Sa Aking Opinyon lang… Anong Opinyon mo?

Melanie Quilla's picture

     Nagpunta ako sa mall kahapon para magpa-LBC ng manuscript na ipapadala sa….. (secret muna at baka mabati!). At dahil naghahanap akong ng inspirasyon sa sinusulat naming sequel ni Eloisa, naglibut-libot muna ako sa mall bago umuwi. Ilang grupo ng kabataan ang nakasalubong ko. May mukhang magkakapatid, may magpipinsan siguro, magkaka-berks o magkakasama sa isang clan (texting clan, chatting clan, fraternity o sorority).           

      Isa lang ang napansin kong common sa grupo… ang mga “ineng” at “utoy” na animo’y mga “feeling mature na” kung mag-holding hands, magyakapan at mag-kiss. Take note: Nasa mall ako, public place, at nakita ko silang ginagawa ang mga bagay na iyon sa gitna ng napakaraming tao. Di man lang doon sa hallway papuntang restrooms na may mga telephone booths nagpunta para magkubli. PDA… Public Display of Affection. At dahil sa sobrang kunot ng noo ko, pasimple ko silang sinundan… para lang pala ma-witness ang di ko mawaring “way of showing affection in public place” na ginagawa ng mga batang iyon.          

     Sa tingin ko, naglalaro lang sa edad 12-14 ang age ng mga “very young couples” na nakita ko. At kung paano sila manamit particular na ang mga babae? Anak ng pinakamaalat na asin! Natalo pa ako sa fashion statement ng mga ineng- micro-mini-skirt, halter blouse, backless, tube-vanez, with matching stillettos pa. Wow! Kung siguro magtabi kami ng isa sa mga iyon mas mapagkakamalan pa akong batang yagit na pakalat-kalat sa simpleng shirt, pants at simpleng tsinelas na suot ko. At ang mga utoy ay hindi papahuli. Bihadong patay ang butiking mamalasing lumagpak sa tirik-tirik na buhok ng mga iyon with matching highlights pa. Sa’n ka pa!!! Ashtig!!!! Lumingon ako sa paligid para masiguradong hindi ako naliligaw sa ibang planeta o kaya’y baka may elyen inbeysyon na. Pero nasa earth pa rin ako… sa gitna ng mall… at pinanood ang mga batang ito habang sari-saring “question mark” ang nagsusulputan sa utak ko.            

    Okay lang sana kung ganon sila manamit. Madali namang i-justify na nasa period sila ng pagdadalaga at pagbibinata… ang era kung kailan ang mga batang ito ay haling sa pagsunod kung ano ang uso. Pero ang makipag-holding hands, makipagyakapan, ay makipag-kissing scene at that VERY young age?  WooooH! Ibang usapan na iyon!!! Naisip ko tuloy, alam ba nila ang ginagawa nila? Ano ang alam nila sa ganong bagay? 

           Ewan ko kung napapansin ng iba pero ako pansin ko na talaga. Pabata ng pabata ang age bracket ng mga nagkalat na “mag-syu” , mag-jowa, mag-bf, mag-chuva o kahit ano pa ang gusto nilang itawag nila sa kanila. Pero hindi ko talaga lubos maisip kung nauunawaan ba ng mga batang ito ang tunay na ibig sabihin ng love, romance, o courtship man lang? 

            Tanong: What is Love?    

         Sagot:  Love is like a rosary that’s full of mistery.                                    

          Love is blind.                        

Love moves in mysterious ways.                       

Love takes time to heal when it hurts so much!

            Nyahahaha! Iyan ang mga mabentang definition ng “Love” sa slumbook ng mga batang nasa bracket ng age 12-14. Mga gasgas at panis  na sagot sa makabagbag-damdaming tanong na ‘wat is lab?’ Pero nagugulat talaga ako sa pinapakita ng ilan sa mga kabataan ngayon. Sa opinion ko lang, ginagawa na nila ang mga bagay na di pa dapat gawin ng mga batang dapat sana ay; 1.      nasa open field at nakikipagpatentero sa halip na nakikipagyakapan, 2.      nage-enjoy manood ng anime sa halip na manood ng rated x na movie,3.      nagbabasa ng textbooks at school notes sa halip na nagbubuklat ng FHM at Maxim,4.      nakikipagtitigan sa World map, Asian map, at Philippine map sa halip na makipagtitigan kina Katrina Halili, Andrea del Rosario at Maui Taylor sa kalendaryong nakadikit sa likod ng pinto ng kanilang silid, 5.       masaya na sa kendi at bubble gum na hinuthot sa kabarkada sa halip na humihithit na ng sigarilyo, rugby o shabu, at6.      solb na sa lemon iced tea, red tea, Zagu, palamig, at sago’t gulaman sa halip na tumatagay na ng SMB, Redhorse, Colt45 at Ginebra.  Nakakalungkot isipin dahil mga bata pa sila… mga batang nagmamadaling tumanda sa pag-aakalang ganon lang kadali ang buhay….   

          Mataas ang emotional level ng mga teenagers. Konting problema, pakiramdam nila buhat nila ang daigdig. Masyado rin silang malakas ang loob. Manyapa’t  nagsimula na silang makita ang “da riyal world” feeling nila mature na sila agad. Super-hyper-active. Feeling nila, lahat ng kanilang ginagawa ay tama… sa pag-aakalang lahat ng “in” ay tama. Walang sinasanto kahit na santo, pari, principal, at magulang pa ang kaharap. “I conquer the world” ang drama. Subok dito, subok doon. Matigas ang ulo. Madalas na hindi nag-iisip bago gawin ang isang bagay. Sige lang ng sige. At ang laging katwiran kapag nasesermunan, “’Wag n’yo akong pakialaman. Alam ko ang ginagawa ko. Kaya ko ang sarili ko.” 

           Kapag nakakarinig ako ng mga ganyang balugtot na katwiran ng mga bata, gusting-gustong sumabat ng, “Oy ineng, utoy gising! Bata ka pa, may gatas ka pa sa labi. Alam mo ba ang pinagsasabi mo?” 

            Mula noong high school student pa lang ako hanggang ngayong graduate na ako ng college, marami na rin pala akong nakilala na mga kabataang nasabak sa early parenthood sa edad na 14 and above. Mga edad ng kabataang dapat ay nakikipaglaro pa sa maliliit na kapatid sa halip na makipaglaro sa sariling anak. 

           Tanong ng bayan: Ginusto ba nila ang mabuntis o makabuntis noong panahong iyon na dapat ay nasa apat na sulok sila ng silid-aralan at hindi sa apat na sulok ng kwarto sa motel o bedspace sa boarding house?

            Pustahan, karamihan ay sasagot ng HINDI. Iyong tipong kung puwede nga lang mag-time travel ay ura-urada silang babalik sa nakaraan at hindi na nila gagawin iyon.    

          Tanong ulit: Eh, bakit nila ginawa?

             Sagot ng isang guilty: “Curious ako eh, na-curious kasi kami.” 

             Wow! Anak ng…! Walanjek! Nampusia!… Curious? Curiousity? 

           Sino bang nag-imbento ng salitang iyon? Kung ganon, siya dapat ang hunting-in dahil may kinalaman siya kung bakit laganap ang Pre-marital Sex ngayon lalo na sa mga super bata.  

           Curiosity… Something like this….  

           The following scene was based on a true to life incident of one of my “minor” relatives. (My Gas! Talagang sa pinsan ko pang 15 years old lang nangyari!!! Hay naku!)

              Setting: Batang mag-jowa, 15 si utoy, 14 si ineng. Nanonood ng porn movie sa bahay ni utoy. Sila lang ang tao. Walang parents dahil nasa trabaho. Ang paalam ni ineng sa bahay ay mamimiyesta lang kasama ng babaeng kabarkada. Iyon pala, ibang piyetahan ang pinuntahan nila.  

          Utoy: Paano kaya gawin iyan? Ano kaya ang feeling? (pertaing sa porn movie… ikaw na lang ang mag-imagine kung anong porn movie siya dahil di naman ako nanonood ng gay-on!)             Ineng: Ewan ko… sabi nila masaya daw iyan. Nakaka-curious.  

           Utoy: Try kaya natin. Wala lang trip-trip.    

          Ineng: Okay sige, wala namang mawawala. 

             At iyon na iyon… ikaw na ang bahalang magtuloy ng kwento dahil hindi na naman ikwento ng pinsan ko ang kasunod syempre at alam kong alam n’yo na ang sunod na milagrong nangyayari. Wow! Anak ng…! Walanjek! Nampusia!…agen! Trip-trip lang? Hindi man lang nag-isip ang dalawa kung tama ba o mali, laban ba o bawi, pera ba o bayong!             Sa ganitong sitwasyon, naaawa ako  sa mga magulang ng ilang kabataang ganito ang ginagawa. Ang tino ng paalam sa magulang tapos ibang fiesta pala ang dinaluhan. Walang kaalam-alam ang kanilang  mga magulang sa kabalbalang ginagawa nila. Pero kapag nagkaletsehan na pagkalipas ng ilang buwan, sa magulang din sila lalapit at sasabihin ang nakakagimbal na linyang, “’Nay, ‘Tay buntis ako,” o “’Nay, ‘Tay nakabuntis ako.”   

         Ewan ko lang kung magawa pa nilang masabi ang katwirang, “’Wag n’yo akong pakialaman. Alam ko ang ginagawa ko. Kaya ko ang sarili ko,” gayong hihingi rin pala sila ng saklolo sa mga pobreng magulang na lubos na nagtiwala sa mga anak nilang mas inuna pa ang “curiosity” kaysa mag-aral. Ang sakit sa parte ng isang magulang na umasang ang anak niyang ito, na gumawa ng milagro,  ang tutulong sana sa kanila para umayos ang buhay nila kahit papaano. Tapos uuwi lang pala na may dagdag na bagahe. May mga kabataang hindi inatrasan ang hamon ng pagiging “batang magulang.” Kahit menor de edad pa lang ay pinanindigan nilang magsama, maging tunay na mag-asawa, at sinikap maging mabuting ina at ama sa anak nila. May mga napatigil sa pag-aaral para kumita ng pera para sa pamilya ngunit hindi pa rin binibitawan ang pangako sa magulang na magtatapos pa rin sila ng pag-aaral. May mga masuwerteng pinag-aral pa rin ng magulang habang sinusubukang maging matinong magulang din sa kanilang anak. Ngunit hindi lahat ganon ang nangyayari. May mga batang ina na basta na lang tinakbuhan ng nakadisgrasya sa kanila. May mga lalaki talagang ipinanganak ng heyowp!  Pero hindi iyon naging hadlang para maging mabuting magulang pa rin sila.Sa puntong iyon, hanga ako sa kanila. Dahil sa kabila ng mga pangyayari, pinanindigan nila ang consequence ng kanilang “curiosity.” Di tulag ng iba, nilamon ng takot, hiya, at kaduwagan kaya pinili na lang na takbuhan ang kanilang “responsibilidad.”Abortion. Nakakabad-trip ‘pag may naririnig akong kwentuhan na may nagpa-abort na teenager o kahit hindi teenager. Noong nakaraang taon, may nagtapon sa damuhan sa tabi ng bahay namin ng garapon na may lamang four-month old fetus. Yamot na yamot ako noon. May mga mag-asawa ngang handang gumastos ng milyon magka-anak lang pero hindi magkaanak tapos may mga taong nasa kamay na ang nga pribilehiyong maging magulang pero tinanggihan lang nila. Nakakadismaya talaga. A, ah! Kahit baligtarin ang mundo, wala akong makitang magandang dahilan para ilaglag na lang ang bata na merong napakaraming dahilan para mabuhay. Heyowp! Hindi man lang binigyan ng pagkakataon ang bata na makasilay man lang sa ganda ng mundo. Buhay! Pinagkaitan ang batang mabuhay! Eh kung sila kaya ang inilaglag na lang ng nanay nila noon, anong mararamdaman nila ngayon?Aba, cargo de consencia na ng mga “guilty”  iyon. Dahil wala silang pinagkaiba sa mga hired killers, assassin, terorista, lamok na carrier ng dengue at malaria, lindol, tsunami, at flash flood. Pumatay sila. At kasalanang mortal ang pumatay. Tamaan na ang dapat tamaan… Well, dapat lang na tamaan ang mga guilty. Bahala silang maging “Anak ni Janice” ang mga nilaglag nilang baby at maging main cast “Tiyanak 2.” 

    Hindi ko sila kinokondena dahil wala naman ako sa posisyon para gawin iyon. Para sa mga kabataang papunta pa lang sa ganitong sitwasyon sana maging bukas ang isipan ng mga kabataang ito para sa ikabubuti rin nila. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon para gawin nila iyon o mangyari iyon sa kanila. Ang dapat nilang gawin ay mag-aral muna. Marami silang oras para sa love life kapag nakatapos sila ng pag-aaral. Sa mga sandaling iyon, wala nang aangal ‘pag sinabi nilang mature na sila at kaya na nila ang sarili nila. ‘Wag muna sana silang magmadali dahil talaga namang ang hirap mabuhay ngayon… Siguro naman ay hindi rin nila gustong pati anak nila ay madamay sa pinagdaanan nila.

            At sa mga kabataang umabot na sa ganito ang sitwasyon, subukan sana nilang bumangon mula sa pagkakamali. Walang taong perpekto. Magkakamali tayo para matuto tayo mula sa mga pagkakamaling iyon. Magsisi man at magsisi, wala na rin namang magagawa. Nangyari na… andyan na… Isipin na lang nila ang ikabubuti ng mga “munting anghel” na biglang dumating sa buhay nila sa kanilang murang edad. Hindi pa naman huli ang lahat. Sa katunayan nga, hawak nila sa kanilang mga kamay ang haba ng panahong pwede nilang patunayan na kaya nilang maging mabuting magulang na ipagmamalaki ng kanilang mga anak pagdating ng tamang panahon.


rose's picture

YOU GOT RIGHT!

Bravo, napakagandang kwento na talagang kapupulutan mo ng aral. sana maraming mga kabataan ang makabasa nitong kwento ni melanie. tama lahat ng sinabi mo! sa pagiging dalaga dapat eenjoy mo muna ang buhay dalaga, mag-aral ka muna.

sa panahon ngayun marami na sa murang edad ay nadedesgrasya siguro nga dala ng curiosity na kung ano meron kapag pinasok nila iyun, mga desisyun na hindi muna  pinag-iisipang mabuti ang consequences na pwedeng mangyari! sa hirap ng buhay ngayun mahirap ang mabuntis nalang basta basta na wala sa oras. at minsan tao lang tayo na nagiging marupok na kung mangyari man ang hindi inaasahan dapat handa tayong tumayo sa responsibilidad, handa tayong harapin ang hamon ng buhay!

MABROOK melanie!

Kiss 

  

spike_west's picture

IMPRESSIVE

I'm really impressed by your views in life. Maganda na sa mura mo pa ring edad ay alam mo na ang takbo ng mundo. Marunong magpahalaga sa buhay at dama ang karamdaman ng lipunan. Iilang kabataan lang ang may bukas na mata sa ating mundong ginagalawan, iilang kabataan ang handang sabihin sa lahat ng kalakaran ng daigdig, at ikaw ay isa sa mga kabataan na yun.

Naniniwala ako sa mga sinabi, at natutuwa din na meron pa rin palang kabataan na kagaya mo. Basta maging matibay ka lang sa pinaninindigan mo at abutin mo ang mga pangarap mo.

Sana ipagpatuloy mo pa ang pagsusulat, tulungan pa ang ibang kabataang kagaya mo na maging responsable at may direksyon sa buhay.

Ingat lagi,

 

SpIke

Melanie Quilla's picture

maraming salamat!

 Sa totoo lang, inilabas ko lang ang inis ko sa mga nakikita ko sa paligid... matagal din akong humawak ng youth organizations at parte rin ako ng "Kabataan" kaya aware ako sa nangyayari sa kanila.. Mga kabataan talaga ang focus ng mga sinusulat ko especially iyong una naming published book  ng pinsan kong si Eloisa. Sa itinatakbo kasi ng isipan ng mga kabataang ngayon, aware kami makakatulong ang mga sinusulat namin ng pinsan ko para mabuksan ang isipan ng mga kabataan tungkol sa halaga ng buhay ant consequence ng kanilang mga ginagawa whether good or bad.

 

Thank you po sa pag-comment,

Melay

dyeppri's picture

Maganda ang topic mo...

Maganda ang topic mo... Noong umpisa ay ayos ang pagkakadeliver at maganda naman talaga ang bawat description sa detalye pero kay haba na at medyo nakakainip na. Merong mangilan ngilan na paragraph na sa tingin ko ay di na kelangan sa story kasi nagets naman na noong mga unang stanza... Yun lang po ang sa palagay ko o baka mali ako kasi nagsasawa na lang ako sa pagiging nagger ng esmi ko. HEHEHE... sALAMAT PO. 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

eloisa marie hernandez's picture

Whahaha. whuhuhu. whihihi

Oy insan . . . talagang bulgaran eh . . . haha! 'wag kang mag-alala. Siguro naman nadala na 'yang pinsan mo. Teka, na-kwento mo na ba sakin 'yon? Pero namputsa, ah-ah, out of curiosity ginawa nila 'yon? Ya-eh na, ma-re-realize din ng dalawang 'yon ang pagkakamali nila. Ako, kahit alam mo, niyo, nating lahat na baliw ako eh hinding-hindi ko 'yon gagawin. mamamatay muna ako! Haha! Ako nga eh, kow! Hindi mawawala ang isang araw na may nakikita akong ganyan. Sa bus, school, hospital duty, kalsada, bangketa, hagdan, ilalim ng hagdan, gitna ng hagdan, dulo ng handan. Sa jeep meron din. Basta lahat meron. Kasuka-suka na eh. 

Melanie Quilla's picture

whaha

oy hindi naman bulgaran yan. hindi ko naman binanggit ang pangalan niya. hay naku nakwento ko na iyon sa 'yo. well, sa rami ng pinsan kong ganon eh baka nakalimutan mo na... hahaha. Ay naku, subukan mo lang kumalantari at that young age at kakaladkarin kita pabalik sa matris ng nanay mo! Brutal! But anyway, alam ko namang hindi mo iyon gagawin... hehehe... Matitinong baliw tayo eh... nagmana ka sa akin... may selective insanity...

o siya, salamat sa komentong ewan mo... hehehe... ingats lagi...

 

Melay

ahhhh

Sobrang ambilis talaga magbago ng panahon.

nung nasa ganuong edad ako e nanunuod lang ako ng cartoons sa TV, nagbabasketball, at namumrobrema sa mga tumutubong taghiyawat ko sa ilong dahil sigurado akong tampulan na naman ako ng tukso ng mga kaklase ko. Teka, kung hindi ako nagkakamali e parang kelan lang yun. Limang taon lang siguro ang nakakaraan.

 Hay Buhay!

kuryos na kabataan?

tingin ko hindi lang curiosity ang nagdala sa mga pinsan mo sa pagiging early parents o anuman.'yun e nadagdagan ng hibo ng kabataan na kapusukan. nagsisimula 'yan sa pahalik-halik (kuha sa kwentong drama sa tv na bwisit) dahil mahal daw nila ang bawat isa (kamahal ng bigas naman kasi) at kamukat-mukat may nangyayari na dahil syempre me sexual drive bawat taong normal.e kung me pagkakataon nga naman...

sabi nga ng lola ko: walang santo't banal sa bukas na kaban.

pero korek ka rin Inday sa iyong damdamin na hindi dapat mangyari sa mga kabataan ang ganay-on (ay ano 'ga!) at mangyari man ng 'di sinasadya' (pagkatapos ng lahat) e dapat panindigan yung kanilang tinindigan, hinigaan at ipinaghiga. o di baga?

gayunman, hindi lamang sa makabagong panahon nangyayari ang ganyan. nagkakabuntisan din noon kahit sinasabi nating mahigpit ang panahon sa dangal ng pagkababae. noong araw ang isang babae ay matandang dalaga na pag inabot ng 25 nang walang asawa.noong araw bagama't itinatago ng mga dalaga ang kanilang binti e inilalabas naman ang boobs. kung bawal noon na hawakan ang kamay ng dalaga sa karaniwang pagkakataon, maaari mo naman siyang idikit sa katawan mo ng todo sa sayawan. baka narinig mo na yung dancing style na cheek-to-cheek.noon lang kayo magkakakilala pero ganoon na ang sayaw ninyo. e pag di ka nga naman...ngayon mo gawin ang ganoon at tiyak na magkakalintikan.

siguro ang sinasabi ko lang dito (para di na humaba) e pana-panahon iyan. ang iniaayaw natin sa mga kabataan ngayon, e siyang gumigiyagis sa utak ng ating mga magulang noong kabataan natin. o at least namin.

hindi naman sa pinapayagan ko ito o kinukunsinti kumbaga. baka isipin mo na ikaw lamang ang ganyan mag-isip. kami man e ayaw na ayaw sa nangyayari ngayon.hwag mo lamang gaanong daramdamin ang mga bagay-bagay at masamain ang mga nakagagawa ng ganoon. marami ang dahilan, kasama na ang pakahulugan natin sa pag-ibig (the most used, over-used, disused, abused term of endearment, ever).

alam mo naman ang pag-ibig, pag nasok sa puso ninuman, matututo kang mangutang, masunod lamang..hehe

pagbutihin mo... sama kami sa iyo.

Melanie Quilla's picture

salamat po

tama kayo do'n katoto... iyan naman po ay sarili ko lang na opinyon... iba nga akong mag-isip compare sa kapawa ko kabataan pero wala silang magagawa dahil ito ako eh..  naaawa lang ako sa anak nila... kasi sabi ng pinsan ko, ala siya mapakain sa baby. ni hindi mabilhan ng gatas. wala kasing trabaho tapos ang kinakain nila ay iba't ibang dishes na puro talbos ang ingredient... la lang... ganito lang talaga akong masimpatya sa iba...

best regards,

melay

this is stupidity pero

this is stupidity pero sasagutin ko na rin ng equally stupid answer, syempre Hindi nila gustong mabuntis no? katangahan naman sa panahon ngayon na napakaraming birth control methods  at mabubuntis pa at makakabuntis pa? ang daming nabibili sa mga convenience store at drugstores kahit sa pinakaliblib na lugar eh may tindang condom sino ba may sabing wag nilang gawin? this is a free country  ang pilipinas nga ang pinaka-free na bansa sa southeast asia, free magpakatanga, free magpakagago, free na isipin mong magaling ka, free na isipin mong mas magaling ka at free na isipin mong pinakamagaling ka libre lahat so kung curious at gustong gawin eh di gawin nyo wag lang magpabuntis at mambuntis tapos!
harharhar you're all free to take offense libre lang!Tongue out

stupid is what stupid does!

You are right mr. redbrax you are stupid! now that I get that out of the way I'll try not to give melanie a stupid answer because the issue is far from being stupid I'm a mother of two girls and I take these matters seriously, my eldest is 12 years old and she's already in high school, too young to be in high school too impressionable and I'm worrying how the media both print and television is influencing our children in the way they conduct themselves, the way they dress and the way they relate to the opposite sex, and as parents we can only do so much, my husband and I regulate my kids' time in the internet, television and we also regulate their reading materials but when they are in school that's when I worry the most because some parents don't share the same values and principles and kids, high school kids are very impressionable and curious I feel sad about your fifteen year-old cousin melanie and maybe it's high time for parents to really give more focus not just time to their kids, spend time to get to know them, befriend their own kids, make them feel safer and secure to come to them for answers rather than find the answers to their questions somewhere else or  by experimenting. One of the reasons why I resigned from work is to be with my two pre-teen daughters  the other is aged 9 and I don't have any regrets because I get to be with my kids all the time and I can do what I love doing best, writing! You are a good example to your generation melanie I wish my daughter will get to know you too!

Libre lang pala.

Kung ganon ang hirit mo. ayos ka talaga! anyway kanya kanyang linya yan. may taong gustong mag-pakatao at may tao namang gustong maging tautauhan nalang. sabi nga walang pakialaman ng buhay... Now Days natural nayang mga pasaway na kabataan saang mang sulok ng mundo. Kaya kuya at ate walang pakialaman ng syota wahahaha.

Eto lang naman ang sa akin. Hindi pa huli ang lahat para itama ang mga nasimulan ng eskular na pasaway. Huwag nang hintayin pa ang galit at poot na ikaw rin ang babagsakan nito. mabuti na ang nakadilat ang isipan sa bulag na panahong kasalukuyan, apekto ng makabagong henerasyon at mga bulok na Gobyernong nag-mamalinis na kasuutan.

Sanay mag-patuloy pa ang mga tunay na guro ng kapwa kabataan, dahil kayo ang mas nakakaunawa at may mapalad na kinabukasan. pakisuyong buksan ang puso ng inyong nasasakupan sa panahong sa atin ay inatas ng lihim na karunungan.

Kaya po! mag-libre na Laughing

 

Special thanks to Melay and her cousin eloi. Super Bilib ako sa inyo. waaaaah

jonsdmur's picture

Iba na talaga ang sikat....

Iba na talaga ang sikat.... sikat na sikat ang mga post niya..

Tama ka... iba na talaga ang mga kabataan ngayon... marami akong nakikita sa mall na mga batang mag-nobyo na akala mo ay nasa tamang edad na sila para gawin iyon...

Iba na talaga ang mga kabataan ngayon....

Ang haba nga ng kwento mo... unang basa ko akala ko maikli lang ang nakasulat nagulat ako nang hindi pa natatapos ang talata hehehehe .

Maganda ang naiisip mo para kapag nabasa ng mga kabataan matauhan sila....jonsdmur

Melanie Quilla's picture

kuya ibet

thanks sa pagbabasa... iyan naman ay opninyon ko lang bilang bahagi ng mga kabataan ng bagong henerasyon... ganon talaga, kanya-kanya tayo ng plano sa buhay natin.. ngunit kahit anong mangyari,palagi talagang may second chance na naghihintay lang na i-grab natin...

salamat din kuya ibet...  

callie's picture

hehehe

ang ganda ng story mo ginawa....ate.. heheh

jaydread07's picture

whew!!!

'Di po tunay yung naka-post sa page mo na 'di ka pa puwede ihanay sa mga tunay na manunulat. Kongratz nga pala sa upcoming book nyo ng pinsan mo. Biro mo, naglakad ka lang sa mall, nagsulputan na lang bigla ang mga great, great ideas sa utak mo with matching good writing flows pa ha! You are a great writer ma'am. Good luck with your career.

Melanie Quilla's picture

maraming salamat

to callie... thanks sa pagbabasa... maraming thanks talaga...

to jaydread07,  naku, nahihiya na naman ako... ayaw ko ng binobola ng ganyan eh... pwera biro po, talaga namang wala pa akong napapatunayan bilang isang manunulat kaya hangga't wala pa iyong tamang oras, hindi ko pa rin  talaga mahahanay ang sarili ko bilang tunay na manunulat... siguro naman, sa pagtagal ng panahon papunta rin ako doon... future pa at hindi pa ngayon...

mas madalas akong nakakagawa ng isusulat kapag pakalat-kalat lang ako...kaya madalas, muntik na akong makabangga ng ibang tao o kaya naman muntik ng mahulog sa eskaleytor! hahaha...

naku, wag ng ma'am...nakakahiya naman... melay na lang... oks na iyon... pwede ring pareng melay... hehehe...

maraming salamat po,

melay