tagani sa bukid kong kabaong
Submitted by alambre on May 12, 2007 - 4:46pm.
Filipino | Poetry | brain death and hatred.
tag-ani sa bukid kong kabaong
masayang magsasaka
hanggang tuhod ang maong
sa lugmok ng putikan
hita'y nakabaon
ang ani ay guni-guning
salad-agad iba't-ibang hugis-kislap
kulay ng kaong ay! kaysarap!
(at kay linis at banal na simoy)
amoy bagoong
na bulok at walang paglagyan
nagpumilit sumiksik sa ilong
ng torong Islaw aw! magaslaw!
(at nagamok ang kalabaw)
sungay bumaon
sa ugok na bunbunan
ng damuhong among
masayang magsasaka
(na may huling hiningang mura)
"tangina! sa bukid kong kabaong!".
alambre
» login to post comments | 1451 reads

