Rina, Rina, Rina!

|

Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Hindi kinuha sa totong pangyayari at ang mga karakter ay gawa gawa lang.   FICTION       

 .

 .

 .

 .

          Lumaki ako sa bahay ampunan. Ang sabi ng mga nag-aalaga sa akin, dinala daw ako doon ng aking ina dahil wala na siyang mapakain sa akin.

          Habang tumatagal, nakakaramdam ako ng malalim na kalungkutan. Parang may kung anong kulang sa aking buhay na gusto kong mahanap. Gusto kong makawala sa aking mundong ginagalawan at gusto ko makita ang tunay na mundo sa labas - mundo na puno ng karahasan, misteryo at mga pagsubok at ang reyalidad.

          Tumakas ako sa bahay ampunan para maabot ko ang aking mga pangarap. Gusto ko ng makalayo sa simple, tahimik at payapa kong buhay. Gusto kong marating ang mundong makapagbibigay sa akin ng liwanag at gusto kong silawin ang sangkatauhan kapag tuluyan ko ng naabot ang tagumpay.

          Sa paglalakad ko palayo sa aking pinanggalingan, nakapulot ako ng isang bag-hindi ko inaakala na iyon ang makapagpabago sa TAKBO aking buhay. Binuksan ko ito para malaman kung sino ang may ari. Tumambad sa akin ang milyon-milyong halaga. Dinala ko ito sa pulisya para maisauli sa may-ari. Pagkalipas ng ilang oras na paghihintay may nag-claim ng bag. Isang hapon ang nag-mamayari. Binigyan niya ako ng pabuyang Isang milyong piso dahil sa aking ginawa.

          Nakapagpatayo ako ng bahay at nag-aral sa isang eksklusibong paaralan. Noong natapos ko ang kolehiyo, nagpatayo ako ng isang malaking kompanya at ang ginawa kong business partner ay ang aking bestfriend sa ampunan na si edna.

          Isang araw, habang ako ay nasa opisina may kumatok sa pintuan.

''Pasok''. ang sabi ko.

''Ma'am, may sasabihin po ako sa inyo.'' aniya ng sekretarya.

''Ano iyon?

''Narinig ko ang pakikipag-usap sa telepono ni ma'am edna, ang bestfriend niyo. Ang sabi niya sa kausap gagawa siya ng paraan upang masira at mapabagsak kayo para mapasakanya ang kompanya.'' pagtatapat ng sekretarya.

         Hindi lang ang sinumbong ng aking sekretarya ang natuklasan ko. Nalaman ko din na kaya pala umiiwas ang mga empleyado ko sa akin ay pinagkakalat ni edna na magnanakaw ako noon(kahit wala pa akong ninakawan sa tala ng buhay ko). Pulubi daw ako, nagbebenta ng katawan at adik noon. Kung ano-ano ang pinagkakalat ni edna na wala namang katotohanan.

         Hindi ko malaman ang aking gagawin sa nagawang pagtataksil ng kaibigan. Sa kakaisip ko ng problema hindi inaasahang nakatulog ako sa aking opisina.

''kailangan kong makausap si ma'am para humingi ng tulong. Nalaman na yata ni ma'am edna na narinig ko ang pakikpagusap niya sa telepono .'' sambit ng sekretarya sa sarili.

        

          Papunta na ang sekretarya sa opisina ng amo. Pagbukas niya ng pintuan nakita niya si edna na aktong sasaksakin ang kanyang amo habang natutulog. Biglang napatingin sa sekretarya si edna.

         Hindi makaimik at makasigaw ng tulong ang sekretarya sa sobrang kaba. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Naninigas siya at nagangatog habang pinagmamasdan ang palapit na palapit na si edna sa kanya na nanlilisik ang mga mata at hawak ang kutsilyo. Mahimbing pa rin ang pagkakatulog ng kanyang amo at hindi naaamoy ang  mga nagaganap sa kanyang paligid.

        .

        .

        .

        .

        ''Noong magising ako sa pagkakatulog, tumambad sa akin ang nakaratay na katawan sa sahig at punong-puno ito ng dugo. Binaliktad ko ang katawan upang makita ang kanyang mukha. ''Ang aking sekretarya!! hindi na siya humihinga.''

        

        Napuno ng dugo ang aking katawan at hindi ko malaman ang aking gagawin. Tinanggal ko ang kutsilyong nakasaksak sa kanyang katawan. Noong hawak ko na ang kutsilyo biglang pumasok sa aking opisina ang janitor. Nagsisigaw siya habang pinagmamasdan ang bangkay at ako habang habang punong-puno ng dugo na hawak ang kutsilyo. Nagtatakbo palabas ang janitor. Pagbalik niya ay may kasama na siyang mga pulis. Pinosasan nila ako at isinama sa prisinto.

         Ikinulong nila ako. Pinipilit kong ipaliwanag ang pangyayari ngunit hindi sila naniniwala sa akin. Nahuli ako sa kalagitnaan ng pangyayari. Sa krimen na hindi ako ko naman ginawa.

         Nag-suffer ako sa anxiety, sobrang gulo ng isipan ko. Nakisampatya na lang ako sa iniisip ng mga tao sa akin kahit alam ko sa sarili na hindi ko ginawa at gagawin ang ganoong kasamang bagay.''Parang Cognitive Dissonance in Psychology.''

         Gusto ko ng bumalik sa buhay ko noon.. Buhay na simple at tahimik. Paano ko malilinis ang pangalan ko? wala na, may mantsa na!

         Dahil sa nangyari sa akin, mas gugustuhin ko ng mabuhay ng isang kahid isang tuka pero mamamatay naman ng may dangal at malinis na pangalan. Kaysa ang mabuhay na nakakaangat sa iba ngunit may mga taong hahatakin ka pababa at sisiraan kaya mamamatay ka ng walang dignidad at may dungis ang pangalan at pagkatao. ''hindi na, wala na, hindi ko na matatanggal ang mantsa sa puting tela.''

         Hindi ko na AABUTIN ang sinag ng bituin. Hindi na ako TATAKBO para mahabol ang liwanag. Wala na, katapusan na ng aking mga pangarap. Gusto ko ng maglalakad  pabalik...kasama ang lumikha!

         Sa apat na sulok ng silid na sa akin ay pinagkulungan, nabalot ako ng kahihiyan. Kumalat sa dyaryo, nabalita sa telebisyon at nalaman ng maraming tao ang krimen na hindi ko ginawa at kailanma'y hindi ko gagawin. May nakapa ako sa aking bulsa, ang kutsilyo nasa akin pa pala!

        

         Naligo ako sa dugo at sa aking huling hininga, ang tangi kong nasambit ay '' Sa wakas matatapos na din ang sakit at sama ng loob ko sa mundong mapanghusga at sa mga taong may mga masasamang isip sa akin.''

         Habang nililinis ang opisina na pinangyarihan ng krimen, naalala ng may matataas na posisyon sa opisina na may hidden camera sa iba't-ibang bahagi ng kompanya. Nakita nila na may hidden camera din sa pinangyarihan sg krimen. Pinanood nila ang pangyayari at pagkatapos bumalik sila sa pulisya para mapalaya na si RINA. Akala naman ni edna ay mapapasakanya na ng tuluyan ang kompanya ngunit ikinulong siya ng mga pulis.

         Sa kasamaang palad na man ay hindi na naabutan ng buhay si RINA.

 wala na, wala na si rina.. ngunit natupad na man ang kanyang kagustuhang mamatay ng may dangal at malinis ang pangalan.. SA HULING SANDALI!

malinis siya, malinis! . . . rina, rina!

        

 

          


jealousy29's picture

Galing naman

sad nga lang ng ending... pero nagustohan ko siya.... 

 

 

 

Sulat pa po....

salamat . .

salamat . .

jealousy29's picture

welcome   sulat pa....

welcome

 

sulat pa....

....

sinta isaac's picture

...

Vanilla,

napakatamis ng pangalan mo.:)

dama ko ang lungkot sa kwento mo, parang naalala ko ang mga gabi nung nasa elementarya pa lamang ako at laging brown out, (si late president cory pa ang nasa pwesto) at ang tanging pinagkakaabalahan namin ay ang de bateryang transistor at nakikinig kami ng lumang drama sa am station.

Kung iyo sanang mamarapatin, maganda ang kwento ni rina, at mas gaganda pa ito kung bibigyan mo ng makabagong twist, medyo gasgas na kasi yung eksena kung saan natagpuan n'yang patay ang sekretarya n'ya,may pagka predictable na kasi yung mga susunod na mangyayari. :)

pero maayos ang pagkakasulat, may ilang flaws nga lang na maaari pa sigurong ayusin at idevelop.

Salamat sa kwento vanilla!

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

salamat po sa pagpuna...

salamat po sa pagpuna...