Ritwal ng Paglimot by Dindo Perez
Submitted by ophalyn grace f... on December 14, 2009 - 4:59pm.
My favorite poem
Tulad ng muta
ang 'yong gandang
ianlis ko
sa aking mata.
Nalasahan ko ang 'yong halik
sa iniluwa
kong plema.
kasama sa uhog
ang 'yong halimuyak
na aking
isininga.
Mahal, kaninang umaga
nilunod kita
sa ala-ala
ng lababo.
Reaction: Ang tulang ito ay masasabi kong isa sa mga kakaiba at nakakatawang tula na aking nabasa, sapagkat hindi ko inakala na meron palang ganitong tula na nag-eexist. Ang mensahe marahil nito ay nasa mismong tula na, ang mabilisang paglimot sa isang taong naging bahagi ng buhay mo.
» ophalyn grace f. venezuela's blog | login to post comments | 641 reads


