Retreat

ophalyn grace f. venezuela's picture

January 25, 2008 nagpunta kami sa Jojima Island resort sa Bulacan. Fourth year kayskul kami that time, napaka excited naming lahat kaya naman pumunta kagad kami sa kwartong nakadistino sa amin at doon ay inilagay ang mga gamit. Napakaganda ng lugar at sobrang laki ng swimming pool, kaya naman gustung-gusto na namin tumalon sa sobrang excitement.

     "Pumunta na kayo sa activity area" sabi sa amin ng aming adviser na si Sir Marlon.

Nang kami ay nakarating na sa activity area, ang lahat ay nakaupo na. Isang malusog na lalaki ang umupo sa harap namin at doon ay binati kami ng magandang hapon. Sinimulan namin ang activity sa isang mataimtim na dasal at pagkatapos ay nagpakilala ito. Siya pala ang guest speaker namin, nagkwento siya ng ilang pangyayari sa kanyang buhay at mga salita ng diyos. Tinuruan niya kami kung papaano mas maging malapit sa diyos. Kumanta kami ng iba't ibang christian song, lahat ay nakikipagparticipate at nag-eenjoy ng todo. Matapos ang unang activity ay kumain kami ng merienda at nagpahinga. Namasyal kami sa lugar at nagpicture-picture.

Nang sumapit na ang gabi ay kumain kaming muli ng hapunan at matapos magpahinga ay nagtungo ulit kami sa activity area. Doon ay sisimulan ulit ang napakadamdaming activity na talagang nagpataba sa aming puso. Ang guest speaker ay nagkwentong muli at nagbibiro pa nga ng kung anu-ano upang masiyahan kami.Nang lumalim na ang gabi ay binigay niya sa mga estudyante ang mga sulat na hindi namin akalain na galing ang mga iyon sa mga magulang namin. NGunit wala akong natanggap dahil hindi nakapagsulat ng letter ang aking mga magulang. Imbis na malungkot ay inisip ko na lang na kaya busy sila ay para na rin sa kinabukasan ko. Pero laking gulat ko nang iniabot sa akin ng principal namin na si Tchr. Lily ang isang letter, doon ay hindi tumigil ang aking luha at muli akong nagulat na ito pala ay galing sa matagal ko nang naging guro na si Sir Pol. Nakasulat doon na huwag ko daw masyado isipin na kaya walang letter ang parents ko sa akin ay dahil hindi nila ako mahal, kundi masyado lang nila inaalala ang aking magiging kinabukasan kaya sila nagtatrabaho ng todo. Sobra akong na-touch sa ginawang letter g tchr. ko kaya naman niyakap ko ito at sabay sabi.

     "Thank you po, na-appreciate ko po yung letter niyo sobra"

      "Sus! kaw talaga, basta pagbutihan mo ang pag-aaral mo para hindi masayang pinaghirapan ng magulang mo" ang sabi niya sa akin.

Punung-puno ng magagandang pangyayari ang naganap ng gabing iyon. Lahat ay narelax ng sobra at muling napalapit sa diyos. Masaya kaming nagpahinga para bukas ay sisimulan ulit ang pinakahuling retreat session at pagkatapos ay ang pinakahihintay na swimming sa pool. Ang retreat na ito ay talagang tinulungan kami upang maging matatag ang pananampalataya namin kay God,lumayo sa masasamang gawain,ma-appreciate ang hirap ng mga magulang namin at pasalamatan ang mga kaibigan at guro na laging nandiyan ano mang oras.  [: