Pusong Ligaw
Hindi ko maitatwa, hindi ko makuha,
Bakit nangyari ang ganoong eksena.
Natulog akong may ibang iniisip at ginagawa,
Ngunit bakit ganon, pumasok ka sa isip ko nang bigla.
Iniisip kong mabuti, ano kaya ang nagbabadya,
Hindi lang dalawang beses inisip na kumustahin ka,
Napapikit na lang ako at nagdasal ng bahagya,
Na sanay nasa maayos at nasa mabuti ka.
Tinanong ko ang aking sarili, hindi pa nga ba nakalimot
Bakit ganoon, ako'y tumagilid at nagkumot,
Nakaramdam ako ng pag-alala at takot,
Na parang bulaklak na unti-unting nawawalan ng talulot.
Mahigit apat na taon na tayong kanya-kanya,
May mga sarili nang responsibilidad at pamilya,
Subalit ang lambot ng kamay mo, at init ng iyong presensya,
Ramdam ko pa rin, sa panaginip ko kanina.
Naalala ko pa, lambing mo sa akin sa panahong nagdaan,
Ipagluluto at tinatawagan, upang ika'y saluhan,
Ang sarap mong magluto ng isda at beef caldereta,
Kuwentuhan at tawanan, ayoko nang matapos pa.
O Diyos ko, tulungan Niyo ako,
Kung may natitira pang kasinungalingan at motibo,
Pakawalan na siya, sa Puso kung nakatago,
Sapagkat alam kong hindi ito magandang signo(s).
salamat sa suhestiyon
mas ok kung gumawa ka ng sarili mo
hahaha
nakakatawa kayong dalawa... okay ah, di ba bad yang tula mo? ahihihi... joke... peace po...
v
my soulmate is worth the wait..
:) @ ellise
di ba bad yang tula mo? ahihihi... joke... peace po...
v
bakit ka natatakot. honesty is the best policy sabi ng gasgas na linyang ito...
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
inspirado wrote: mas
mas ok kung gumawa ka ng sarili mo
*sana binalot mo ng dyaryo at isinilid sa kahon ng walang makapansin dito.ahihihi
*ay sowi...ito pala ang inaaantay mo na komento- "ganda ng tula mo, sarap basahin ...anong sinabi ng mga gawa ni Nicholas Pichay, Cirilio Bautista, Ma. Luisa Igloria, Isagani Cruz..."
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
ikaw na naman?
hihi. nirerespeto ko po kayo kung sino man kayo. (lalo na kung teacher kayo)
:) pasensya na kung medyo pikon ako. iniisip ko kasi, nang-aasar lang kayo, pero i realized, you really want the best lagi.
malamang may mali na naman sa reply ko na ito, at pasensya na, uunahan ko na. :)
salamat po sa oras na ibinibigay niyo sa akin.





:)
napansin ko lang mahilig ka masyado sa comma... masmaganda ito gawing flash-fiction dahil emo sya.
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
http://dyeppri.wordpress.com/