Sa Aking Burol

Patrickman's picture
| |

Sa Aking Burol

 

Pasok, tuloy po

Sa aking burol

Pagpasensyahan niyo na po

Ang mga umiiyak

At umuungol

Sila’y mga kamag-anak

At mga kaibigang

Feeling close

Ngunit hindi naman dumamay

Noong ako’y

Naghihikahos

 

Noong aking

Inaabot pa lang

Ang aking mga pangarap

Aking naranasan

Lahat na yata ng

Uri ng hirap

Nilapitan ko

Ang kung sinu-sinong taong

Halos lahat ay tumalikod, lumayo

Ngunit nagpakatatag

Sa kabila ng mga pagkatalo

 

Ngunit ang buhay ay

Sadyang mapanubok

Ako’y ibinagsak

Sinipa’t sinuntok

Ang kasaganahang natamo’y

Hindi rin naman nagtagal

Sunud-sunod na suliranin

Ang sa aki’y sumampal

Hindi pa nakakaaho’y

Nariyan na naman

Mga suliraning

Kay hirap takasan

 

Hanggang sa bandang huli’y

Hindi na kinaya pa

Napagpasyahan na lang

Malagot ang hiniga

Wala rin namang silbi

Ang magpatuloy pa

Sa hamon ng buhay

Na wala namang pag-asa

 

Kaya pasok, tuloy po

Sa aking burol

Tapos na ang talunang

Pakikipagbuno’t paghabol

Sa mga mithiin at mga pangarap

Nawa’y sa kabilang buhay

Makaranas na rin ng sarap.

  

30 May 2009; 02, 03 June 2009

Patrick Orquia

the world premiere of my newest poem, yey! :D

 

 

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com


marco liwanag's picture

       kaya

 
 
 
 kaya pala:
 
 
ng ako'y magtuloy sa burol na iyon
may kaakibat na kilabot nga doon
hatid sa akin ay isang  diwang lipos
ng mga damdaming puno ng hilahod
 

may kasunod........

Patrickman's picture

eh?

...mmmkay... 

kahit wala nang kasunod, pre, ok lang... i-post mo na lang dito sa FW yung kung anuman yang binabalak mo. :D

 

salamat sa pagbasa! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Ailem23's picture

kuya...

Naalala ko iyong nagpakamatay kong tiyahin...  
****** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

Patrickman's picture

naku, melay...

i'm sorry to hear that... er, read pala... 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Hello Patrick! Buhay na buhay ang iyong burol!

Helo Patrick!   

 

hmm, emo ang dating ---

pero, magaling, magaling! 

maraming iiling

kapag ang mga tulang ganito'y 

kinukubli't... nililibing.

 

Salamat sa pagbabahagi.

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

http://atmaramipangiba.wordpress.com

http://courtofreverie.wordpress.com

Patrickman's picture

thanks, ruth!

 nye... emo ba? hindi nman a... anyway, salamat sa pagbasa!

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jonsdmur's picture

magaling!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

maganda.... bilib ako sa mga nagawang tula mo... lahat magaganda...

Patrickman's picture

salamat jon! salamat sa

salamat jon! salamat sa pagbasa at pagtangkilik. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

gaya ng sa fb

me dala na po akong bulaklak..

pwede na po ba akong tumuloy?

 

salamat po piso sa isang basong kape at  biskit

nakikiramay po.......

 

 ( sabay sight seeing sa nakakaaliw at maliwanag na burol)

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

Patrickman's picture

perahin mo na lang,

perahin mo na lang, hehehe... gusto mo chichacorn?

 

bakit may sight seeing? haha, burol nga... as in parang chocolate hills na burol? gusto ko makapunta doon someday... wala lang.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

ako nakapunta na dun.

ako nakapunta na dun. hehehe

 

sight seeing sa loob ng burol. hehehehe.. sight seeing sa mga taong nakidalaw nakiramay at nakikain... hehehe

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

Patrickman's picture

aaaah... ok... ibang klase

aaaah... ok... ibang klase ka pala mag-sight-seeing a, sa may burol... ayos... malungkot siguro yun, ano? hehehe...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

yun

helow po, bago lang ako dito.

 gaano katagal ka na pong nagsusulat? <off-topic>Laughing

Patrickman's picture

natuto po akong magsulat

natuto po akong magsulat noong ako'y limang taong gulang pa lamang sa kindergarten... 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

noelablon's picture

Pare saan ba itong burol na ito?

Nais ko sanang ipaabot ang aking pakikiramay pero nasa malayong lugar ako hehe!

Ayos, naaalala ko tuloy ang senti moments ko. Noong ako'y baguhan dito sa Saudi. Yung tipong walang umaalala sa akin. Yung tipong iisipin mong ang hirap ng pakikibaka mo sa Saudi tapos nagpapadala ka ng pera tapos di maaalala ang birthday mo. Magtatampo kang talaga. Gaya nitong nakaraan, wala man lang bumati from Pinas kaya tampo ako buti na lang nandito ang wife at baby ko.

Magandang poem. Kailan kaya ako gagawa ng poem ulit. Wala pa kasing pumapasok na idea sa akin eh.

====

Mga Patok sa Takilya

Patrickman's picture

salamat

sobrang bad trip talaga kapag maaalala ka lang ng mga tao kapag may kailangan sa iyo o kapag patay ka na...

sulat lang nang sulat!

pakibasa rin po yung bago kong tula (not really bago, kasi written siya 5 years ago... bagong post dito sa FW, hehe...):

May Pasok Kaya Bukas?

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

jonsdmur's picture

muli kong binasa

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

at masasabi kong di ko pagsasawaang basahin.. kapag kaluluwa na ako.. tutulain ko ito.... at mumultuhin ko ang mga kamag anak na feeling close heheeheheh....

maganda!

jons 

Patrickman's picture

wushu... baka naman

wushu... baka naman mag-abroad ka kapag patay ka na ha, ehehehe... Ü

 

pakibasa rin po yung bago kong tula (bagong post dito sa FW, hehe...):

May Pasok Kaya Bukas?

 

salamat sa pagbasa!

 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star