Ringing Tone (blog ba ito?)

dyeppri's picture

Ringing-tone

 

Kung noong una ay tuwang-tuwa ka tuwing maririnig mo ito. Sumasabay sa pag-indak ang nahihimbing mong kalambutan sa unan ng pagsinta. Tila hinehele ang damdamin sa kalawakan ng kaulapan. May katiyakan na ang kung ano ang lambot niyon ay gayon naman na ang bakal ay kasing tigas din ng iyong bawat salita. Salitang hindi naman nakakabasag kahit anong klase ng pinggan. Ngunit mabasag man ito ay tiyak na magiging pino. Kasing pino ng buhanging nagpipilit humulagpos sa mga kamay ng minsang sinubukan mong hawakan ng mahigpit ito. Tumatakas sa bawat patlang.

 

Nanginig ang telepono. At sumabay sa panginginig ang kalamnan mo na parang hinahagod ng pinakamalamig na pamatid uhaw sa taong naglalakbay ng milya-milya sa gitna ng arawan. Kung bakit kasi hindi mo kinayang e switch-off  ito. Kung bakit kasi hindi mo kayang ‘di alamin na kung importante pa ikaw sa kanya. Katulad ng pagbabale wala mo sa kanya na mayroon pa rin ikaw  halaga sa kanya. Walang kwenta, sabi mo. Ngunit ito rin kaya ang nasalikod ng mga bawat salita lumalabas sa bibig o isang pagtakas na muli? Pagtakas na kailanman ay walang sino mang nakalabas sa pagtatangkang ito. Sukdulang tumakas sa sariling katawan. At magpalutang-lutang sa hangin ang mga naiwang katanungan. Tanto mo, ayaw mo ng ganito.

 

Nanatiling nakatitig ka lamang sa kawalan. Sa umaandap-andap na liwanag na nagmumula sa maliit na bumbilya. Ang mumunting liwanag niyon ay tila nakakasilam sa buo mong pagkatao. Nanunuot sa kadiliman mo. Kayang-kaya nitong paliwanagin ang anino ngunit mas pinili mo pa yatang manatili ito sa ganoong kaanyuan. Manatiling takot at nagtatago sa likod mo. Patuloy na takot na takot at nakadikit sa’yo.

 

Muli ang tunog ay mananatiling hanggang sa imahinasyon lamang. Ang panginginig ay sa laman din lamang. Ang tanong ay mananatiling tanong din. At ang lahat walang magiging pagbabago hanggang ‘di mahihinto ang maya’t mayang pagpasok ng signal sa piping telepono.Undecided


dyeppri's picture

???

Ang katanungan ay mananatiling isang katanungan, bakit may mga bagay na masmainam na manatiling isang huwad na tanong. Maspinipili niyang manatili sa ganoong kalagayan...kalagayang siya lang ang nakakaalam.Undecided 

                           http://dyeppri.wordpress.com/