Sa Di Kalayuan

| |

Saan man ako dalhin ng aking mga paa at tadhana. Narito parin siya sa aking puso, ang una at marahil huling taong mamahalin ko sa abot ng aking makakaya. Magtagumpay man ako o hindi narito parin siya sa aking puso. Dahil, marahil siya ang kahulugan ng pangarap para sa akin at kahit wala mang katuparan ang pag-ibig ko para sa kanya. Lagi lamang akong naroon, doon sa sulok kung saan binuo ko ang kahulugan ng pag-ibig, doon kung saan kinatha ko ang kantang kabuuan ng aking puso, doon sa hindi di kalayuan naroon ako habang tinitignan siya at kung titingin lamang siya sa dako ko mababanaag niya ang pag-ibig na laan ko para sa kanya. Saan man ako dalhin ng aking pangarap at buhay, saan man ang agos ng aking kapalaran. Babalik at babalik ako doon sa di kalayuan upang lagi siyang titigan at mahalin habang ako ay may buhay.

Mark William a.k.a Jenmark