Rekoleksyon

Luca's picture

Pupuntahan kita sa kahapon mamaya.
Dahil doon lang naman kita siguradong makikita.

Dahil hindi mo na kayang pumasok sa ngayon at bukas.
Ang pag-ibig natin ay naglalakad paatras.

Bibilangin kong pabalik ang bawat hakbang palayo.
Hanggang makarating ka sa isang pook sa aking puso.

Sa lugar kung saan pareho na tayong nakangiti.
Tatlong linggo bago nang ang tayo’y nasawi.

Bibigkasin mong muli ang mga matatamis na salita.
At sa bukas mong palad ako’y mahihiga.

Sasabihin sa sariling hindi ka naman talaga nawala.
Hanggang makabalik akong muli sa simula.

Isang hakbang pa at hindi na tayo nagkakilala.
At sa wakas ay malilimot din kita.

Magkasalubong man tayo paglaon ng panahon,
Ni katiting na alaala'y walang aahon.

Mapupuntahan mo na lang ako sa kahapon mamaya.
Dahil doon mo na lang ako siguradong makikita.

Hindi ko na kayang pasukin ang ngayon mo bukas.
Ang pag-ibig natin ay umuwi na sa wakas.

----------------------------------------------- 

sinulat ko ito noong 2007 para kay Dar

sila pa rin ni Erick

Ewww...


Jack A. Alvarez's picture

kaka-luca ang phrase na 'to...

ganda nito ha.

"Ang pag-ibig natin ay naglalakad paatras."

Luca's picture

hehe...

 oo nga natuwa din ako jan

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Patrickman's picture

oist!

punta ka ba bukas sa anniv ng km64? tulain mo ito, astig e!

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Luca's picture

pupunta ko

 di naman yata open mic yun... ano nga pala babasahin mo?

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Patrickman's picture

hindi ko pa alam e. most

hindi ko pa alam e. most likely something luma kung hindi ako makagawa ng bago mamaya. pasabi natin kay kuya rom kay stum na isama ka sa list of performers. Ü

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Luca's picture

niyak

ang boring kong magbasa, believe it or not. hahaha 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Patrickman's picture

naman... mas lalo ako,

naman... mas lalo ako, hehehe...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Jack A. Alvarez's picture

kakainggit naman...

miss ko na rin ang poetry reading. sana pag-uwi ko me madadatnan pa akong event. hehehe!

Luca's picture

sana nga...

at sana mapanood ko yon 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Adlesirc's picture

aw... galing naman nito.

aw... galing naman nito. nakapost na pala ito nung sang araw pa. kasi nung narinig ko ito nung sang araw hindi pamilyar e.

 

 

Congrats mare, ang taray nito. =)

Luca's picture

ahihi

inedit ko pa yung binasa ko noon.

 

patok ba? si Pat nagsuggest na basahin ko yan e 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Adlesirc's picture

oo naman

para sakin patok sya kahit hindi gaano swak sa tema ng km64 nung friday. basta, eto na yata pinakagusto ko sa lahat ng na-post mo dito sa fw =)

 

 

sana magkaron tayo poetry reading, iba-ibang tema naman. like death, love, dreams, etc. hehehe

Luca's picture

o nga,

gusto ko talaga ng isang ganong event na pwede nating invite yung mga friends nating hindi naman masyadong into the arts.

 

so parang concert/ literary session/ heeenooomaan 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Pupuntahan kita sa kahapon

Pupuntahan kita sa kahapon mamaya.
Dahil doon lang naman kita siguradong makikita.

 

sobrang na-inlove ako sa linya. bwaha.

Luca's picture

maramin salamat!

ang angas mo naman mainlove, paran kontrabida

 

Matalino naman ako, mabait, may hitsura—masuwerte daw ang lalaking makakatuluyan ko.

Masuwerte at imaginary.

timberland womens premium boots

All things in their being are good for timberland boots sale something.Difficult circumstances serve as a textbook of timberland boots life for people.Failure is the mother of success. -- Thomas Paine.For man is man and master of his timberland 6 inch boots fate.The unexamined life is not worth living. None is of freedom or of mens 6 inch timberland boots life deserving unless he daily conquers it anew. -- Erasmus.Our destiny offers not the cheap timberland boots cup of despair, but the chalice of timberland boots uk opportunity. So let us seize it, not in fear, but in gladness. -- R.M. Nixon.Living without an discount timberland boots aim is like sailing without a timberland womens roll top compass. -- John Ruskin.What makes life dreary is the want of motive. -- George Eliot.Towering genius timberland shoes disdains a beaten path. It seeks regions hitherto unexplored. There is no such timberland womens premium boots thing as a great talent without great will - power.The good seaman is known in bad weather.Gods determine what you're going to womens timberland premium boots be. An aim in life is the only fortune worth finding. -- Robert Louis Stevenson.While there is timberland winter boots life there is hope.Try not to become a man of success but rather try to become a man of value. -- A. Einstein.You have to believe in womens timberland boot yourself. That's the secret of success. -- Charles Chaplin.Pursue your object, be it what it will, steadily and indefatigably.We must accept finite timberland shoes store disappointment, but we must never lose infinite hope. -- Mattin Luther King.Energy and persistence conquer all things. -- Benjamin Franklin.Nothing seek timberland hiking boots , nothing find.Cease to struggle and you cease to live. -- Thomas Carlyle. YQ

emopencil's picture

BRAVO!

 i lurve it :)

Ang sarap damhin ng mga sinabi mo dito, may kirot pero masarap :D

Sana lahat ng masakit ay ganito kasarap.. anu daw?! ah, basta nagustuhan ko, heheheh...

MABUHAY KA!!

 

._.+'emopencil'+._.

Luca's picture

 yuck super late ng

 yuck super late ng reply... thnx emopencil!

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

chris2pei's picture

love it!! *__*

love it, kaso kalungkot, nice poet :D

Luca's picture

 KALUNGKOT BA? SORRY NAMAN.

 KALUNGKOT BA? SORRY NAMAN. :) MASAYA NA KO NGAYON. HEHEHE

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Lemmor Setneuf's picture

Happy V-Day!

ang post na ito ang isa sa mga nagustuhan ko dito sa FW! nice to know na HAPPY ka na ngayon... Happy V-Day, sana maka pag-post ka pa ng iba!

 

 

Ano bang halaga ng Tag-araw sa puso ko kung wala ang init ng iyong Pag-ibig na papawi sa lamig ng Tag-ulan?

mula sa komiks....