngayon, kung hindi mo alam yung difference, hingin natin ang tulong ni Woody Allen sa pelikulang sinulat niya, ang Vicky Christina Barcelona, sabi ni manong,

"Only unfulfilled love can be romantic."

So, kung love story ito, sa happy ending tayo magtatapos. Pero dahil romance ito, wala siyang katapusan.

Dahil lahat ng romance, nagwawakas sa simula...

 

Doni Cifra

Luca's picture

friends..

ito yung prologue nung project kong libro. at sa totoo lang, ito yung tone na gusto kong gamitin.

 

i know medyo magkaiba sila ng tono nung chapter one pero may significance yun sa kwento. BTW, post ko na yung revision ko.

 

since wala akong budget gumetch ng editor, katayin nyo na siya okay... please?

 

thanks! 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

wickedmouth's picture

pocketbooks

 I think yung niche na tinutukoy mo ay ang Precious Hearts Romance na laging may dedicated shelf... Haha

 

Looking forward to this, seriously. Basagin mo ang misconceptions sa mga bakla hehehehehehehehe

 

Luca's picture

salamat...

hindi ko naman goal mabasag ng stereotype. gusto ko lang magchismis.

 

maraming salamat sa enthusiasm... nako kailangan ko tong gawin 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Yiennarda's picture

Rampa na lolla

Kaya pala punong puno ako ng romance... wehehe!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

hehehe

oo parepareho tayong hopeless... 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Yiennarda's picture

Di naman

Habang may puso (n)... may pag-asa.. haha       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

heheheh

tama... 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Jepipoy's picture

Katayin na nga...

 Joke lang ang pangagatay hindi ako marunong 'nun. Ang galing galing mong mag sulat Luca,gusto mo pondohan ko ang pagpapaedit, jowk lang! 

 Kabang abang ito para sakin... *galeng!*

"Kung makati, try mong kamutin...There you go, sarap ng feeling, right?"

Luca's picture

hehe

pangalawang offer ka nang magfinance.

makapal ang mukha ko, hindi ako tumatanggi sa libreng pera. :)

nakakaflatter. :) tulungan niyang maging bestseller ito. hahaha... 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

game na yan

in fairness, pinanood ko ang A Very Special Love sa sine, very rare, dahil 1) hindi ako nanunood sa sine dahil cheap-ass pirate queen ako, 2) hindi ako masyadong nanunood ng talgalog films.

asan na ang first chapter mo? ^_^

 

Luca's picture

Mavicity..