recitation fil2(poldong manunulat)

Ang maikling kuwento “Poldong Manunulat” ay isang magandang kuwento na sumasalamin sa tunay na nangyayari sa ating lipunan.  Tulad ng tungkol sa maling gawain ng mga pulitiko.  Ginagamit nila ang ibang tao, lalo na ang mga mahihirap, para lang sa kanilang pansariling kapakanan.  Masasalamin rin dito ang tunay na kalagayan ng ibang pamilya kung saan sila ay halos wala ng makain at maipangtustos sa pang-araw-araw na buhay.  Katulad ito ng naging kalagayan ng pamilya ni Poldo na halos wala ng maipangtustos sa pag-aaral ng mga anak pati na rin ang pangbabayad ng mga gastusin sa bahay tulad ng kuryente at tubig kasama na rin ang kanilang mga utang.  Kung aking iisipin ay mapalad pa ako dahil kahit mahirap ang buhay ngayon ay nakakaahon pa rin kami ng aking pamilya sa araw-araw.

 

Si Poldo sa kuwento ay katulad ng ibang tao na mahilig nga sumulat ngunit hindi naman gusto ng mambabasa ang kaniyang sinulat.  Ayaw niyang isulat ang mga bagay na gustong basahin ng mga tao.  Kung ating susundin ang proseso sa pagsusulat, hindi siya makapili ng magandang paksa na kanyang susulatin.  Ang pinipili niyang isulat ay ang paksang siya lamang ang interesado.  Dapat niyang malaman ang kailangang  isaalang-alang sa pagpili ng isang magandang paksa.
   
    Maribelle M. de Ocampo
    A06B09
    Prof. Alarde