sa aking mundo
sa lungkot ng gabi nakakulong
sa ihip ng hangin nagsusumbong
dalamhati sa dibdib na yumayabong
libong kabiguan sa loob ko'y nagbangon.
sa gitna ng dilim kaluluwa'y ligalig
ng iyong alaalang sa isip di mawaglit
pilitin mang iwaksi, pilit ding nagbabalik
usal ng bibig pangalan mo binabanggit.
naparam na mga ngiti sa alak ng luha
bunsod ng aking marubdob na nasa
dito sa mundong sikil ang aking laya
hanguin mo nawa ng kamtan ko ang ligaya.
ang pait ng kahapong inaawit ng gunita
musikang pahirap sa kamalayang aba
alingawngaw na tila di ata mawawala
pasakit sa aking isipang pata.
silipin mo ako sa aking pag-iisa
tanawin mo ako sa gitna ng pagdurusa
salimuot kong paraiso dahil sa iyong alaala
ang paglimot sa iyo kay hirap ng mawala.

Hey!
I'm just wondering... why do you keep changing your name under the title of "Author?" Sometimes you don't bother writing that detail at all so I'm just a bit confused with the inconsistence. You mix around with the names:
Chiaroscuro-- Antay and other post entries
AngelMale-- in the entry of "Panimula"
Jesrael Rivera-- This entry, "Sa Aking Mundo"
It's a little confusing... wait! Are you plagiarising by any chance? Or is it that the poems under those names are from your band and not really yours? Just asking... not that it mattered to me.
ang cute ng icon mo
para kasing di ako kuntento pag di ko ginamit ang mga names na yan.
chiaroscuro-minsan kong ginamit yan bilang pen name sa friendship pen pal naming program dati.
marco liwanag-may sarili akong dahilan sa paggamit nyan dahil sa aking sariling depinisyon na "marco(comes from the word mark)meaning tatak+Liwanag(light)= tatak liwanag" yan ang paliwanag ko po dyan.
Angel male- di kasi ako ang nagtype ng "panimula" ipinaki-type ko lang nagpasok ang loko ng bagong name ko.
jesrael rivera-that is my real name.
sometimes i use
rhend/Rhendose-usually pag nasa chat room ako sa text o iba pang computer material.
xencia na po sa paggamit ko ng maraming names.
pero dont worry,i hate plagiarist,lahat po ng nandyan gawa kong sarili
i didn't steal it to other. o kung magpopost ako ng di akin.aaminin ko po na di akin un.
C H I A R O S C U R O




good job!
galing.. nakakarelate ako.
silipin mo ako sa aking pag-iisa
tanawin mo ako sa gitna ng pagdurusa
salimuot kong paraiso dahil sa iyong alaala
ang paglimot sa iyo kay hirap ng mawala