sa 2010 Elections (PARA SA KABATAAN)

galatea hopkirk's picture
| |

 

 

Sa 2010 Elections

Isang taon mula ngayo'y

May pagkakataon na akong

Pumili ng aking pinuno

Na susundin ko

Sa loob ng anim na taon

At sumusumpa ako

Na kahit kailan

Hindi ako papayag

Na makapasok sa palasyo

Ang mga ligaw na buwaya.

Minsan nang nalinlang

Ng buwayang sinliit ng butiki

Ang isang kalabaw,

Ngunit ngayo'y hindi na.

Minsan nang nagkubli

Ang mga baho

Sa halimuyak ng sampagita.

 

Kaya't ako'y dumadaing

Hindi sa mga buwaya

Kundi sa kapwa ko kabataan

Na huwag sanang hayaang

Magapi ang agilang lumilipad

At masipag na kalabaw

Ng isang butiki lamang.

 

Tandaan sana itong

Munting payo ko:

Hindi Dota, o Friendster, o Facebook

O ang teksmeyt mo

Ang mananatiling kasama mo

At ng bayan mo

Sa sunod na anim na taon.

 

Huwag sanang padala

Sa sulsol ng iba

O pasakop

Sa kung anong uso.

Ugaliing magkaroon ka

Ng sariling paninindigan.

Hindi ka maaaring paglaruan

Sapagkat may kakayahan ka

Kabataang Pilipino.

 

Ang utak mo'y ‘di utak ng iba

Ang prinsipyo ng iba'y  hindi mo prinsipyo.

Kung magpapalinlang ka

Sa mga hanay ng buwaya

At mga palaka,

Wala kang ibang niloko

Kundi sariling bayan mo.

 

 

 

Galatea Artemis

isang hamon para sa mga kapwa ko kabataan mula sa isang kabataang unti-unting nabubuksan ang isipan...gamitin natin ang ating karapatan.

(sana may eleksyon nga...excited na kasi ako.)