Robby. (The journey of my pencil case)

eaudefrancois's picture
| |

Pumunta ako sa science lab at nag experiment. Matapos naming gawin ang activity namin.  Wala akong namalayan at biglang wala na si Robby sa tabi ko. This is the start of Robby's adventure. Ang kanyang paglalakbay pabalik sa may ari sa kanya.

"Naku nasaan na ba si Francis." Wika ni Robby sa kanyang sarili. Hinahanap niya si Francis ngunit hindi pa rin niya makita. Umiyak si Robby at lumakas ang loob niya dahil may pumasok at may naka kita sa kanya. Kinuha siya nung lalaki at inilagay sa Lost and found. "Ahhhhh!! ayaw ko dito. Gusto kong makaalis sa kulungang ito." Sabi ni Robby at biglang may nagsalitang isang Jug. "Depende iyon kung may kumuha sayo labas ka na. Ako nga 2 taon na akong nandito. Wala pang nagkeclaim." "Anung pangalan mo?" Tanong ni Robby sa Jug. "Jig Coleman." Sagot ng Jug sa kanya. 

Naging matalik na kaibigan ni Robby si Jig. Hapon na noon nang ma claim si Robby ng isang babae na nakadamit na blue. Nagpaalam siya kay Jig. Nilagay siya sa isang lamesa at maduming madumi siya. Bigla siyang umalis sa mesa. at naglakad at muli siyang nawala. Nakita ulit siya ng babaeng nakablue na damit at bumalik sa Lamesa. Malamig ang lugar ngunit hindi siya makatagal. 

++++++Lumipas ang isang araw++++++

Hindi pa rin siya umaalis sa malamig na lugar. Umaga hinanap siya ni Francis at hindi niya nahanap.

Lumabas si Robby sa malamig na Lugar at nakaramdam rin ng init. "Ang sarap ng mainit. Hayyy ayaw ko rin sa malamig na lugar na iyon." Ang sabi ni Robby sa kanyang sarili. Nakita muli siya ng Babaeng naka blue at pinasok muli sa malamig na lugar. Hapon na noong nakalabas na ng tuluyan si Robby. Dinala siya ng babaeng nakablue sa isang lamesa ngunit ang lamesa ay napaka init naman. "Ang init ang lamig mukhang magkakasakit ako." Inuubo si Robby. Nakita ni Robby na maraming tao ang dumadaan at nakapila at may biglang pumasok sa kwartong kinalalagyan ng Lamesa at kinalalagyan niya. Nakita niya ang isang lalaki kasama ang amo niya. Kinuha siya nung lalaki. "Neil I have a surprise for you. Here is your pencil case." Ang sabi nung lalaki sa kanya. Nagulat si Neil(Ang buong pangalan ni Francis ay Neil Francis pero Neil ang tawag sa kanya ng mga kaklase niya). Nagulat si Francis at niyakap niya si Robby ang kanyang nawawalang pencil case. Himalang nawala ang sakit ni Robby dahil sa mainit na yakap ng kanyang amo. Pinangako ni Francis kay Robby na hindi na siya wawalain pa. Nakalagay siya sa bag ni Francis at nakaraan ang maraming oras at umuwi silang dalawa. 

Haha...naiwan ko kasi ang pencil case ko sa science lab namin. :)


Observable Universe's picture

Nice

Very nice, point-of-view pala yun ni pencil case. ^_^v

eaudefrancois's picture

Haha

Han..Dul..Set! Anyonghaseyo jei-ie-rum- yun Myung-Ki ipnida. Pinapangalanan ko kasi yung mga gamit ko eh...Si Robinson(Robby) yung pencil case ko.. Si Cassandra yung bolpen ko. Si Genghis yung pencil ko. Si Stabby yung eraser ko

   Ahahaha kapangalan ko

 

 Ahahaha

kapangalan ko pala yung bolpen mo. cassandra talaga name? 

nice nice