Reklamo
Sa mundo na ating ginagalawan, masakit at nakakatae mang isipin na, hinuhusgahan tayo ng ibang tao base sa kung ano ang itsura, porma, trabaho, kumpanyang pinagtatrabahuhan, laki ng sweldo at pag-aari natin. Bigatin ka kung maganda ang sasakyan mo, adik ka kung marami kang tattoo at mahaba ang buhok mo, astig ka kung bago at sunod sa uso ang cellphone mo, matikas ka kung maganda ang syota mo at sikat ka kung nakakapunta at nakakainom ka sa mga sosyal na lugar katulad ng pegasus, classmates, embassy, punchline, bahay ng weteng lord at sa tindahan sa harap ng bahay namin na hindi nauubusan ng ice cold beer at boy bawang.
Ang isang malaking tanong ay BAKIT? Materyal na bagay at katayuan sa buhay na lang ba talaga ang sukatan ng pagkatao? Hindi ba't higit sa anu pa man ang mas importante ay ang character at kalooban.(aaaooww)
Oo, nagba backstroke ka sa pera at kasing guwapo mo si Hans Montenegro, pero mabaho pa sa dighay ng taong kumain ng longganisa at masahol pa kay Romy Diaz sa mga pelikula nya ang ugali mo. Walang totoong kaibigan at kinaaasaran ng karamihan. Sigurado ko, marami sa atin ang merong kilala na ganitong klase ng demonyo.
Hindi ako mahilig mamasyal sa mall, hindi ko trip ang tumambay sa lugar na iyon para lang mag magpalamig, lalu na kung wala naman talaga akong napaka importanteng bagay na bibilhin katulad ng muhlach ensaymada (umm sarap!), mas gugustuhin ko pang manood na lang ng ghost fighter sa bahay habang kumakain ng e-aji at uminom ng sarsi. Hindi ko trip ang ugali ng mga salesman lalu na nang mga saleslady. Ewan ko sa iba, pero para sa akin, sa dami nang masamang karanasan ko at nang mga taong kakilala ko sa mga pesteng saleslady na yan, mas gugustuhin ko pang magka scabies na lang sa betlog o magkaron ng amoeba sa tiyan.
Naaantipatikahan ako sa kanila, hindi ko nilalahat pero marami sila, hindi ka nila aasikasuhin o papakitaan ng pagkatao kapag nakita nilang mukha kang basurang naglalakad. Trabaho nila yun! Obligasyon nilang asikasuhin ang kahit na sinong pumasok sa tindahan na pinagtatrabahuhan nila. (kahit na si zuma pa!)
Asar din ako sa mga taong nagtatrabaho sa fast food na dinuduraan, pinapagulong sa sahig, iniipit sa kilikili, iniinit sa pwet, pinapahid sa ulo ng tite, iniipitan ng kulangot, tinatapakan ang mga pagkain bago nila iserve sa mga kakawang customer. Alam ko, dahil meron akong kilalang mga tao na gumagawa at nabiktima na ng mga ganitong klase ng kababuyan.
Hindi rin ako natutuwa sa mga bouncer. Mayayabang sila! Maraming beses na nila akong hindi pinapasok sa mga lugar na dapat kong puntahan. Wala kang magagawa kapag hinarang na nila ang kanilang mga mala aparador na katawan. Dehins ka pwedeng mangulit o manlaban lalu na kung nagiisa ka lang, dahil hindi sila mag dadalawang isip na isahog ka sa pancit o gawing letter S ang katawan mo.
Allergic sila sa mga taong naka shorts, mukang adik sa kanto, naka tsinelas, mukang hindi naliligo, maraming tattoo at sa mga lalaki na walang ka date na babae. Pero kung mukha kang intsik na malalim ang bulsa at merong tiga bukas ng makintab na kotse, walang problema, kahit naka sando lang, cge rekta na! wala ng tanung tanong, wala ng hassle. Buhay nga namaaan.
Asar na asar na asar din ako sa mga magulang ng mga batang pulubi na nagkalat sa bawat sulok ng Pilipinas. Isang limang taong batang babae na merong kargang limang buwan na sanggol ang kakatok sa bintana ng ibat ibang sasakyan sa kalye para mamalimos. Anong klaseng halimaw kaya ang nagluwal sa mga batang ito? Pinababayaan ang mga musmos na makipag patintero kay kamatayan araw araw. Nakakaawa, gusto mo mang magbigay, hindi mo gugustuhing masanay sila sa mga bagay na hindi dapat, dahil kung walang magpapalimos, wala ring manlilimos. Matuto ang mga magulang nila na merong makakapal na mukha na magbanat ng buto para mairaos ang hikahos na buhay. Simpleng logic pero mahirap gawin.
Hindi ko alam kung bakit karamihan ng mga taong nakatira sa squatter ay trip na trip na pumunta sa Maynila, Magtatayo ng barong-barong sa lupang hindi kanila, magpaparami ng anak (para maging pulubi), magnanakaw ng kuryente at tubig, magnanakaw ng linya ng cable at at gagawa pa ng mga bukbuking kwarto para paupahan, para nga naman merong extra income, yung iba nakukuha pang mag drugs. Ang bangis talaga! Maniwala ka mas malaki pa ang tv nila kumpara sa tv na nakalagay sa sala namin. Kung mananatili lang sana sila sa mga probinsiya nila, magtanim lang sila ng mga gulay at kamote makakaroos na sila. Pero sabagay, iba nga naman ang Maynila, rockenroll dito! Alam ko wala akong karapatan para husgahan sila, pero sa tingin ko kaya dumadami ang kaso ng pagnanakaw, snatching at rape ay dahil sa karamihan ng mga taong ito.
Lahat ng tao merong reklamo sa buhay, wala namang perpekto eh. Sa dami ng negatibong bagay na mangyayari sayo habang nabubuhay ka at sa dami ng tao na pinaglihi kay satanas na makikilala at makakasalamuha mo, kailangan marunong kang sumakay at magdala dahil kung papaapekto ka, ikaw din ang magmumukhang tanga at kawawa.
Yon!
Uy kritiko! Salamat sa pagpuna tsong! Oo ngat hindi lahat ng tao sa squatter ay magnanakaw, rapist at adik, siguro mga 95% lang! San ba tumatakbo ang karamihan ng mga snatcher sa tuwing meron silang nabibiktima? Sa mga exclusive village ba? Saan ba madalas naghahalughog ang mga pulis sa tuwing merong kriminal na nagtatago? Sa mga club ba sa makati? Saan ba madalas magkaron ng mga gang war? Sa Cuneta Astrodome ba? At saan ba pumupunta ang mga adik para bumili ng shabu at mag pot session? Sa victoria court ba? Sa pagkakaalam at karanasan ko at ng mga taong kakilala ko na nabiktima, lahat ng sagot dyan, sa squatteran. Imulat mo ang mata mo sa masaklap na katotohanan.
Ihiwalay muna natin dito ang issue ng mga mayayamang kawatan, ibang istorya yan, hayaan mo gagawin ko sa susunod na blog ko.
Siguro magkaiba tayo ng pananaw sa mundo. Para sken hindi na uso ang awa o habag, sa panahon ngayon kailangan kamay na bakal ang pinaiiral. Hawak ng bawat tao ang manibela para patakbuhin ang buhay nila, maging mayaman ka man o mahirap, kriminal o hindi, bunga lahat yan ng mga pinagdaanan at mga naging desisyon mo habang nabubuhay ka. Kaya walang sisihan!
yon nga!
Ang tanong bakit ka mang snatch kung may matino kang trabaho na pwedeng pagkunan ng kabuhayan? Ikaw dahil may trabaho ka sa call center kakailanganin mo pa bang mang snatch? Syempre sa mga squatter manghahalughog ang mga pulis kasi sila lang ang kaya nilang upakan, subukan nilang sa dasmariñas village mag saturation drive e di nadimenda sila.
Mga maliliit lang na di kaya kumuha ng abogado ang kaya ng mga pulis. Sa tingin mo ang mga mayayaman hindi miyembro ng malalaking gang? Tulad ng hongkong triad, na supplier ng droga sa buong asian region? At ngayon pati sa US?
Small time lang ang mga gang na True brown brothers, oxo o bahala na gang ng mga squatter, kumpara sa mga gang ng mayayaman na sindikato pa mismo. Sino ba ang supplier ng droga? Sino ba ang yumaman dahil dito? Kung mga taga squatter ang dahilan ng droga e di sana hindi na sila squatter at bilyonaryo na sila dahil sa nabenta nilang droga.
Kung meron mang kawatan, rapist at adik dito sa bansa natin nakakalat ito sa lahat ng sector ng Pilipinas. Di tama na sabihing 95% nito ay nasa squateran, san ba galing ang data mo na yan? Wala pa ata akong na encounter na datang ganyan kahit kaninong survey firm di ata naglabas ng ganyang datos?
Hindi rin ako nag iinsinuate ng awa o habag. Ang gusto ko lang sabihin ay wag naman sana huhusga kung di mo naman talaga alam ang tunay na kalagayan.
Subukan mo minsang tumira sa mga taga squatter nang malaman mo. Ako nasubukan kong tumira ng ilang panahon sa smokey mountain nung nandun pa ang bundok ng basura, sa freedom island at sa payatas. Kausapin mo sila kung interesado kang malaman ang tunay na kalagayan nila bago ka humusga.
May naging kaibigan din akong mayayaman at ilang naka trabaho kaya’t alam ko ang galaw ng bituka nila pati ang kalakaran nila sa droga at pulitika. Kung paanong ang pera sa droga ay ginagamit sa political campaign at ipamumudmod sa botohan para bilhin ang boto ng mga taga squatter.
Hindi tamang basta-basta ka na lamang huhusga kung wala kang sapat na batayan.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Tsk Tsk Tsk
Mahirap talagang mamulat ang isang Peti-B na walang Exposure at Immersion....Tsk Tsk Tsk...
Oo nga pala, pasingit lang sa call center stuff, nabanggit kasi ni Rom na sa CAll Center ka:
Actually naka 3 taon din ako sa Call Center (2 dito ay mga super financial center na more than 24 k ang kita ko)bago ako nag-writing instructor (na maliit ng di hamak ang suweldo), nung mga panahong iyon sinubukan naming ipasok ang labor movement at nangarap din kaming makapag-AOM sa loob, sinimulan ang kaunting ED umaasang mamapag-organisa,pero dehins naging effective.Ni walang nangyaring maayos na masasabing ED nung panahong nandun ako sa Call center. KAhit mapa-mukha lang sana sa mga tao kung gano ka-alienating ang routinary job at makita din nila ang salary difference sa tate ng sweldo rito, di kinaya... siguro ang failure ay nasa side ng kakulangan ng bilang ng mga kasama sa loob ng opisina (Sa huli nga wala pa nga)na makakatulong sa pag-oorganisa. Isa pa ay ang daling sabihin ng management ng mga BPO na malaki ang sweldo at kumpleto sa benepisyo ng manggagawa, kaya madaling nababara ang mga labor union.
Pero bago ako nagpahinga ng saglit sa pagtitibak ay inumpisahan na naming silipin ang ibang aspeto na labas sa sweldo na pwede naming ipamukha sa mga Call center Agent..Tulad ng Psychological Health at overload at pressure ng work sa isang individual na di masyado napapansin ng mga HMO at di nabibigyan ng pansin ng mga provider ng benefits... At ang isa pang masakit ay nung unang wave ng call centers ay may nilagdaan ang mga BPO na agreement na di makakapasok ang unyon sa loob.
nag try din kami mag
nag try din kami mag organize sa Fil-Cartoons noon ng labor union o kahit awareness lang ng labor conditions sa mga animators. may kaibahan talaga ang mga artists kapag inorganize indibidualista kasi ang karamihan sa mga artists ng animation na nasamahan ko ang kunat nila organisahin. pera-pera lagi ang takbo ng utak. kaya ayun pinagsamantalahan ng husto hanggang lumubog ang industriya ng animation dito sa pinas. nasaan na sila? nasa INDIA nagpapa alipin sa kaunting sweldo at bobong mga amo.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Ok, sige, oo na...
Ok sige oo na, pasensya kung parang naiinis ka na at malapit ng ngumalngal, di ko naman alam na kapos ka sa sense of humor e, masyado kang seryoso kaya kumakapal ang balbas mo eh. Pero ayos! Mainam ang pagkakasali ko dito, mukhang malalim ang mga tao at masarap kabalitaktakan. Ito ang simpleng pananaw ko, kung para sayo at sa ibang tao ay mali ito wala na akong magagawa, mali rin naman ang tingin ko sa pananaw ng ibang tao eh, kaya quits lang! Muli gusto kong magpasalamat syo sa maiksi ngunit nakakapuyat na debate. Nextime uli!
hehe. di pa naman ako
hehe. di pa naman ako kayang pangalngalin ng mga pananaw mo, kulang sa anghang para umaray ang dila ko at tumulo ang uhog ko e. anyway maganda naman ang ganyang naglalabas ka ng saloobin mo kahit ano pa yan wala naman akong karapatang magdikta sa iyo. ganito dito sa site na ito umiiral ang demokrasya. maglabas ka ng opinyon mo, maglalabas din ang makakabasa. di naman porke may nag react ng negatibo sa iyo ay away na palitan lang ito ng kuro-kuro. healthy di ba?
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
nakakalungkot ang ganito
nakakalungkot ang ganitong pananaw, depiksyon ito ng masamang midya at hindi paging mulat mo sa kung ano ba talaga yung reyalidad.
wala akong nakitang koneksyon sa mga isyung nabanggit mo-sa hindi mo pagiging perpekto o kung ito man ang rason mo kung bakit nasabi mo lahat ang nasa itaas.
paumanhin subalit hungkag o kung may laman man pawang pamimintang lang na walang batayan ang mga ito.
napakapulitikal at sensitibong usapin ang kahirapan para lang lamatin ng ganitong uri ng pagsusulat.
kung hindi ka babalik, araw araw na lang akong maghihintay
Oks...
Kung marami kang reklamo sa mga Lumpen at sa Proletariat...Wag kang mag-alala dahil marami din silang reklamo sa mga Peti-B na tulad mo at tulad ko.
Kaya quits lang...
Yun nga lang mas may rason sila para magreklamo, at minsan nagiging justifiable na rin ang gumawa ng mga bagay na makapag-papaangat sa status ng buhay o upang makatakas sa wretched conditions... Mga wretched conditions na kagagawan ng mga elitista at burgis na hindi patas sa pagdidistribute ng wealth...etc etc etc.
PArang ano ito e, isang tula o article sa Youngblood ng mga Starbucks Coño kids na tinitira ang mga rally at demonstrasyon kasi magulo daw, maingay o nakakapagpatrapik, kahit di nila alam ang real score...Nagbibintang na hindi naman alam kung ano ang talagang nasa likod ng isyu..
totoo ang sabi ni rom...
may katotohanan ang sinabi ni rom...why not we do something out of our lives of helping these kind of people? wala naman magagawa kung panay reklamo tayo di ba? kung pwede nga lang maturuan sila ng livelihood, well and good.... and remember nobody has the right to judge anybody....opinion ko lang po...
thanks
Business articles and financial views
http://www.technoconvergingzone.com/
Tingin ko na naman ay maayos ito
Tingin ko naman ay maayos mong naideliver ang istorya mo, isa itong pagtingin sa nangyayari sa ating paligid. Wala ako nakiktang pagtapak o mali sa ginawa mo dahil ito ay talagang nangyayari sa atin.
Rom, hindi naman nya nilahat ang mga iskawater, sabi nya karamihan. Parang katulad din sa Gobyerno, hindi lahat ng nasa gobyerno ay magnanakaw, karamihan lang din. aminin natin o hindi ang krimen ay karaniwang nagaganap sa mga iskwater. Tama yung sinabi mo na nagagawa nila yun dahil wala silang trabaho o mahirap ang buhay, pero hindi lisensya yun para magnakaw ka o gumawa ng krimen. Totoong maraming mga mayayaman at nasa gobyerno ang nagnanakaw din, kaya wala rin silang pinag-iba sa mga snatcher at mandurukot. Kaya hindi ibig sabihn na dahil mahirap ka eh okay lang din na gawin mo yun. Ang mali ay mali, mayaman ka man o mahirap.
Wala akong nakita mali sa nabanggit ng may akda kasi karaniwan ganito talaga ang nangyayari. Isa itong patingin sa buhay.
Maraming pumunta sa maynila na galing probinsya dahil sa kinang ng magandang buhay. Akala nila ang Maynila ay lungsod ng oportunidad. kaya ito karamihan ang dahilan kung bakit sila nandun, yun nga lang masyado na silang naging kumportable sa mabilis ng takbo ng buhay sa syudad. Kahit sabihin mong hirap na hirap sila sa Maynila, mukhang hidni pa rin nila pipiliing magbungkal ng lupa at mabuhay sa isang mabagal na takbo ng buhay. Mas pipiliin pa nilang mamalimos at kumita sa madaliang paraan. Bro malaki ang pilipinas, kaya bakit nagsisiksikan sila sa Maynila?
Dapat maging patas tayo sa pagtingin sa buhay. Mayaman man o mahirap, huwag natin gawing excuse ang kahirapan. Ang pagtulong ay nanggaling muna sa kanilang mga sarili. Kung hidni nila tutulungan ang kanilang sarili baka dumating na lang sa punto aasa na lang sila sa tulong ng ibang tao.
Salamat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Kuya Rom, nag-iibang anyo yata si JER...Kaloka iti! ahihi...
Akala ko noong una kong basahin ito ay isang sarkastikong pagpapahayag ng damdamin ngunit tila nagkamali ako at pinaninindigan niya (at ng sarado niyang pag-iisip) ang mga inilatag niyang saloobin dito,,,tutal sarado naman siya sa paliwanag ay wala na akong masasabi pa dito-->ipagdasal na lang natin na hindi/o kahit isa sa mahal niya sa buhay ang maghirap at matira sa squaters area. (FYI ilang buwan din kami nakatira sa masikip/mabaho na lugar diyan sa likod ng malakanyang diyan sa Pandacan sa tabi ng ilog Pasig bago nalipat sa isang subdivision sa Val. Galing kami ng Quezon at tumungo ng Maynila, nakipagsiksikan at nakipagsapalaran hanggang sa makawala ng kaunti sa hikahos na buhay.Okey naman duon, mga totoong tao ang naandoon. Respetuhin mo sila at rerespituhin ka rin. Bigayan lang 'yan tsong!) Sulat lang parekoy!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Bro, hindi kaya tayo ang medyo sarado
Nanggaling ako sa hirap, at alam ko ang buhay mahirap. Ayaw kong ipagtanggol ang may akda pero bro imulat natin ang mata natin, ganito ang nangyayari, ito ang katotohanan.
Itoy isa lamang pagtingin sa isang bahagi ng buhay. Maaring talakin ang iba sa isa pang sanaysay o sulatin.(tungkol sa pangungurakot sa gobyerno o magnanakaw ng mayayaman)
Kung inis na inis tayo sa gobyerno, at malayang ipahayag ang damdamin natin tungkol dito. Hindi ba maaring magpahayag din tungkol sa kamalian at buhay sa iskwater?
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Iba kasi eh!
Iba kasi ang paglalatag niya....puro siya "KARAMIHAN" tulad ng karamihan ng nasa squatters area, Karamihan ng saleslady, karamihan ng cook, mahihihirap... Bakit ganoon? Masmarami ba ang magnanakaw kaysa sa nagbabanat ng buto sa squaters area, masmarami ba ang saleslady/salesman na isnabero at mataray, masmarami ba ang nagsusumiksik sa maynila kaysa ang gustong manatili sa probinsya???
Alam kong mahirap ang buhay ngunit masnaniniwala pa rin ako na masmarami pa rin ang bilang ng mga taong may malinis na puso parekoy. Salamat!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
may mga naisulat din ako
may mga naisulat din ako dito sa site na ito tungkol sa mga maling pagtingin sa mahihirap. wag nating tingnan ang mahirap bilang kaawa-awa kasi di naman talaga sila nakaka awa. sabi ko nga dun sa isinulat ko buti pa sila di nagbabayad ng buwis samantalang tayo bago pa man sumayad ang sweldo sa kamay natin bawas na. sila nakukuha pang mambabae kahit trycycle driver lang, nakukuha din nilang mag inuman ng ke aga aga tapos tulog maghapon samantalang tayo huminto lang ng isang araw sa trabaho kaltas na kasi no work no pay.
sino ba ang nagpanatiling mahirap ang mahihirap? 80% sila ng populasyong pilipinas tumataginting na boto sila, bayaran mo lang ng tig 200 may boto ka na--e bakit mo pa sila iaahon sa kahirapan? ayon yan sa mga politiko.
ang mga mahihirap ng bansang ito hindi lang tiyan nila ang kumakalam, mas kumakalam ang utak nila. hindi nila kayang mag-isip ng tama para sa sarili nila. mangilan ngilan lang ang nakaka ahon sa kahirapan tulad nga ni dyeppri sabi niya naka ahon sila kasi tiyan lang nila ang mahirap pero ang utak nila busog ng diskarte kaya naka ahon.
paanong mabubusog ang utak ng mahirap? may edukasyon bang maayos na ibinibigay ang gobyerno? yung ZTE scandal na sana para sa mga public school enhancement saan napunta? bakit hanggang ngayon sa malabon nakalubog sa tubig baha ang paa ng mga mag-aaral sa classroom habang nag ka klase? paanong mabubusog ang utak ng mga mahihirap at maiaahon nila ang sarili nila kung ang dapat sanang gobyerno na magpapakain sa utak ng mga ito ay inaagaw ang pondo para dun?
Yan ang punto ko. di bale nang wala silang ibigay na trabaho o pagkain sa mahihirap basta busugin nila ang mga utak nito ng pag-asa na makaka ahon sila sa kahirapan at sila mismong taga squatter ang mag aangat sa sarili nila sa kinasasadlakan nilang kahirapan.
edukasyon pa rin ang susi--pero meron bang matinong edukasyon ngayon? ang anak ko nung nag aral sa public school tinuturuan pa ang titser niya na pakopyahin yung katabi niya sa achievement test. may libro sila pero lima silang naghihiraman sa iisang gula-gulanit na outdated book. wla kasing pondo daw, o mas tamang ninakaw ang pondo? san napunta ang buwis ko?
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
UY kuya baka naman maiyak sila sa buhay ko...
Hindi naman ganuon 'yun. May sarili naman kaming bahay sa Lucena dati. Tig-iisa nga kaming kwarto nuong kapatid ko at may yaya pa ako. Minalas lang at nasunugan kami kaya naubos lahat ng napundar ng tatay ko. Tutal sa maynila siya nagtratrabaho din nuon kaya ay binenta na lang namin yung lupa at pansamantalang nangupahan diyan sa Pandacan. Mga 6 months din kami diyan. Masaya naman duon kahit maingay/magulo. May rambulan at tsismisin. Nung nakapagloan na si tatay ng bahay ay lumipat na rin kami sa maayos na lugar. Ahihihi. Hindi kami sinuwerte bagkus ay minalas lang po!ahihihi!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
eh hindi ka naman pala iskwater eh!!
Isa ka palang dugong bughaw. Bro ang iskwater kasi ay yung mga taong tumitira sa lupa ng may lupa. wala silang sariling pag-aari. Maaring sila yung galing sa ibang lugar at piniling manirahan sa siyudad kahit hindi nila alam kung san magtatayo ng bahay.
Mabuti na lang,pinili ng tatay kong magtanim sa bukid at manirahan sa probinsya.
Naku bro eh diba naging dyipni drayber ka rin. Tingnan mo ngayon isa ka ng ALTA DE SYUDAD. hahahha
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Kaya nga bro
Inuulit ko ang isinulat ng may akda isa lamang pagtingin. Ang mga bagay na iyan ay pwedeng talakayin sa malalalimang pagtingin.
Kung susuriin nyo ang isinulat ng may akda, simple lang at parang sinabi lang nya ang kanyang nakikita. Mula sa umpisa hanggang sa dulo, kaya hindi rin pwedeng hanapan ang may akda ng malalim na pagtanaw o ng ibang perspektibo. Kaya nasa atin ang paghuhusga, ang kanyang ginawa ay paglalatag lang ng kanyang nakikita.
Kaya lang ako medyo naalarma, ay para kasing nagulat ang may akda dahil bigla na lang napasok ang ibang usapin. Nabigla sya dahil ang inaakala nyang simple pagpapahyag para sa iba itoy isang malalim na issue! Palagay ko may nakurot sa iyo ng konti yung may akda, hehhehe!
Pero tama ang lahat ng iyong sinabi sa itaas. Maging man ako yan din ang aking hinaing tungkol sa Gobyerno. Masakit man tanggapin pero sana matuto na lang tayo umaasa sa ting mga sarili kaysa sa gobyerno. Kasi kung aasa na lang tayo sa Gobyerno, parang sinabi na nating "MAGPAKAMATAY NA LANG TAYO". hehehe
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Salamat...
Salamat na rin talaga kay mtorres81 at may napag-usapan tayo dito. Sarap sana kung may tanggan tayong malamig na red horse. Pinababa mo naman ako--- may aircon yung pinasada ko nuon (taxi_).hehehe
Suko na muna ako kasi back 2 work na me! Ingatz pre! Pakiss nga! Ang gwapo mo pareng spike...ahihihi mwah!!! babushhhh.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Hmmm... Agree ako, masyado
Hmmm... Agree ako, masyado na nga tayong mababaw tumingin sa kapwa ngayon. 'Tsaka yung mga batang pulubi... grabe! Kanina, habang naglalakad ako dun sa footbridge na pink ng MMDA sa Bicutan at umuulan nang medyo malakas, may batang nakahiga doon sa gilid, at ang kumot niya lang ay 'yung t-shirt niya. Kainis 'yung magulang niya.
Ako naman, masgusto ko 'yong di ako inaabala ng mga saleslady/salesman. Masnahihirapan akong bumili pag may nakabuntot sa kin.
Saka nung nakatira kami dati noon sa iskwater, wala akong matandaan kun' di nakawan, awayan, mga gang wars, atbp, kaya may punto rin naman si mtorres. Mali rin na tumira sa lupa na hindi sariling pag-aari. Buti na lang at nagawang makabili ng lupa ng mga magulang ko kaya nakaalis din kami doon.
Palagay ko, nakalimutan lang ni kuya mtorres na ilagay ang reklamo niya sa mga bourgeoisie (tama ba spelling?). O kaya gaya ng sabi niya, ibang blog entry ang gagawin niya para doon. Pero wala naman akong nakitang masama sa mga sinabi niya dahil may katotohanan naman doon (para sa kin).
:)
* * *
Ayos!
Ayos! Salamat sa mga positibong komento at salamat din sa mga kritikong sumasalungat. Tama si Rom. Healthy ang ganitong diskusyon, lahat tayo matututo at magggrow. Bilib ako sa gumawa ng site na ito, at least merong lugar na pwedeng tambayan ng mga utak para magpalitan, ugnayan, sangayunan at salungatan ng mga pananaw sa buhay!
o, di ba bro, dami
o, di ba bro, dami matututunan dito baha-bahagi lang ng opinyon basta walang pikunan. praanin lang ang sari-sariling opinyon at bigyang daan ang malayang talakayan. kung mali aminin kung tama iconsider. wala naman namimilit na paniwalaan ang isang opinyon e. galangan lang.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/










hmmmm....
"Sa tingin ko kaya dumadami ang kaso ng pagnanakaw, snatching at rape ay dahil sa mga taong ito"
tingin ko barking at the wrong tree ka dito 'tol. medyo discriminating ata ang pananaw mo sa mundo. oo nga't reklamo mo ito pero mali naman ata ang pananaw na ang mga squatter o mahihirap ang dahilan ng pagnanakaw, snatching at rape. tsaka subukan mo munang alamin kung ano ang tunay na kalagayan sa probinsya bago mo husgahan ang mga pangyayari. hindi iniiwan ng mga magsasaka ang probinsya dahil lamang nasisilaw sila sa kinang ng maynila. may mas malalim na dahilan yun, paki research na lang.
hindi rin lahat ng nakatira sa squatter ay nandun upang magnakaw o mang rape may mga dahilan ang bagay bagay. kung paanong hindi lahat ng mayaman ay yumaman dahil matalino sila at swerte, marami sa kanila ang magnanakaw sa gobyerno at nagbebenta ng droga. karaniwan din sa kanila ay nang-agaw ng lupain ng mga karaniwang magsasaka sa probinsya kaya't narito ngayon sa Maynila ang mga kaawa-awang magsasaka at naging squatter.
hindi rin lahat ng mayaman ay magaling magnegosyo--karamihan sa kanila ay balasubas na amo ng mga pabrika na nanggigipit sa mga manggagawa kaya't may kakarampot na sweldo lang ang mga taga squatter. sila rin ang mas malakas magnakaw ng kuryente--itanong mo sa Meralco, may statistics sila na mga big businesses ang may malaking record ng theft sa kanila.
ang mayayamang politiko din ang dahilan ng paglalugmok ng bansang ito sa kasalukuyang kalagayan nito at unti-unting pagkabulok ng sistema natin.
tumingin ka man sa labas ng Pilipinas sino ang may hawak ng yaman ng mundo? 2% lamang ng buong populasyon ng mundo ang may kontrol sa kabuuuang yaman nito. ang natitirang 98% nag-aagawan sa mumo sa ilalim ng hapag kainan.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/