RIZAL SA BUHAY NG KABATAAN
sino nga ba si jose rizal??
ang alam ko siya ang pambansang bayani..palagi ko siyang naririrnig mula pa noong elemantarya.. at nang ako ay tumuntong sa kolehiyo, lubos kong pinagkaisip isip kung bakit kasama sa curiculum namin ang asignaturang rizal..
noong una ay tinatamad ako sapagkat napakaraming saluluhin at madaming kailangan basahin..ngunit sa pagdaan ng mga araw sa aming pag-aaral ay unti-unti ko ng minahal ang asignaturang ito..ang kanyang buhay ay tila ba ga nakaplano na o "scripted"..ngunit nalantad sa akin na ang buhay niya ay naging isang biyaya para sa lahat ng mga Pilipino..
napakarami kong natutunan mula sa kanya, mga aral na aking ginagamit na nagyon sa aking buhay..isa na irto ay ang huwag gumamit ng dahas sa kabila ng mga pangyayari at bagay na nananakit sa iyo..mas mabuti ng umunawa ka at wag magpakain sa galit na iyong nadarama..natutunan kong magkaroon ng paninindigan at ipaglaban iyon hanggang sa huli..galangin ang opinyon ng iba at matutong makisama..
lubos kong hinahangaan ang kanyang mga prinsipyo sa buhay..kung paano niya hinaharap ang bawat unos na sumusubok sa kanyang pagkatao at katatagan..madaming pagsubok ang sa kanya ay dumaan ngunit lahat ng ito ay kanyang napagtagumpayan..marahil nga ay bumagsak din siya ng makailang beses ngunit ang mga pagkabigo sa kanyang buhay ay ginamit niya upang mas mapagbuti ang kanyang buhay..
ang kanyang katapangan at lubos na pagmamahal sa bayan ang naging susi upang ang Pilipinas ay magkaroon ng kasarinlan..ang kanyang mga pananaw ay nagsilbing mga gabay sa bawat pagkakataon at magpasa hanggang nagyon ang m,ga turo niya ay hindi nagbabago at kasalukuyan pa ding matatagpuan sa ating lipunan..
ngunit ano nga bang nakikita ng mga Pilipino sa kanya?? kung iyong mapapansin, para sa karamihan si RIZAL ay isang rebulto lamang sa may plaza, isang tao mula sa kahapon..ngunit kung wala ang taong ito, marahil ay isa pa ring alipin ang Pilipinas hanggang sa ngayon..
kung bubuksan lamang ng bawat Pilipino ang kanilang mga puso at mga mata, mamumulat sila sa katotohanan na si rizal bagamat pumanaw na ay mananatiling buhay sa ating mga alaala..isang taong nagpakita sa atin na ang pagmamahal sa bansa ay nagdadala ng kabutihan sa higit na nakakarami..
si rizal ay isang bayani..isang magandang ehemplo na marapat tuluran ng mga kabataang naliligaw ang landas sa pang kasalukuyan..



karagdagang pagninilay
salamat sa pagbabahagi mo ng iyong pagtingin tungkol kay rizal.
kuwentuhan lang...
ngunit kaiba sa iyong natuklasan sa pag-aaral ay may iba akong napag-alaman tungkol kay rizal.
tuklasin mo pa ang mga ito:
ikaw na sana ang bahalang tumuklas kapatid. kaunti pa lang ito, puwede ko pang dagdagan ang mga katanungan kung hahayaan mo.
maraming bagay ang hindi itinuturo ng mga guro sa asignaturang rizal.
- amos
A poet must also learn how to lead an attact
- Ho Chi Mi