Pusoy

| |

Sa unang latag ng mga baraha,

Dalawang alas ang nakuha

Ayos na ang buto-buto!

Bumilis ang tibok ng puso

Pilit na pinipigil ang  pagngiti

Pilit na itinatago ang damdamin

Dahil baka mabitin

Nagsimulang pumusta

Mababa lang sa una

May nag"fold" agad at nag"call" naman ang iba

Tamang tama, makakabawi din

Nang ilabas ang tatlo pang baraha

dos, dos at ang reyna

"Two pair" na, pwede na

Pumusta ang kalaban ng malaki

Hah! Bluff lang yan, "call" ako

Mukhang seryoso pero sa isip nakangisi

Nagfold na rin ang iba

Dalawa na lang sila

Sa sunod na ikot isang alas pa

Whoohooo! All in na!

Dalawang katok muna, hehehe

Pumusta ulit ang kalaban niya

"Raise na" 'to!

Nag "call" naman si isa

Ano kayang baraha niya?

Pero "full house" na to

"All in" na kung "all in"

Ipupusta pa pati kaluluwa

"Call" pa din yung isa

Lumabas ang huling baraha

Isa pang singkong puso

Pero wala na yung kwenta

Naka-"all in na siya pati ang kalaban niya

"Moment of Truth" na!

Tumayo na siya di mapigil ang damdamin

Ipinakita ang baraha niya

"Full House" nga

Tatlong alas at dalawang dos

Tiningnan niya ang kalaban niya

Nakangisi lang ito sa kanya

Paglapag ng baraha dalawang dos

Putangina! "Four-o'-a-kind!"

Natalo pa.

Kamot na lang ng ulo ang nagawa niya.

Sayang lang ang pera niya.

baho-d-ligo

rose's picture

Napakagandang kwento !

Wow napakagdang kwento KAPUPULUTAN MO NG ARAL. HA HA HA HA. anyway BAHO pwede mo ba ako maturuan mag PUSOY kasi Tong Its lang alam ko, lucky nine, puso'y dos, pekwa, unggoy unggoyan, fourty one.

P.S. wait marunong din pala ako mag solitair!

Galing mo masyadong makadagdagdamdamin ang iyong kwento.

just keep on posting lang sigurado maraming magandang bagay matutunan ang mga mambabasa saiyo. he he he he he.

Hindi ko pa rin alam ang SAGOT SA TANONG MO! he he he ibang tanong nalang pwede!????

Wink 

Salamat!

Salamat naman at nagustuhan mo yung ginawa ko. hehehe.

bale POKer yun e, hindi ko kasi alam yung tagalog dun, pero parang pusoy din yun, parang pusoy dos din. hehehe.

Unang post ko yun e, kaya masaya din ako..

Hayaan mo at gagawa pa din ako ng madami pang post, magsisimula na akong mangamoy. hehehe..Laughing

 

 

 

I used to be indecisive, now I'm not sure

dyeppri's picture

poetry?

Maganda ang pagkakaareglo mo at pagkakapaliwanag ng sugal pati damdamin ng manglalaro baho ay natumbok mo. Naalala ko noong panahong nasa high-school pa ako at nagka-cutting class para makapaglaro ng pusoy dos. Jakpat ka sa paglalarawan sa pusoy.

Konting komento lang po para sa tula (comment part ito at hindi appreciation part: Tulad ng nasabi ko maganda ang paglaarawan at makulay ang litanya ng mga salita. May emosyon at natutumbok ang mensahe... (I repeat) natutumbok talaga at parang sinasampal ang bawat sinasabi nito.Kaya lang ayon sa depinisyon ng tula ito ay isang akda na may malawak na kahulugan at may roong mensaheng ikinukubli ang bawat kataga. Hindi agad nito ipinakikita ang saloobin ng may akda bagkus talagang ginawa ito para pag-isipin ang mambabasa nito. Kailangan mo munang namnamin ang kabuuan bago mo tuluyang malasahan ang putahe nito. Kailangang pag-aralan kung sino, papano ginawa, at anong emosyon ng gumawa upang tunay na maramdaman mo ang mithiin ng may akda.

Yun lang po ang sa akin. Salamat.Cool

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

spike_west's picture

ISA LAMANG KOMENTO SA IYO DYEPPRI

Naniniwala ako na ang tula ay isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at saloobin sa pamamagitan ng sukat, tugma, tayutay, o paglalarawan ng mga pangungusap. Kumbaga para isa itong ART na may iba iba ding klase. Maaari ang sinasabi mo ay kumbaga sa art ay ABSTRACT na kung saan kailangang mong pag-isipan ng gusto para makuha lang ang nais ipahatid sa tumitingin, subalit hindi lahat ng ART ay Abstract lang!!! AT hindi lahat ng tao ay nakakaunawa ng ganitong uri ng art.  Kaya tulad din sa tula, hindi lahat ng tula ay may ikinukubli sa kanilang mga letra. Minsan sa pamamagitan lang ng mga payak o bunyag ng kaisipan nito mas lalo mong nadadama ang kahulugan ng damdamin ng sumulat.

Minsan may mga mambabasa na mas nagugustuhan ang hayag na kaisipan kesa mag-isip pa na kung tagal tagal para lang makuha yung nakatagong pakahulugan.

Isa pa, ang balagtasan ay isang tula, subalit gumagamit sila ng direkta at walang paligoy ligoy na mga salita o mga pangungusap na walang ikukubling pakahulugan. Agad na inilalatag ang mga kaisipan ng simple at madaling intindihin para makuha agad ng mga tagapakinig. Ating tandaan na hindi lahat ng tao ay kayang umunawa ng mga malalim na salita. Minsan dahil sa hindi makitang kaisipan, nawawalan ng gana ang mambabasa o hindi nila maintidihan ang saloobin ng may akda.

Pakiwari ko Dyeppri na hindi lang sakto sa iyong panlasa ang ganitong uri ng tula, pero  nagustuhan mo rin naman ang kanyang tula yun nga lang nakulangan ka sapagkat hindi ito ang uri ng tula na gustong gusto mo. Tungkol sa depinisyon mo ng tula, parang hindi konaman  makita kung saang diksyonaryo mo nakuha yun, maaring isa lamang ito sa depinisyon ng napalawak na pakahulugan ng tula. Tandaan minsan ang taong tumitingin ng malayo ay nadadapa sapagkat di nila nakita ang napakalaking bato sa kanyang harapan.

Para sa akin ang tula ni baho di naliligo, ito ay isa sa mga"parte ng buhay"(slice of life), na kung saan sa pamamagitan ng kanyang tula naiisip mo rin yung mga panahong natatalo ka at nanalo sa laro ng buhay parang pusoy.

Ingat,

SpIkE

dyeppri's picture

poetry?!

 Poetry (from the Greek "ποίησις", poiesis, a "making" or "creating") is a form of art in which language is used for its aesthetic and evocative qualities in addition to, or in lieu of, its ostensible meaning.

Poetry often uses particular forms and conventions to expand the literal meaning of the words, or to evoke emotional or sensual responses. Devices such as assonance, alliteration, onomatopoeia and rhythm are sometimes used to achieve musical or incantatory effects. Poetry's use of ambiguity, symbolism, irony and other stylistic elements of poetic diction often leaves a poem open to multiple interpretations. Similarly, metaphor and simile create a resonance between otherwise disparate images—a layering of meanings, forming connections previously not perceived. Kindred forms of resonance may exist, between individual verses, in their patterns of rhyme or rhythm.

-----------------------

 ostensible - os·ten·si·ble [ o sténssəb'l ]adjective  Definition: seeming to be true or genuine, but open to doubt: presented as being true, or appearing to be true, but usually hiding a different motive or meaning

[Mid-18th century. Via French< medieval Latin ostensibilis< Latin ostensus, past participle of ostendere "show" < tendere "stretch, spread"]from:www.poeticwrittings.com>>artistenterpretation...encyclopediaofarts

 source:www.poeticwrittings.com>>>nationalartistinterpretation>>>encyclopediaofarts

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

spike_west's picture

Isa lamang yang depinisyon heto pa ang iba!!

Ano ang tula?

Ang tula ay anyo ng panitikan na nalilinang ang alinmang lahi sa daigdig.

Ayon kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling maipaliwanag bunga ng kawalan ng kaalaman sa pagsulat at pagbasa at kailangan munang matutunan ng mga tao upang maging malinaw at maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan. Ang mga akdang patula naman ay madaling maisaulo na maaring maipaulit sa iba hanggang sa mga susunod pang salinlahi.

Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Ayon kay Alejandro Abadilla, ang tula ay isang pagbabagong-hugis sa buhay, isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinarating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw. Sa madaling salita ang tula ay tagapaglarawan ng buhay.

Ang tula ay nagpapahayag ng diwa at damdaming inihanay sa maayos na kabuuan sa pamamagitan ng mga piling-piling salita, talinghaga at nakalilikha sa isipan ng mga larawang-diwa o imaheng maaring maiwan dito sa mahabang panahon.

Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita.

http://wiki.answers.com/Q/Ano_ang_tula

Huwag nating limitahan ang malawak na depenisyon ng tula, sabi ko nga ito'y malawak (katulad ng nabanggit mo sa una mong komento) at bawat diksyunaryo ay may ibat ibang kahulugan ng tula. Ibat iba ang mga uri ng Tula, hindi ito iisa kundi itoy iba iba. Bawat tao ay may estilo ng paggawa ng kanilang tula, ang mahalaga ay maipahayag ang kanilang naiisip, nasasaloob at nararamdaman.
Yun lamang po!!'
Peace man!!!
SpIke
dyeppri's picture

Ang tula ay anak ng aso?

(Peace daw)Asan ang away? Asan? Wala... Gulo meron...Har...Har...Har...Money mouth Maganda nga ang ganitong palitan ng kuro-kuro...natututo tayo.

Kukunin ko lang yung isang litanya mo ha (sandali po)---

Ayon kay Alejandro Abadilla, ang tula ay isang pagbabagong-hugis sa buhay, isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinarating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw. Sa madaling salita ang tula ay tagapaglarawan ng buhay. Ang tula ay nagpapahayag ng diwa at damdaming inihanay sa maayos na kabuuan sa pamamagitan ng mga "piling-piling salita, talinghaga at nakalilikha sa isipan ng mga larawang-diwa o imaheng" maaring maiwan dito sa mahabang panahon.

 pakititigan mo yung may guhit sa paliwanag mo... mabigat ang sinasabi na kapaloob ng istraktura ng tula ang talinghaga. "Talinghaga" ibig sabihin magiisip ang tao pero kung isasampal mo lahat sa mukha ng babasa ay kulang ang kabuuan ng tula.

Hindi mo pwede mapaghiwalay ang nilalaman ng tula sa istraktura nito at baka masdapat na tawagin siyang isang sanaysay. db? Yun nga ang magic ng isang tula! ang mga matatalinhagang pamamahayag nito.

Kapag ginawa mong bukas ang tula ay ano pa ang maiiwan sa babasa?! Masasabi mo na lang ay yun na ba yun! Wala na!!!

Parang ang ginawa kong title? Bakit ko ba nasabi yun? Ano daw? Ganoon? Mag-iisip ka... Magtatanong?! Hay!!!

Salamat po!

(Ang pahinang ito ay Comment ang tatak at ang pagbibigay ng komento ay hindi lamang pagpalakpak...)

Peace din Man!!! (Kung may baril lang ako binaril na kita eh..Har..HarYell)

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

spike_west's picture

Teka ang pagbati ng peace ay

Teka ang pagbati ng peace ay hindi nangangahulugan na nakikipag-away ka, itoy pagbati ng kapayapaan sa isat isa. Pag nasa simbahan ka ba pag sinabi ng pari peace be with you, kaaway ka ba ng pari?Hindi naman siguro? So wala akong ibig ipahiwatig doon. 

Tungkol nga pala sa sinabi mo, ang mga nabanggit sa aking kumento ay isang malawak na depenisyon ng isang tula. Pinagsama sama lamang ang mga kahulugan nito upang maging buo at kumpleto. Ang talinghaga ay pagbibigay ng aral sa pamamagitan ng mga halimabawa, pagtutulad o isang kwento. Paglalahad ng mababaw o simpleng  kaisipan para sa mas malalim na kaisipan. Hindi ito pagkukubli ng ideya kundi pagbibigay lamang simpleng paglalarawan para sa malalim na ideya upang itoy mas lalong maintindihan at maunawaan at maipahiwatid ang isang napakagandang aral. Ang ating Panginoon ay gumagamit ng mga talinghaga hindi upang ikubli ang aral nya kundi para mas malalong maintindihan at maunawaan ng kanyang mga alagad. Kaya iba ang talinghaga sa pagkukubli ng ideya. Magkaiba yun. 

Tungkol sa pagkakaiba ng  tula sa iba pang sining pampanitikan ay dahil sa mga elemento ng paggawa ng tula eh (basahin mo ito: http://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan

Ang tula ay may ibat ibang mga uri: may mga tulang padula (itoy hayag ang kaisipan) ang isang awit o kanta ay isang uri ng tula, hindi ba may bunyag na kaisipan din dun, Balagtasaan (hindi ba halos malinaw ang nais nyang ipahatid nito), ang isang Oda ito ang may malalim na pakahulugan at kalimitang tago ang kanyang mensahe.

Tungkol naman sa pagbibigay ng kumento, mas nakakatuwa nga kung itoy pagkrikritiko sa mga isinulat natin, kasi ito'y magbibigay sa manunulat para paunlarin pa ang kanyang kasanayan. Kaya nga tayo nagbibigay ng mga suwestyon at pagtatama eh, pero kung babaguhin ang estilo ng manunulat upang ito'y maging angkop sa panlasa ng ilang tao na  eh mas maganda sila na lang ang sumulat.

Isa pa mahirap husgahan ang isang tula kung itoy hayag o may tagong kahulugan, tanging ang manunulat ang nakakaalam (at ilang mambabasa) kaya mahirap talagang malaman ang nasasaloob ng manunulat. Magiging epektibo ka lang na manunula kung marami ang nakakaunawa ng mga sinabi mo bagamat itoy hayag o hindi. Kaya mas maigi na tanungin na lang kung ano ang gusto nilang ipahiwatig kung sakaling nasisimplehan sa tulang ginawa.

Yun lamang po!!Salamat sa iyo dyeppri, ako ay lubos na natutuwa sa iyo (whahaha, pambawi, pero totoo yun)sana magkasama tayo sa inuman.

Salamat

Spike

dyeppri's picture

Tama ka dyan Spike!

Tama ka dyan Ka Spike! (minsan tingin ko sprite kc cheeser..hik!) 

Ay hindi sa komento mo ha.... Tama ka na sa inuman na lamang. Hehehe!

Iba talaga siguro lamang ang pananaw ko sa tula. Marami din kc magagalit sa akin kung bibigay agad ako. Kelangan manindigan ka sa gawa mo pero dapat matuto ka din --- yan ang sinasabi ng mga makatang nakakainuman ko.

Salamat! Hanggang sa muli.

(Masarap ang kritisismo lalo't kakapulutan ng aral....yun langCool)

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

YAY!

Mabuti naman at dito kayo nagpalitan ng kuro-kuro...

Salamat naman kung nagustuhan ninyo yung tula ko... Kung tula nga ba talaga ito base na din sa mga depinisyon na inilatag ninyo...

Isa lang ang masasabi ko...

Ang pagsusuluat ay isang sining... na nagpapakita ng kaisipan o damdamin ng isang tao... tula man ito o prosa... May mahirap intindihin mayroon namang hindi... Pero sa huli, isa lang ang mahalaga, para sa akin nakapagpunas na ako ng dumi at magsisimula ng mangamoy....

 

 

 

 

I used to be indecisive, now I'm not sure. 

TEKA...

 

May mga itinatagong lihim din itong tula ko...

Yun ang buhay ko...

Hehehehe....

spike_west's picture

Oo nga!!

Tingin ko namang may gusto kang ipahatid dun eh, eh bukod pa sa paglalaro ng pusoy, syempre meron pang ibang pakahulugan nun. Kaya ipagpatuloy mo lang bro ang pagsusulat, at tanggapin ang bawat pagsusuri bilang isang paraan para malinang pa ang ating kakayahan. Mas magandang may pumupuna sa gawa mo, kasi kung walang pumupuna dyan ibig sabihin walang nagbabasa, o di kaya nakakatamarang basahin o di kaya wala lang talagang makomento.

Ika nga ni kasanggang dyeppri ang pagbibigay komento ay hindi lamang sa pagpalakpak. (kaya inuman na ito!!)

Ingat!!

SpiKE

rose's picture

SUGAL AT BUHAY!

Aba masyadong lumalalim ang ibig sabihin ng PUSO'Y ni baho. sege nga makapag bigay ng konti at seryosong komento . 

Para Sa Akin Masyadong Malalim at Makahulugan ang Paglalahad ng isinulat ni BAHO-DI-LIGO ito ma'y Tula, Art at kahit pa ano itawag Tama siya Marahil nga ito ay may kaugnayan sa kanyang buhay, dahil ang buhay ng tao ay parang sugal, sumusugal tayo na walang kasiguraduhan kung mananalo ba tayo o matatalo.

Minsan nandun na tayo sa point na akala natin yun na, dahil nasayo na ang alas, iniisip mo na panalo kana, tapos biglang mawawala so madidisapoint ka, mapapakamot ka ng ulo, masasabi mo sa sarili mo akala ko panalo na ako , pero natalo pa rin. Na maaring sa buhay ni baho ay maraming beses na siyang sumugal na sa una'y akala niya siya'y mananalo na sa banding huli pala siya ay natalo. 

Kung ihahambing natin sa ating buhay ang " Sugal O Puso'y " ang pagkapanalo ay ang tagumpay at ang pag katalo ay ang pagkabigo. Na sa ating buhay ay maraming mga bagay  tayong sinusubukan na hindi natin masasabi sa una kung magtatagumpay ba tayo o hindi. 

Sabi nga papano mo malalaman na magtatagumpay ka o mabibigo kung hindi ka susugal. Kaya lahat ng bagay na ating ginagawa o pinapasok ay sumusugal tayo, sumusugal tayo sa ating carrer, sumusugal tayo sa ating love life, sumusugal tayo sa  future  natin. Dahil Parte sa ating buhay ang pagsusugal. 

Kaya sa mga manunugal huwag na tayo sumugal kung ang perang natitira sa atin ay pambili nalang ng isang kilong bigas. Huwag na tayong sumugal kung sa tingin natin ay sobrang dehado tayo, at kung sumugal man tayo, na nasa atin na ang alas huwag pa rin papakasiguro na mananalo tayo. Sabi nga raw huwag muna bilangin ang itlog hanggat hindi pa ito napipisa. He he he he ang layo sa pusoy ng itlog! He he he he

 GOD BLESS PHILLIPiNES!

Cheers Kiss 

Melanie Quilla's picture

yow 'tol

 wow, astig un! ayan, na-miss ko na naman ang poetry. Sabi ng gusto ko na rin bumalik sa poetry kaso naubusan na ata ako ng skills sa poetry.. (puro poetry!) but anyway, kapatid... i like the poem.... daig ko si ate rose dahil wala akong alam sa baraha kundi ang solitaire at gamitin iyon sa panghuhula (ahumm...ahummm... madam auring?) ahahaha... kaya kj ang tawag sa akin kapag tumatanggi akong sumali sa paglalaro ng baraha. Na-gets ko ang gusto mong ipahiwatig sa tula... simple pero may meaning...

si kuya spike at kuya dyepri, lagi na lang kayo debate... hehehe... ngapala, ansabi sa akin ng aking mentor, ang tulang ito ay isang uri ng prosa. mas malapit siya sa prosa kaysa sa tula. iyon po ang opinyon ko.

best regards,

melay

dyeppri's picture

Magkampihan ba? Hehehe

Hmmm... Sige nga at pasadahan ko pa ng isa... Tingnan ko sa persepsyon ni Bb. Rosas.

Wala kasing sakto o hint na binigay ang tula na dapat-eugnay ko ito sa buong buhay ng may akda. Hindi bigyan ng diin ang life nya bagkus ay nasentro sa paglalarawan sa isang talamak na sugarol...

HMmmm... Siguro nga  o malamang pwede nga. Mali ata ako...Hehehe(Sori po! Tao lang!) "Ang buhay daw ay full of surprises... life is gambling ika nga!" Expert ka na pero may ibang stances na magugulat ka na talo ka..." Yan ba ang meaning Ka Spike... Bb. Rosas at Melay? Bakit di natin hingan ng paliwanag dito si baho. Manindigan ka nga baho at bigyan mo kami ng hint kung ano ba ang buhay ng may akda.... Sugal ba ang buhay nya? Isang padekwat-dekwat na life??? Hmmmm...."salamatCool

Ka Spike pwede mo ba isama sa inuman si baho at lasingin natin para malaman kung ano ang nasa kalooban nya... (atay, bituka et al)? Tutal ikaw naman ang taya...Tongue out

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

spike_west's picture

KAMPI AKO SA IYO DYEPP

Sa totoo lang base sa aking pagkakaunawa sa tula ni Baho d naliligo, e isa lamang itong "slice of life" ika nga, pero yung mensahe nya ay hindi malinaw. Eh  inuugnay na lang namin ito sa buhay namin pero mukhang depende na lang ata sa bumabasa ito kung ano ang pagkakaunawa nya,  sa kabuuan ay hindi ko talaga mawari kung step by step procedure ba ito ng paglalaro ng pusoy o may gustong sabihin si baho.  Eh tanging si Baho lang ang makakapagpaliwanag sa atin nyan.

Naku napahaba lang siguro ang diskusyon namin ni ka dyeppri eh dahil sa malawak na depenisyon ng tula at hindi ang tula ni baho mismo.

Eh pero baho, gawa lang ng gawa ng tula, ipagpatuloy mo ang magandang simulain, at maligo ka na pleassseeee lang bro!!!!!

 Sige maraming salamat

SpiKE

Melanie Quilla's picture

wala po akong kinakampihan

 hehehe... nakikigulo nga lang ako dito... wala ako kinakampihan tsaka di naman kampihan ang issue. hehehe. world peace, kuya dyeppri! buhay ay sugal... simple lang naman iyon... ay naku, tama ka kuya dyeppri, kastiguhin na lang kasi si baho na nakalimutan ko ang tunay na pangalan. ahaha. Siya na dapat ang magbigay linaw at depensa sa usapan na ito...

 

best regards,

melay

eloisa marie hernandez's picture

tula?

Napadaan lang ako dito. Maganda ang tula (nga ba?) pero wala akong masabi o ma-comment. Kasi hindi ako magaling gumawa no'n kaya hindi din ako marunog mag-comment. Simula't sapol. Ewan. Basta allergic ako sa paggawa ng tula. Pero nagbabasa ako.

 

rose's picture

Sa Aking Palagay!

Sa aking palagay mga bro's and bra's itong si baho eh kaya mabaho dahil kakalaro ng puso'y maghapon magdamag eh nakakalimutan ng maligo kaya nagiging mabaho.

Baho nababagay ka pala tumira dito sa middle east  kasi mga tao sa middle east " Mga Baho Hindi naliligo". he he he Peace & Jokes Baho. mwahhhhhhKiss ayan kahit Baho kay may kiss ka sakin. he he he

hayyyyyssssss wala magawa masakit na ang daliri ko kaka type dito sa keyboard ko lubog na at masakit na rin pwet ko kakaupo... hayyyyy wala ng mabasa! post pa kayo kafatid na spike, dyippri, melay, eloisa at higit sa lahat kafatid na yazzy!

Cool 

spike_west's picture

bakit may higit sa lahat........

I smell something, mukhang love is in the air......... naku mukha sya na ata ang iniintay mo Bb. Rose. Nice!!! Post ako bukas para sa iyo.

 

Ingat

SpIkE

Sige...

Ikukwento ko kung bakit naging sugal ang buhay ko.... ngayon kasi e medyo busy ang buhay ko sa call center.... siguro kapag may time na... sa ngayon ang time ko lang ay ang magcomment.

GUE!!

Maginuman tayo... lasing nga ako ngayoon e.................

Gusto nyo b tlagang malaman ang buhay ng isang taong hindi naliligo?

hahaha.. day off ko na bukas.... sige