Sa Aking Pagboto...

bluryan's picture

sa aking pagboto, sino ba ang dapat kong piliin?
yun bang nangangako ng pagkain, damit at inumin?
yun bang kandidatong nagsasabing papakainin ang mga bata sa lansangan?
yun bang taong nagsasabi na hindi na maghihirap ang bansa?
ang kandidato bang patataasin ang halaga ng piso?
ang kilalang tao ba?
dating artista?
o yung mga maboboka sa TV, radyo at lansangan. mga taong kilalang kilala mo na ang boses, larawan at uri ng pananamit?

minsan may mga paniniwalang dapat iboto ang mga taong magbibigay ng pagkain sa mga mahihirap. pero diba mas magandang asahan yung mga taong magbibigay ng pagbabago sa batas ng pag tanggap sa mga empleyado.

hindi ba mas magandang tulungang kumayod at magtrabaho ang mamamayan. minsan hindi maganda ang epekto ng pagpapakain lang. may mga tao kasing umaabuso at naghihintay na lang ng pagkaing darating. naghihintay na lang sa tulong. hihilata na lang o kaya ay makikipag sugal sa kumpare o kumare o sa kapibahay. mas maganda yatang ang ibigay sa kanila eh hindi pagkain, bagkus ay isang trabaho na mapaghihirapan nila, at kikilos sila upang kumain. isang oportunidad upang sila ay umunlad gamit ang kanilang mga pawis.

masakit tanggapin pero sa totoo lang kulang na kulang ang mga pwedeng pasukang trabaho ng mga mamamayan. ultimo mga nakapagtapos ng kolehiyo ay nahihirapan din. may mga kumpanya pang naghahanap ng karanasan. isang kwalipikasyon na nagsasabing mas tatanggapin nila ang may karanasan na at hindi ang mga baguhan palang. hindi ba nila naiisip na pano magkakaroon ng karanasan ang isang bagong tapos sa pag aaral kung karamihan ng magagandang kumpanya ay naghahangad ng isng empleyado na may alam na at nasubukan na ang trabahong kanilang pinapasukan.

isang katotohanang nagpapahirap sa mga bagong mga nagsipagtapos. isa pa ang katotohanang walang mapapasukan, kung hindi puno ang isang kumpanya ay nagbabawas naman ng empleyado. minsan nga palakasan na lang ng kapit sa kumpanya. minsan naman pagandahan ng pinangalingang eskwelahan.

kaya minsan si bunso ay nahihinto sa pag aaral, dahil si ate o si kuya na inaasahan upang makatulong sa kanyang pag aaral ay nakikipagsapalaran sa init ng sikat ng araw, sikip ng trapiko, mahal ng pamasahe, gutom at uhaw para lang makahanap ng mapapasukan. ang masama pa nito dumarating ang araw ng pasukan at walang trabaho si ate o si kuya.

hindi na muna papasok si bunso ngayong taon. kasi wlang pang matrikula, walang pambili ng mga gamit at uniporme. isang taong tutunganga si bunso. at maghihintay ng susunod na pasukan kung sya ay makakapag aral uli. ngunit pano? makapasok man si ate o si kuya sa trabaho, may trabaho man si nanay at si tatay, pero pano makakapag ipon kung laging tumataas presyo ng mga bilihin? bayad sa kuryente lagi ring tumataas. nandyan pa ang tubig, renta sa bahay, LPG, pati pamasahe hindi nakikisama. dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ay apektado lahat ng gastusin. mukhang hindi uli papasok si bunso. ilang taon kayang ganyan? ilang taon syang tutunganga. madaragdagan na naman ba ang bilang ng mga batang hindi nakakapag aral?
sino nga bang pulitiko ang kayang bigyan ng solusyon ang masaklap na katotohanang ito? sasabihin ng iba na nasa tao ang pagkilos. pero paano? paano magsisikap ang isang taong walang mahanap na trabaho? pano magtratrabaho ang isang taong walang mapasukan? pano mag aaplay ang isang taong minamaliit? saan nga ba nagsisimula ang pagbabago? bakit hindi natin simulan ang pagbabago sa ating pagboto.....


parasol's picture

maaari..

oo nga sa panahon ngayon mas lalong mahirap maghanap ng trabaho kahit na ikaw ay nakapagtapos,

hindi ko tuloy maintindihan ang mga lider ng gobyernong ito sa kung anu anong hinahain nila para sa taong bayan..

 sana man lang eh magkaron sila ng aksyong epektibo na talagang lulutas sa problema at hindi yung panakip-butas o may panandaliang epekto lamang.

Lyds78's picture

kung mabibilang ang boto

ewan lang, ayokong maniwalang sa mga balota manggagaling ang pagbabago.  Lalo pa ngayong semi-automated na ang eleksyon, pati dayaan semi-automated na.  Matagal nang palsipikado ang demokrasya sa bayang ito, sayang ang mga punong pinuputol para sa election materials na nauuwi lang sa pag-upo sa pwesto ng mga taong hindi nakakaunawa sa totoong mukha ng kahirapan sa ating bansa.

wala namang mawawala kung ie-exercise natin ang right to vote, wag lang umasang may malaking pagbabago after ng eleksyon.  Kasi mas malamang same old story na naman iyan.  Nakakasawa na.

napadaan lang...

parasol's picture

sariling unawa at nasa..

ang hirap kapag nabulag ng pera, pagsikat at kapangyarihan.

DANGAL at PAGkATAO mo'y nahuhubad

lumalantad ang tunay mong karakas..

wala ka ng kilala kundi ang iyong nasa

at kaparehas

isang demonyong nag-anyong anghel

nagsalita at gumawa

ngunit para sa kabuluhan ng sariling unawa at nasa

 maraming nawalan

at mawawalan sa pagpapatuloy mo sa iyong gawa.

 

bluryan's picture

malapit na naman

malapit na ang eleksyon....sana makapili tayo ng tama.......sana tupadin ng mananalo ang pangakong kanyang binitawan....