public apology (dahil sa PAG BABAE NGA NAMAN entry)
Dahil sa nagdulot ng hindi maganda ang huli kong akda, ako ay lubos na nalulungkot at humihingi ng tawad sa lahat - lalo na kay Sinta.
Hindi ko po ninais na manghusga o makasakit ng sinuman, ngunit dahil nga sa mali ang mensaheng naparating ko sa aking pagsusulat, binura ko na ang huli kong akda nang sa gayon ay hindi na lumala ang bangayang naganap.
Muli, taos-puso akong humihingi ng tawad.
...
Wala namang naging problema sa topic ng blog mo, 'yung parte na sinabi mong naiinis ka kamo 'pag nakakakita ka ng magandang babae na ang ka relasyon ay lesbian, wala namang problema d'un, eh sa naiinis ka, 'yun ang nararamdaman mo, wala na t'yong magagawa pa d'un. Nakaka offend lang 'yung komento ni AMT (?), lalo na 'yung sinabi n'ya 'yung word na "NAKAKADIRI", napaka judgmental ng mga salitang ginamit n'ya na parang sinang-ayunan mo din sa sagot mo na, "oo nga... sayang sila etc etc etc..."
Ayokong nakikipagtalo, 'yang bagay na 'yan ang pinagkakaiwas iwasan ko dito sa FW, pero 'yung mga ganyang bagay ang hindi ko kayang palagpasin.
Sana hindi mo binura 'yung post mo, hinihintay ko kasi ang magiging sagot ni AMT(?) sa komento ko, hindi ko rin nabasa ang sinagot mo, at hindi ako nakikipagbangayan, gusto ko lang i-klaro ang punto ko.
Ang babae, hinaharap ang mga konsekwensiya ng isang bagay na ginawa n'ya at nagawa n'ya, aksidente man o sinasadya. Hindi tinatakasan, hindi tinatalikuran.
Naniniwala pa din ako sa kakayahan mo, hindi lang siguro nagtutugma ang pananaw natin sa mga bagay na ganito.
Kung maaari, nais ko sanang malaman ang isinagot ni AMT(?) sa komento ko, gusto ko lang malaman, hindi para makipagbangayan o makipagtalo o makipag away. Gusto ko lang talagang malamn. Sana paki PM mo sa akin, kung p'wede lang.
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/
Hindi ko alam.
Nung mabasa ko kasi yung reply niya at reply mo, naisip ko na hindi na maganda lalo kung magpapatuloy pa. Kaya binura ko na.
Sorry ulit.
http://forcedengineer.wordpress.com
gusto ko ring malaman ang
gusto ko ring malaman ang naging takbo ng thread nito....pakiusap!
Hindi ko na rin alam
Hi
Its just an opinion lang naman..bakit kayo maapektohan? Ginawa ba ni lord ang lesbian at babae para mag-asawa? kasal-anan un sa batas ni Lord di ba?
...kung un ang tingin ko sa mga lesbian....eh anu ngaun...iba iba ang pananaw ng tao d ba?
hindi ko nabasa ung comment mo,,,
AMT
@AMT kasalanan din ang manghusga ng kapwa. walang sinabi ang diyos sa bibliya na bawal ang bakla at lesbian. kasi nga hindi porke iba ang sexual preference mo makasalanan ka na. kung tutuusin mas makasalanan ang mga taong straight ang sexual preference pero mas matindi pa sa korte suprema kung manghusga ng tao.
ano ba ang karapatan mong manghusga? diyos ka ba?
oo nga't opinyon mo yan pero dapat isipin mo kung nakakasakit ba o hindi ang opinyon mo. hindi excuse ang sabihing "opinyon ko ito" kasi kapag itinago mo lang sa sarili mo ang opinyon mo at hindi mo ibinuyangyang sa buong mundo ng internet--malamang walang masasaktan, pero kung mag decide ka ipangalandakan ito (gaya ng ginagawa mo) dapat marunong kang humawak ng responsibilidad.
tandaan mo, walang iniutos ang diyos na manghusga ka ng kapwa kaya't wag mong isasangkalan na ayaw ng diyos sa mga lesbian--kelan ka pa naging secretary ni Lord at alam mo ang iniisip niya?
pustahan mas matitino pa ang mga lesbians kesa sa iyo..
hiyang hiya ako sa iyo.
hiyang hiya ako sa iyo. napakarelihiyosa mo pa lang babae.
bakit ako naapektuhan?
bakit ako naapektuhan? simple lang, dahil lesbian ako. pero gayun pa man, taas noo kong masasabi sa mundo na buong buo angpagkababae ko.
at 'yung mga naapektuhan kahit na straight sila, alam mo kung bakit sila naapektuhan? dahil alam nila ang salitang KONSIDERASYON at RESPETO. ikaw, alam mo ba 'yon?
hinay hinay sa panghuhusga at pagsasalita, hindi lahat ng tao kayang tiisin ang kakitiran mo.








sayang...
sayang...
hindi ko nalaman ang naging sanhi kung bakit mo binura ang ang iyong blog...
ayos lang naman yon ah...
siguro may konting hindi nagustuhan,,
anyway...
God bless...
post ka pa ng marami...
....itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!