Puso by Danton Remoto

ophalyn grace f. venezuela's picture
 
1.
 
Ang puso
ay nagkakalamat
pero di nababasag
nang tuluyan.
 
Sa mga lamat
iyong masisilip
ang talim
ng pag-iisa.
 
2.
 
Ang bawa't hapdi ay
iyong itago,
tila mga liham
na nakasilid.
 
Ang bawa't hapdi
ay tumutubo,
tila bagong balat
sa paligid ng iyong puso.
 
Hanggang ika'y tumigas,
maging sinlamig ng bato.
at may darating na namang
bagong puso.
 
 
Reaction: Sa tulang ito, isang mensahe tungkol sa pag-ibig marahil ang ipinahihiwatig nito. Na kung saan hindi puro kasiyahan ang dulot nito kundi mga hinanakit at kahirapan ang dulot din nito. Maraming tao ngayon ang nagiging open-minded tungkol sa bagay na ito. ISang ring realidad sa ating lipunan ang nais iparating nito.