Ra 9262

yolak69's picture

Sino mang lalake ang di pa nakakaalam nito, Goodluck!

 

Di ko alam ang lahat ng bagay pero may paki-alam ako dito dahil apekatado ako. Naniniwala ako sa pagkakapantay-pantay ng tao, at higit sa lahat naniniwala ako na dapat protektahan ng batas ang pamilya at di gumawa ng mga bagay na dapat ikasira nito.

Eto lang mga isyu ko;

1. Ito'y batas laban sa pang aabuso ng mga babae at mga anak nito.
- sandali lang, sinong pantas nagsabing babae lang ang naabuso? Oo yung sa anak pwde pa, pero sa babae? Take note, all they need to prove is that you have an established relationship, sa makatuwid, kesehodang girlfriend, kabit o asawa mo yan, yari ka.

2. The term abuse.
- Pano mo masasabing abuso na ang isang bagay? ano ang sukatan?

3. Covers emotional, physical, sexual, and financial abuse.
- Emotional, ok, sige sabihin nating may kalaguyo ako, tapos sabi ko hihiwalayan ko na sya at babalik na ko sa asawa ko. At si kabit ang ginawa ay nag-iiyak, panay txt sayo, di mo na sinasagot. Yari ka...

- Physical, ah eto medyo pwde pa.

-Sexual, lam ko covered na to sa marital rape eh.

-Financial, eh wala ka mabigay dahil sa mga utang mo?

May mga punto kung bakit ka pwde kasuhan sa anuman ang nasa taas, pero dahil sa terminong "abuso" at kahit sinong karelasyon mo ay pwde mag-habla nito, wala kang laban.

4. TPO/PPO
- Temporary or Permanent protection order, alam mo bang pwde ka nilang palayasin sa bahay mo at tanggalan ng ari-arian ng walang hearing? and take note within 24-48hours. Eto pa malabo, kahit baranggay, pwde mag-issue nito, and again, walang hearing. Where's due process?

Ilang lang to sa mga isyu na dapat isettle sa Supreme Court, buti nalang may internet, and believe it or not, meron na kaming samahan (egroup lang)- Diego Silang Movement. (The name is not to dishonor the great Diego Silang but might've been chosen so as to be a direct offensive hit to its counterpart Gabriela.)

But as they say 'the law maybe harsh, but it is the law', but not until we can raise the question of its constitutionality before the Supreme Court.

I know one was already filed to SC, I just hope that Damocles hear our plea. This is not a question of whose weaker, this is a matter of protecting our family and our ill-fated right to due process.

Personally, kaya ko pa ayusin pamilya ko, pero parang sabi ng batas, "wag na, makulong ka gago!' Just imagine the pain, the sleepless nights, di ako nagmamakaawa, pero nasasaktan din ako, pero pano ko?


baby star's picture

hello po kuya...

"AN ACT DEFINING VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN, PROVIDING FOR PROTECTIVE MEASURES FOR VICTIMS, PRESCRIBING PENALTIES THEREFORE, AND FOR OTHER PURPOSES"

 Short Title.- This Act shall be known as the "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004".

--->marahil ito pong batas na ito ay hinihingi lamang ng pagkakataon o kasalukuyang panahon (dumarami po ang pang-aabuso sa kababaihan at kabataan).

--->may kahirapan nga pong ibigay ang bawat kahulugan ng salita dahil mahirap saklawan ang bawat nasasakop nito kaya nga po binibigyan muna ng pagkakataong humarap sa husgado ang bawat isang panig at magsalita(due process).

--->kay tagal po naming inantay ang batas na ito at kay rami ng nagbuwis ng pasakit  at buhay bago ito nagawa ngunit tila hanggang ngayon naman ay kulang sa pagpapatupad.Hanggang salita lamang naman ang gobyerno. Maspakinggan naman sana ang umiiyak at may tanda ng pasakit 'di tulad sa gusto ng batas na inosente ka agad ang isipin sa nasasakdal(inosente hanggat walang sentensya).

salamat po. (kulang pa po ako sa kaalaman ngayonn gunit  handa po akong matuto...para sa bukas.)

Rom's picture

justice???

sa isang lipunang naghahangad ng tunay na pag unlad dapat sana at tunay din ang pagpapatupad ng batas, sa ra9262 malamang sa hindi makukulong sinomang lalaki sa salang di pa napapatunayan,

masamang senyales yan. galing ako sa isang mapang-aliping relasyon kagaya mo, kung saan  and dati kong asawa ay matindi kung manakit sa akin at sa mga anak ko. Hindi ako naghanap ang kung anong legalidad ng pamamaraan (magsampa ng kaso o isuplong) di ko pa alam ang mga karapatan ko dati o kung ano pa mang legal na aksyon na naaangkop sa sitwasyon ko.

pero hindi ko rin lubos-maisip kung bakit napaka one-sided ng batas ng ito (ra 9262) na siyang ginagawang tuntungan sa ngayon ng mga mapang abusong babae na nag-aastang mga feminista sa pag aakalang "api" sila.

sana ay madinig ng kataas taasang hukuman ang hinaing ng mga tinamaan ng batas na ito. 

 

 

www.blah-blahblogs.com

daimustlive's picture

hmmm... wala akong sapat na

hmmm... wala akong sapat na kaalaman sa batas, pero kapatid, sang-ayon ako sa pahayag mo. babae ako, pero sa palagay ko eh unfair nga ito sa mga kalalakihan. siguro kaya ganito kadali ang pagpaparusa sa mga hinihinalang abusadong lalaki ay dahil sa di na kailangan pa dumaan sa mahabang proseso kung magkakaroon pa ng hearing (ngunit di katanggap-tanggap na dahilan). at isang patunay kung gaano kabulok ang sistema ng hustisya sa bansa.

 

dapat pag-aralan pa nang husto ang bagay na ito.  

ang VOWC, bow

RA 9262, halos umagahan ko ito dati sa aming opisina (ngunit pinasadahan lang ito sa aming cim. law)

ang VOWC ay nilikha ng ating kongreso para sa mga kababaihan at mga anak na inaabuso. (pisikal, emosyonal, sekswal, financial at psychological, nasa sec 5 siya ng batas.) 

nasasaad dito kapag inabuso mo sa paraang nakatala sa taas ang iyong asawang babae at mga anak maaari kang makasuhan ng batas na ito.

so ang respondent o ang akusado dito ay "lalaki" (asawa at ama) (naka-qualify naman po, mapag-abusong lalaki)

kapag napatunayan ang sala, ang mga parusa po nito ay nasa sec 6.

(halos kasing bigat ng penalty ng attempted, frustrated at consummated murder ang pinakamataas na penalty nito.)

isa pang salient feature nito ang mga protection orders Secs. 8-22 (maaari itong igawad kahit habang dinirinig ang kaso)

datirati- kapag naaabuso ang mga babae at mga anak, wala silang masandigan sa revised penal code at kahit mayroon man ang civil code,hindi ito sapat upang protektahan sila.

sa pag-usbong ng mga babaeng pipi na sa pasa at bugbog, at mga anak na sobrang natotroma sa mga pang-aabuso, sumibol ang pangangailangan sa batas na ito. ito rin ay kaugnay sa rin sa advocacy ng UN against discrimination sa mga babae (nasa CEDAW po ito).

isa po itong breakthrough na akda. sa kanyang mga titik at layunin.

sa mga lalaki po (mga asawa at ama), marami silang karapatang iginawad ng civil code, lalo na sa family code (hindi ko na po iisa-isahin)

xxxx.

 sa pagtatrabaho ko sa piskalya, halos araw araw isa ito sa may  pinakamaraming sinasampa (sinusundan ang murder at rape). iba't iba ang istorya ang mga kaso hinahabla laban sa kani-kanilang mga asawa.

mayroon akong nakikitang mga babae at mga anak na takot na takot, puros pasa. mayroon ding mga babaeng mayayabang at iyong mga lalaki nakatikom ang bibig.

dahil sa sobrang delikado ang batas na ito at dahil maraming gray areas, ang boss kong piskal na babae ay masyadong partikular sa clarificatory hearings (dito pinaghaharap ang dalawang panig at tinatanong ang mga bagay na malabo sa mga 'complaint' at sa mga affidavits) bago kami gumawa ng resolusyon kung isasampa ba namin ang kaso o hindi.

may mga nagrereklamo kasi na inaabuso ang batas na ito ( in short gusto lang makahuthot) kapag ganun ang lumalabas na ebidensya, tahasang dinidismiss ang kaso. kaso paano kung walang sapat na patunay. at hindi rin sumagot ang mga 'respondents' walang magagawa ang mga piskal kundi isampa at sa husgado na lang patunayan ang totoo.

sa husgado, isa rin ito sa mga mahirap patunayan. dahil kahit sabihin natin na inilista ng batas ang mga klase ng pang-aabuso, may ilang provisions na nag-ooverlap na (me redundancy- obserbasyon po lamang).

ang masasabi ko lang, ay kailangan ng mahigpit na pag-iingat ang mga abugado sa pag-interpret ng batas na ito. maganda ang layunin nito at sana nga ay makatulong sa dapat na tulungan at hindi gawing daan naman na mang-abuso ng kapwa....

 

(sinulat ko lang po sa abot ng aking makakaya ang nilalaman ng batas. sa ganang akin, konti lamang ito. hindi pa kasi ako dalubhasa, ito lamang po ay obserbasyon sa opisina.)

 

 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

baby star's picture

Sang ayon din po ako sa batas na ito Ms talulot.

Ang isang panukala/akda po ay napakaraming proseso bago ito mailusot at tuluyang maging batas. Pinag-ukulan ito ng napakaraming panahon,isip at pera (pambayad sa nagsaliksik) bago/saka pagdedebatehan sa kongreso upang maging bill at 'di kalaunan ay maging ganap na batas. Ngunit ang batas sy likhang tao lamang kaya't hindi maiiwasan po itong may kulang o mabutasan ('di tulad ng batas ng Diyos) at magamit sa maling paraan ng mga taong may pansariling interes na nasa isip. Alam po ito ng hukom at mga abogado kaya nga ito ay dadaan muli sa mahabang proseso ng isang habla bago bigyan ng karampatang sentensya.Naniniwala pa rin po ako na may piring pa rin ang batas sa pilipinas...hindi man ito ganoon kakinis ay may sandigan pa rin tayo.Ang batas ay Batas...at siya pa rin ang dapat manaig.Tungkol naman po muli sa RA 9262 ay ginawa ito upang maging sandata ng naaapi at hindi upang mang-api.Salamat muli po.Hindi rin po ako dalubhasa dito ngunit pilit minumulat ang sarili sa mga karapatan ko bilang tao at mamamayan ng bansa ko.Kiss

ika nga,  'dura lex sed

ika nga,  'dura lex sed lex!"

dati hindi rin ako naniniwala na may piring ang batas. ngunit sa isang taon ko sa piskalya, namulat ako na mayroong hustisya at nakikipaglaban sa katotohanan. mapalad ako kasi nabigyan ako ng pagkakataong makasama ang mga tuwid na mga piskal at hindi nababayaran......

nakikita ko ang kanilang pagpupursige, nakita ko ang kanilang sinsiredad...

 

magiging mabuti kang abugado baby star pagdating ng araw........ 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

baby star's picture

opo."The Law is harsh, but it is the Law."

The Law is harsh,but it is the Law. Kung maniniwala po ang lahat na walang piring ang batas at may kinikilingan ay ano pa ang silbi nito...magulong bansa na tila isang zoo ang magiging bansa natin.Kanya-kanya at bahala na! Matira ang malakas at matibay.("magiging mabuti kang abugado baby star pagdating ng araw........ ---->sana po!sana.)Kiss

eto ibang scenario

Isa ako sa mga taong matagal na nakakaranas ng abuso sa asawa. hindi ko maiwan dahil mahal ko ang mga anak ko (o dakila akong t---a). Ayaw nila na magkahiwalay kami.

kailan lamang ay nakaranas na naman ako ng kalupitan.

ngayon lang ako naglakas loob na sumulat. Una dahil nakakahiya (isa kang lalaki na binubogbog ng babae), at pangalawa humahanap ako ng paraan kung paano maayos itong buhay ko.

ang asawa ko ay nagtuturo ng self-defense. alam na ninyo kung ano nangyayari...

ganito kami pag nag-aaway. wala akong karapatan makipagtalo. pag sumagot ako tiyak uupakan ako. pag nagdilim ang paningin sa akin black eye ang inaabot ko.

ngayon balak gamitin ang batas. sinasabi niya na ako daw ang nang-aabuso. ang mga pasa niya ay sinasabi na ako ang may sala pero sinasalag ko lang naman ang sipa at suntok niya.

ngayon natutulog ako sa sahig ng bodega. walang electric fan.  ginigising ng madaling araw pag may gusto siya. natatakot sa sarili kong bahay!

at dahil ang batas na ito ay para sa kababaihan lamang...ako bilang tao hindi pa man sinasampahan ng kaso ay NAWALAN na ng karapatan. at ang tanging kong kasalanan...IPINANGANAK AKO NA LALAKI.

"AN ACT DEFINING VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN, PROVIDING FOR PROTECTIVE MEASURES FOR VICTIMS, PRESCRIBING PENALTIES THEREFORE, AND FOR OTHER PURPOSES"

 Short Title.- This Act shall be known as the "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004".

ang batas na ito ay ginawa ng mga tao na walang kumakalaban sa kanila. mga tao na takot ang mga asawa nila sa kanila, hindi nakakaranas ng abuso. mga kumonsulta sa women's group na puro one-sided ang sinasabi. May piring nga ang hustisya...pero ang gumagawa ng batas ay WALA.

ang ABUSO ay ABUSO. Dapat hindi maranasan ng kahit sino mang tao!

yolak69's picture

hey matt

Matt,

i can see that you're new here, you probably google'd your way in seeing this one. I was imprisoned for two days just because of that freaking law. Naidaan namin sa mediation, pero ang siste, talo pa din ako, i ended up paying 16k a month for my 3 year old kid. Wala pa dun yung 54k na pyansa na naging 6K dahil sa bond.

If you have a lawyer consult one asap. If none, let me know. May mga nakilala akong lawyer having the same issues and they already filed a case sa supreme court, but again, its a long shot. You should be checking now with a lawyer. Unahan mo, kumuha ka na ng mga witness, medical cert na magpapatunay na kaw yung nabubugbog. 

email me - yolak69@yahoo.com or karlo@pcmall.com 

 

 

 

laman ng sabaw na utak - www.timangblag.blogspot.com

anakngfaraon's picture

nasa ibang lugar kami, pero share ko na din

 

grabe, madami rin palang lalaki ang naabuso.  may kaibigan akong lalaki na ganyan ang kalagayan - inaabuso ng asawa niya - physical, verbal, & psychological.  ang laking tao ng kaibigan ko pero takot siya.  the last time na sinaktan siya (itong tuesday ata), yung babae pa ang nagtakbo sa sarili niya sa ER, nervous breakdown kuno.  sabi ko sa kaibigan ko baka biglang baligtarin ng asawa niya ang mga pangyayari kaya mag-iingat siya. 

 

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

yolak69's picture

any moment, pwde syang

any moment, pwde syang baliktarin ng asawa nya. in this law, you can be kicked out of your own house if your wife/gf o kabit files for a barangay protection, this is ex parte, or without being heard. So where's due process? I don't know.

 

laman ng sabaw na utak - www.timangblag.blogspot.com

repeal RA 9262 - www.diegosilangmovement.blogspot.com