Sa Aking Pag-iisa
Isang araw sa aking pag-iisa
nakatingin ako sa malayong wala
naglalakad sa mundong lahat ay abala
patungong kanya-kanyang direksyon nila
Isang araw sa aking pag-iisa
nasalubong at nakilala kita
sa maraming bagay tayo'y magkaiba
ngunit sa aking tabi ay nanatili ka
Minsan isang araw sa aking pag-iisa
mga puso natin pareho ng nadarama
sabi mo handa kang akoy makasama
sa hirap, ginhawa, lungkot at ligaya
Minsan isang araw sa ating pagsasama
naranasan kong maging masaya
nangarap at nag-asam ng magandang umaga
mga bukas na haharapin nating dalawa
Isang araw sa ating pagsasama
nakaya kong ngumiti sa kabila ng problema
naging matatag dahil kasama ka
hawak ko ang iyong kamay sa pakikibaka
Isang araw sa ating pagsasama
hindi nagtagal ang iyong nadarama
hanggang iniwan mo akong mag-isa
lahat ng binigay koy kulang pa pala
Isang araw sa muli kong pag-iisa
hindi maiwasang minsay maalala ka
ang lahat ng nagdaan sa ating dalawa
ay sadyang malinaw pa sa aking gunita
Isang araw sa aking pag iisa
abala muli sa paggawa ng maraming wala
sana wala na lang muling makilala
sana wala na lang muling makasalubong pa
Isang araw sa matagal ko nang pag iisa
natanggap ko ang adya ng tadhana...
nasanay na rin akong walang kasama
tama na rin kaysa muling masaktan pa.
Sasamahan kita! Ganda ng
Sasamahan kita!
Ganda ng tula.... nagustuhan ko.... mukhang dito mo binuhos ang iyong kalungkutan... yon ang nakikita ko sa iyong tula...
Pero minsan kailangan rin na may kasama tayo... kailangan buksan din ang puso para sa iba... malay mo tulungan ka niyang hilumin ang iyong kalungkutan at di ka na magiisa pa...
Jons
salamat po sa pagbasa
oo, naibuhos ko nga dito ang nararamdaman ko nung oras na yon.pero kahit buksan ko pa ang puso ko, kung wala namang papasok, mag isa pa rin ako. (drama!) hmp! tama na nga.
ps nareceive mo ba txt ko kanina umaga? good afternoon!
Yup... nariciv ko kanina...
Yup... nariciv ko kanina... nagreply me ngayong tanghali na hiihhihii tinanghali me ng gising.... sarap kasi matulog saka sobrang pagod....
Hindi ka naman nagiisa.. narito lang kaming mga friend mo.... kapag naka pamanila ako puntahan kita... may daanan kasi me sa novaliches....
jons
drama pa ulit..
di bale ng walang pumasok... kung sisirain lang din ang loob nito...
*drama pa ulit* hahaha 
Drama na ha.... Malay mo ang
Drama na ha....
Malay mo ang muling pumasok ang mag aayos nito.... dapat laging bukas ang puso.....
jons
hello ad.
hello ad,
sa iyong pag-iisa , maisipan mo sana kaming isama mga kaibigan mong makata
at kapagdaka'y naroon na tayo, maghalubilo para ang lungkot ay malayo...
ganda siya...
(nga pala, wa me ngayon phone. di ako makokontak huhuhuh)
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."






ei..
...isang araw sa aking pag-iisa
nabasa ko ang iyong akda...
nice!