Sa Aking Isipan

|

Sa Aking Isipan

Sa aking isipan, ikaw ay nabuo
Makinis ang kutis, mukha ay maamo
Manipis ang labi, hininga’y mabango
Parang paraluman sa ‘sang paraiso

Ang mga ngiti mo’y nanghahalina
Mga halakhak mo ay parang musika
Wari’y pumapawi sa sakit at dusa
Ng isang binatang sayo’y sumisinta

Mapungay mong mata’y nakabibighani
Ikaw ay larawan ng ‘sang lakambini
Nagbibigay sigla sa ‘sang pusong sawi
Dalisay na pag-ibig ang s’yang minimithi

Rodelito O. Brazal

The author is Bicolano and an MBA.  He is a mathematics teacher in one of the colleges in Iriga City in Bicol.  Writing is one of his outlet to relieve himself of the stresses he encountered in the pursuit of his profession.