SA kuko ng Diyos-diyusan

| |

Kanino? Sino? Paano? Kanino ako hihingi ng Hustiya? Sino ang makikinig sa isang tulad kong yagit lang sa lansangan? Paano? Paano ko maiintindihan ang batas na sinasabi niyo gayong kahit ang sarili kong pangalan ay hindi ko maisulat.Pilitin ko mang magkaroon ng malaking tinig. Ano ang laban ko sa lakas na taglay ng mga tulad ninyo. Isang pulubi, isang walang pinag-aralan, isang kayang bayaran, isang biktima na kailanman ay hindi magkakaroon ng hustisya. Ano ang laban ko sa tulad mong Diyos-diyusan, ninyong lahat na sakim at gahaman sa kapangyarihan.

            Kayo na nagtuturo ng batas at kami na naniniwala sa batas na inyong sinisira. Humingi man kami ng hustisya, papakinggan niyo kaming kunwari ay totoo talaga ngunit ang katotohana’y nagbibingibingihan kayo.Paano namin mauunawaan ang batas na isinusulat niyo? Paano kami maniniwala? Sa nakikita namin sa ngayon. Marami ang biktima ng kasamaan na hindi man lang makagitaw ng tunay na hustisya. Sino ang makikinig sa munting tinig namin? Gayong hindi namin kayang pantayan ang madagundong ninyong tinig.

            Ipanlalaban namin ang aming mga kuko na walang tulis at talim gayong alam namin bato ang sasalo. Ano pa ang silbi ng lumaban kung alam namin na matatalo rin kami. Alam ko, alam namin na ang mamatay ng lumalaban ay marangal. Ngunit duwag kami at takot. Pilit naming tatanggapin ang kinang ng salaping ibibigay ninyo kapalit ng kamatayan ng hustisyang hinihingi namin. Pagkat ganito ang buhay naming mga yagit sa Kuku ninyong mga Diyos-

Mark William