Sa Araw ng Iyong Kasal
Sa araw ng iyong kasal…
Magsusuot ako ng itim
Ipagluluksa ko ang puso mong iba ang umangkin.
Sa araw ng iyong kasal…
Mag-aalay ako ng bulaklak na itim
Ipaparamdam ko ang dinulot mong sakit sa damdamin.
Sa araw ng iyong kasal…
Sisindihan ko ang itim na kandila
Iaalay sa ‘yo ang sumpang wala kang kawala.
Sa araw ng iyong kasal…
Ihahandog ko ang itim na dasal
At sisiguraduhin kong di kayo magtatagal.
Sa araw ng iyong kasal…
Mas pinili mong sa kanya sumama
Ngunit di ako papayag na ika’y agawin niya.
Kaya’t sa araw ng iyong kasal…
Ang tamang araw na aking pinili
At sa pagsapit ng gabi matatapos ang aking pighati.
wala lang. kagagaling ko lang sa bakasyon.. at magsusulat na naman ulit ngayon...
salamat kuya
nagsasanay ulit akong gumawa ng tula. wala lang para maiba naman.
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
!
Hi, Melay!
Punong-puno naman ng pagkasuklam at paninibugho ang iyong tula. Naalala ko tuloy ang isang Arab proverb:
“Love sees sharply,
hatred sees even more sharp,
but Jealousy sees the sharpest
for it is love and hate at the same time”
http://reyastone.blogspot.com/
elow ate rhea
ang inspirasyon kasi ay galing sa isang kaibigan na in-invite ng ex niya na umattend sa kasal ni ex. eh kamalas-malasan, mahal pa ni friend si ex. niloloko ko siya ng magsuot ng black sa wedding day hanggang sa nauwi na nga sa kung anu-anong itim ang usapan namin kaya ayan.. naging tula...
maraming salamat!
Ingatski,
melay
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
galing....
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
musta na ang bakasyon.... akala ko nagtatago ka na kay C.....
Uy.. ganda ng tula mo... para ba sa akin yan? heheheeheheh joke.....
Ibang level ka na ah....
jons
waah!
waket? ikakasal ka na ba? paano mo naman naiisip iyan? hehehe...
okay naman ung maikling bakasyon.. at hindi ako nagtatago. si C ang dapat magtago dahil ready akong halihawin ang bilbil niya (sabi nga ni kuya rom) pag nakita ko siyang pakalat-kalat! hehehe...
Ingatski,
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
!
Ganda.
makirot pero lumalaban.
Ganda ng tula!
Ganda ng tula! ..nakakadala...
Maganda ang pagsasalarawan ng isang taong napipighati habang ang minamahal ay nasa piling ng iba...wow..bigat, hehehe
Naaliw ako sa makabagbag damdamin mong tula..
elow sofia
salamat po sa pagbabasa. nakakita lang ako ng magandang inspirasyon kaya ganon. hehehe...
Salamat po ulit!
melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
wow. nakaka-relate ako sa
wow. nakaka-relate ako sa thought ng tula, pero hindi sa emosyon. masyadong mabigat ang emosyon nito, pang-matured. hehe.
galing ate melay! =))
-Galatea Artemis
"An eye for an eye makes the whole world blind..."
-Mahatma Gandhi
ganun? hehe. pero maganda
ganun? hehe.
pero maganda ang pagkakahabi mo. ang mga salitang ginamit, bumagay lahat. =))
-Galatea Artemis
"An eye for an eye makes the whole world blind..."
-Mahatma Gandhi
aray ko!!! tinamaan ako ah
hehehehe....hay subrang sakit nga kapag nangayari saU ang ganito...
buti na lang hindi akoh ininvite ng EX ko sa kasal nia (kung kinasal nga cia) hehehehe kung nagkataon baka ganito din ginawa ko hehehehe
naku!
Ung friend ko na inspirasyon nito ay talagang inimbitahan ng ex niya umattend ng kasal. wawa nga friend ko. ang sakit noon sa kanya kasi iniisip na rin pala niya na pakasalan ung girl na iyon. eh nakuha sa kanya ng iba. tsk tsk... ito naman si friend, aba pumunta pa nga sa reception. at nakaputi naman siya na may designs pa rin ng black... sinunod ung payo kong mag-itim. hehehe.
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
grabe
hehehe.... grabe naman ung EX niya... ano kayang dahilan niya at inimbitahan pa niya ung friend mo ate????
kong ako yon ate pure black pa ang susuotin ko hehehehe (joke)....
Black is apt
Absence of color kasi ang black. wala ng kulay ang kanyang mundo. Sabihin mo sa kanya wala namang aksidente sa mundong ito...baka kung sila nagkatuluyan e nambubugbug pala yun, o tamad, o babaero. So maaring may reason si Lord. Daming lalaki hano....
Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...
salamat sayo GAWAIN
hehehe... tamah ka maraming lalaki sa mundo pero simpre hindi naman natuturuan ang puso db?
maaaring mahal pa rin nia ung EX db?
salamat gawain
lalaki ung friend ko, gawain. anyway, may point ka. sa ngayon ay nagtatapon ng pera ang kaibigan ko sa European Cruise nila ng kuya niya. sabi ko nga sa kanya baka dun niya makita ung para sa kanya. ala kristine at aga sa all my life... hehehe.
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
lalaki pala
Hehehe sori lalaki pala un. e mas marami kamo babae. Yaan mo kamo ipagpepray natin sya.
tsaka ang galing mong tumula. Isa kang tunay na makata.
Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...
Malupit!
hi melay, hindi ka pa rin nagbabago sa iyong maka-antig damdaming mga akda... ito seguro yung kadugtong nung dati mo pang sinulat na tula (sensiya na ha hindi ko na maalala medyo tumatanda na eh, hehe.)
nangyari na rin sa akin na inimbitahan ako sa kasal nung ex-gf ko, limang-taon ding naging kami... nagkataon lang na natangap ko yung imbitasyon isang araw pagkatapos nilang ikinasal pero kung sakali man na dumating yung imbitasyon ng mas maaga ay dadalo pa rin ako sa kasal nila.. wala lang.. gusto ko lang makita kung gaano siya kasaya..
dalawang taon pagkatapos nilang maikasal nakatangap ako ng text message galing sa kaniya... hhhmmm sayang, kung natuto lang sana siyang maghintay.
"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."
kuya journeyman
salamat kuya! parang ganon na nga. may kinalaman ito dun sa Huwag Na. iisang tao lang ang inspirasyon ng dalawang tula. hehehe.
ang prob kasi sa friend ko, hindi niya gusto ipamigay sa iba iyong ex niya. mahal pa rin niya kasi. bitter pa siya kaya ayun.
Ingatski,
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
hi mam melay
ganda naman nito. kaya fan nyo ako eh, napaka versatile nyo talaga magsulat.
ay! may ganon?
To samarna, tenk yu.
to francheska, ngek! bola lang iyan eh. hehehe. Melay na lang. wag ng may mam, hindi ako sanay. hehehe.. tenk yu.
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
kung bilang tula, i would
kung bilang tula, i would say na "kabog!"
pero kung totoong me ganitong tao sa totoong buhay, that is sad. nobody wants to be sad... sana maka-move on sya. at wag ma-stuck sa konseptong punumpuno ng paghihiganti!
pero honestly, gusto ko yung lasa ng pagtataray nya... para syang bruha.. bwahahaha
hahaha hindi ah
hindi yun bola mam, totoo yun. fan nyo ko. president na ko ng fans club ni mam sinta, gusto ko din maging president ng fans club nyo. gusto ko maging president ng fans club nyong lahat. hahahaha baka sa susunod, ako na bagong president ng pilipinas. hala!











wow, super emo!
ibang level!
ang galing ng pagkakagawa, ok ang rhyming.
keep it up! :D
I'd love to turn you on...
Videoke the Radio Star