RIZAL IS ALIVE (sinulat ni lloyd kenneth de castro, 4BSBM/FM)

rizal is alive. buhay si rizal. napakaimposible. kaya nga sya tinanghal na bayani ng bansang ito dahil sa katotohanang sya ay patay na. pero bakit ganito ang title ng blog na ito? oo buhay sya. buhay sya tulad ng hindi pagkamatay ni Hesus sa atin. tulad nh hndi pagkawala ng iba nating mga mahal sa buhay. buhay sila..buhay si rizal sa ating mga puso.

 hindi maikakailang napakaraming paraan na ang nagawa ng mga pilipino upang ipagpugay ang kabayanihan ng taong ito. ini require syang subject sa lahat na yatang kurso. dito sa batangas city, meron syang rebulto. iba ibang street na din ang ipinangalan sa kanya.

 piso. bakit ang ulo ni rizal ay nasa piso? bakit hndi sa 1000? di hamak na mas mahal yun. ang cheap naman. piso lang. kahit sino meron nyan e. MISMO. yun na nga ang dahilan. ang piso ay nahahawakan ng lahat ng pilipino. mapa artista, politiko, estudyante, tambay, mayaman man o mahirap. maging mga bata, pulubi at aeta. (lagi kasi silang nanghihingi ng piso..) kaya andun sya. sa piso lang nakalagay ang ulo ni rizal. para mas madaming tao ang makakilala sa kanya. lahat ng pinoy, may piso. lahat ng pinoy, may picture ni rizal na naka side view...

sa maraming paraan maaaring ipakita ang pagpupugay ng kabayanihan ng isang pambansang bayani. sa isang napakasimpleng bahay na magagawa ng isang estudyantrng tulad ko na kahit papano ay marunong mag internet. ang ipakalat sa website na ito na si rizal ay nabubuhay sa ating mga puso at isipan.

wala man sa kapangyarihan ko ang magpagawa ng rebulto nya sa tapat ng bahay namin, o ipaharap ang picture ni rizal sa piso, o ipagsulat sya ng isang buong libro..sa maliit na paraang ito, kahit na inirequire pa sa aming subjetc, naipakita ko at nagawa ko ang parte ko bilang isang pinoy na estudyuanteng marunong mag internet na may subject na ss104 sa batangas state university. ang ipakalat ang kahalagahan ng pagpupugay sa kabayanihan ni jose rizal...

LLOYD KENNETH L. DE CASTRO

4BSBM/FM

CABEIHM