sa JEEP

lumawig_jacinto's picture

windang ako nung biyernes...

sobrang pagod ko sa kaaabyad ng mga igagayak sa function hall. pako dito pako doon, kabit dito kabit doon, naku po sobra tapos tatatlo lang kaming kumikilos kasi beauty rest na ang lahat.

kung siguro may magandang nangyari sakin nung araw na 'yon ay eto na yon...

ilang jeep din ang lamampas sakin na halos walang laman pero ni hindi ko man pinagka-abalahan ng parahin para sakyan.

ang hindi ko alam ay kung bakit ang pang-apat na jeep na iyon ang napagdiskitahan kong parahin.

di pa naman oily ang mukha ko pero malagkit na ang pakiramdam ko dahil sa pag-aayos ng lugar,ang dami kasi sobra.

dali-dali naman akong sumaklang sa jeep, wala akong pake-alam kahit na ano pa man itsura ko. nang nasa kalagitnaan n kami ng bayan ay biglang lumingon sakin ang isang mamang naka-camouflage at malaking back-pack.

care ko ba? eh di ko naman sya kilala. pero lingon pa rin sya nglingon sakin at nang maka-ilang lingon sakin ay nguniti pa.

nahiwagaan tuloy ako? iba ang ngiti nya dahil parang kilala nya ako, yun bang ngiting may tango pa? ganun!

doon ako nabuhay, dahil di naman siguro ngingiti ang isang tao at tatango ng walang dahilan para sa isang estranghero di ba? para ano? mapahiya?

ng malapit na kami sa babaan ay bigla parang may pumasok sa isip ko, parang namukhaan ko sya bigla. di ko naman kasi pwedeng i-dahilan na malabo na ang mata ko para lang isnabin ang lalaking yun.

naku po! kasamahan pala ni LT. J.P. noon. yung military police na kasamahan nila, yung lalaking ganoon din ang kakalingon sa akin nung CRUSADE namin noong 2007.

sya nga! hahay...pagkakataon nga naman. matagala na rin kasi silang wala dito sa laguna kaya ni minsan ay di ko na sila ulit nakita pa.

at ngayon, bigla bigla...ang tadhana talaga, parang pianglalaruan ako. kung kelan sinubukan kong makalimot saka naman nagsusumiksik sa daraanan ko para maalalang muli.

malayu-layo na ng makababa sya ng jeep ay panay pa rin ang lingon niya sa akin at ngiti na parang kilalang-kilala nya ako. sa bagay nagka-usap naman kami noon dahil binati nya ako pagkatapos kong kumanta. yun nga lang, pagkatpos noon ay bigla nalang silang nawalang parang bula.

bakit ganoon? ano ba ang ibig iparating sa akin ng mga ganitong pangyayari dahil, hanggang ngayon ay parang isang parusang may kumukurot-kurot pa rin sa aking isip at damdamin.

andito pala sya sa SAN PABLO...

sayang at sya lang.