regarding norman wilwayco and "gerilya"
una sa lahat, isang palanca winner si norman wilwayco.
pangalawa, ang ganda ng isinulat niyang nobela, "gerilya."
pangatlo, nakakalungkot.
nakakalungkot, dahil dito ko nakita kung gaano kahirap maging isang manunulat sa isang bansang hindi nagbibigay ng kahalagahan sa mga taong piniling magsulat para sa kanilang hanapbuhay. kung manunulat ka sa pilipinas, kelangan mo pa ng ibang trabaho. pero mas nakakalungkot ang sitwasyon ng nobela ni norman wilwayco.
sa bookay.multiply.com, pwedeng i-download for free ang "gerilya," at may option din naman na mag-pre-order ka. kelangan ng at least 200 orders para maipa-publish ang nobela at ang mga pangalan ng first 100 (kung tama ang natatandaan ko) na mag-order ay maisasama yata sa mga pahina ng na-publish na libro.
mga tatlong buwan na rin hinihintay maabot ang 200 na limit, pero si ginoong wilwayco na rin ang nagsabi, 20 pa lang ang nag-oorder.
kaya kung sino man sa inyo ang naghahanap ng isang manunulat na dapat subaybayan at tularan, sana tumulong kayo at umorder.
suportahan natin si norman wilwayco. :D
teka...
Jluna,
umorder na ko sa bookay online, kaso 'di ko yata alam ang halaga ng aklat.
hahaha!
magkano ba?
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
P185
P185 bucks...Mas mura sa libro ni Bob Ong ng 'di hamak at mas significant ang nilalaman.
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
walang anuman pare
kelangan suportahan ang totoong mga mahuhusay na manunulat.
This is where prayers come in handy ...
In spirit. :)
amen
nuff said
Joseph....
Salamat ha, ininform ko siya tungkol sa article na ito.
sana ay bumisita ka rin sa http://www.absurdrepublic.blogspot.com
Sana, hindi lang sa multiply ka dumalaw, sana dumaan ka rin minsan sa store.
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
bok baka diswikend...
daan ako ng bookay, bago bumalik sa far out place ko. nagchat kami ni chris kanina sa facebook, kuha na ako ng kopya ng Ang Gerilya. tang-ina, ganyan din ang buhay ko bilang isang manunulat. bili din kayo ng buk ko pag gumawa ako after 50 years. buhay pa kaya ako nun?
sapul!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
walang anuman
at kelangan ko talaga makapunta sa store niyo kasi dun ako magbabayad. :D
kasi siguro naglabas ng
kasi siguro naglabas ng libreng kopya kaya iyon ang kinagat ng mga tao. isa na ako dun - last year dinownload ko, pero di ko pa rin tapos basahin.
pero nung umuwi ako nitong Enero, naghanap ako ng kopya niyan sa bookstores - kaya pala wala akong nakita. kailangan umabot muna ng 200 ang orders bago maimprenta. pero bakit ganun ang style?
may ilan din akong nabiling libro nun ah - kay ricky lee, axel, khavn, isang libro tungkol sa ORS, etc... (pero mas madami pa din ang available na foreign authors sa mga bookstore sa pinas kaysa sa mga local writers)
jluna, nagshi-ship ba kayo overseas???
tingin ko rin
tingin ko rin, kaya nahihirapan makapagbenta si norman kasi pwedeng i-download nang buo yung libro, pero matapang siya kasi bagong strategy rin yan.
ang ginagawa nila neil gaiman, nagpo-post sila ng isa o dalawang chapter ng mga libro nila, patikim lang kumbaga.
ako rin nagdownload ng kopya, pero umorder din ako.
Parang rakenrol yan e.
KAhit di ka makapagrecord o mabayaran tuloy ang tugtog.
Para kahit hindi ma-publish ay mabasa parin, kesa amagin lang diba? Pero, sayang diba kung di lalabas sa bookshelves.
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
Gerilya...
Si Khavn UST at UP press nagpublish ng books niya, academe friendly, literary at high art ang content. Si Ricky Lee, siyempre big name na siya kaya kakagatin talaga ng Anvil ang book niya at magaling din naman siya (Ang ganda ng design na ginawa ni IVAN sa libro at sa poster, pero ni walang crdit sa pangalan ng designer.)
Yung kay Axel sila Joel, naglabas nun para sa Southern Voices tsaka may suporta.
Yung kay Iwa, medyo sensitive ang tema kaya walang naglalakas loob na ilabas. Una tungkol ito sa AS, at hindi lang basta-basta AS kundi in your face na AS. Hindi tulad ng ibang progressive writer na pahapyaw or in a way friendly pa rin sa crowd.
PAg walang gustong magpublish, ang last resort ay bayaran mo ang publisher.
Yung Mondomanila niya, hindi ilalabas ng kahit sinong mainstream na publisher yun dahil sa almost x na content at sobrang graphic sa pinoy taste, kung di pinublish nila Khavn, hindi sana magma-materialize ang book nun.
Ang Responde, pinublish naman nila Mona.
Ang 200 na quota sinet ng publisher yun, pag-kinaya naming magbayad ng ganun kadami, saka lang sila mag-iimprenta. Wala halos kaming kita.
Paki-message nalang sa multiply ang bookay para maibigay sa iyo ni Dan ang rates.
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
tanong
may sinet ba na deadline hanggang kailan lang sila maghihintay na maabot yung 200?
Basta maka-200
Basta maka-200
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
Mga Peeps bukod sa Libro...
Sana ay suportahan niyo rin ang banda namin ni Norman Wilwayco
Tom Estrella Sr. And The Shadows...
February17...Bri-Iw Bar sa Kamuning
-j.luna TESATS vox
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!
Nakakalungkot Talaga Mag Benta ng Libro dito Sa Pinas
kailangan bago ka makabili ng libro na sa tingin mo ay maganda, umaabot yata ng 200PHP ang pinaka mura.
suggestion lang.
kasi madaming bumibili ng mga "romance pocketbook" na halos hindi mo iisipin ang gastos mo kasi sobrang mura, parang 40PHP lang yata. kung tutuusin, mas mura pa siya kesa manood ng sine.
kailangan lang siguro ma-serialize ang mga serious books na Pinoy. para mas mura ang pagbenta. less pages, less production cost.
"to be continued", parang telenovela, para may pang bitin at bibilhin yung 2nd part.
dapat nga tapatan ngayon ang presyo ng internet cafe e. kasi yun ang pinaka affordable na "media" ngayon na tinatangkilik ng mga pinoy. mas mura pa sa sine. pero binabayaran nang bulto bulto every day.
dapat din siguro pagsamantalahan na ang book industry kasi walang MTRCB. haha!!






Salamat sa pagsuporta kay Norman Wilwayco at sa Bookay-Ukay
Salamat ng maraming marami...
---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!